Kabanata 6

362 13 1
                                    

Zamora

"Magaling Lieutenant Galvez. Mabuti at nando'n ka noong nangyari ang nakawan. Nagpapatunay lang na may malasakit ka talaga sa kapwa mo kahit day-off mo ay ginagampanan mo pa rin ang pagiging pulis mo." lihim naman akong ngumisi sa sinabi ni General Javier.

May magandang naidulot din pala ang pagtulong ko sa lampang si Gauge. At lease, may nagawa siyang maganda hindi 'yung puro na lang kamalasan ang binibigay niya.

"It's my job, General Javier. Tsaka hindi ko naman po 'yun magagawa kung hindi dumating ang mga kasamahan kong pulis."

Nakangiti naman itong tumango sa 'kin at pinaglaruan ang ballpen sa kamay niya. Pagkatapos kasi ng eksena kanina. Hindi ko na nakita pa si Gauge. Bigla-bigla na lang 'yung nawawala eh. Biglang lilitaw tapos bigla ring mawawala. Daig pa si Flash kung gumalaw.

Kaya dumiretso na ako rito sa staion kahit na nakasibilyan pa rin ako. Nagamot ko na rin yung sugat ko paa. Hindi naman malala kaya nagamot agad.

"I know, I know... kaya mukhang maaga kayong magkakabonus." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

Weh? Malayo pa naman ang Pasko ah.. ang aga naman ata naming magkaroon ng Santa Claus.

"Totoo ba 'yan, General? Baka ginogood time mo lang ako ah." naiiling na lang ito sa 'kin at umupo nang matuwid.

"Matanda na ako, Galvez. Wala na akong gana sa pagbibiro kaya kung ayaw mo ng bonus. Ibigay mo na lang sa 'kin."

"Si General naman eh. Hindi na mabiro. Sabi ko nga may bonus ako. Wala ng bawian Papsi." tumawa naman ito habang napapailing.

Sayang 'yung bonus. Nawalan pa naman ako ng halos sampong libo dahil hindi ko na nahanap yung mga pinamili ko sa mall. Tanginang 'yan, wala man lang nag magandang loob na ibalik kahit man lang yung paper bag na lang kasi sayang din 'yon. Ang cute pa naman no'ng design.

Ang tanga ko rin kasi eh. Bigla-bigla ko na lang binitawan no'ng nakita ko si lampa. Bwesit talaga. Ang dami ko pa namang pinamili na branded na damit at sapatos.

"Bakit nga pala kami may bonus, General? Dati naman walang gano'n ah. May nanakawan rin namang Jewelry Shop pero wala namang bonus na pinabuya." kunot noo kong tanong.

Tumikhim naman ito at inayos ang uniporme niya. Tumingin pa ito sa relo niya bago ito ngumiti sa 'kin.

"Let me ask you Lieutenant. Sino bang may-ari ng Jewelry Shop?" ngumuso maman ako sa sinabi niya.

Sino nga ba? Aba malay ko. Pati ba naman 'yan poproblemahin ko.

"Wala bang clue d'yan General?" malalim itong huminga at napahawak sa noo.

"Loko-loko ka talagang bata ka." naiiling nitong sabi.

"Eh sa hindi ko alam General. Kailangan ko bang alamin kung sino ang may-ari ng Jewelry Shop? Alam niyo namang wala akong paki sa ganyan General."

"Hay nako. At talagang nangatwiran ka pang bata ka." nagkibit balikat na lang ako at pinaglaruan ang palakang laruan sa ibabaw ng lamesa.

Hindi ko naman alam na ang favorite animal pala ni General ay palaka. Tutal malapit na ang birthday niya. Ano kaya kung totoong palaka na lang ang iregalo ko sakanya? Ang talino ko talaga.

"Si Mr. Russo ang may-ari ng Jewelry Shop na nanakawan, Lieutenant. Ang may-ari ng mall na napuntahan mo kanina." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

Grabe naman ata ang pagpapayaman ni Mr. Russo sa sarili niya. Hindi ko na mareach ang kayamanan niya. Ang sarap magpabalato eh. Mga isang milyon lang.

Falling Into The DepthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon