Kabanata 13

348 13 2
                                    

Condo

Natigil ako sa pag-iimpake ng mga gamit nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong inalis ang mga unan sa kama ko para hanapin ang tumutunog kong cellphone. Napahinga ako nang malalim nang hindi ko ito makita roon.

Pinagmasdan ko ang kwarto ko at malalim na huminga nang makitang sobrang gulo ng kwarto ko. Parang dinaanan ng malakas na lindol kaya ganito kagulo sa loob. Nakakalat ang mga damit ko at ang ibang gamit ko naman ay puro nasa sahig.

Nang makita ko ang cellphone ko sa ibabaw ng side table ko ay walang gana ko itong inabot. Napabuntong hininga na lang ako nang makita ko ang pangalan ni Gauge sa screen ng cellphone ko. Tamad ko itong sinagot at ni-loud speaker bago nilapag sa gilid ng kama ko.

"I see, you're still awake. Don't you have a plan to sleep, baby?" he huskily said.

Natigil ako sa pagtutupi ng damit ko at tinitigan ng ilang segundo ang cellphone ko. Pabagsak kong nilagay sa maleta ang damit na tinutupi ko at agad na humiga sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nilagay ito sa tenga ko habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

"Hindi pa ako inaantok. Eh ikaw? Bakit hindi ka pa tulog?" Bahagya pa akong nagulat sa sinabi ko. Himala, hindi ko ata siya sinigawan.

Nadrain na ata ako. Naubos na ang lakas ko kanina pa. Para akong nawalan ng gana sa lahat. Hindi lang ako makapaniwala ang sarili kong Ama. Pinalayas na ako nang dahil sa hindi niya naman kaano-ano.

"May problem ka ba, Lieutenant? Why do I have a feeling that something bad happened to you? Tama ba ako?"

Napapailing na lang ako. Kahit kailan talaga may pagka creepy ang gagong 'to. Akala ko sa tuwing malapit lang kami tsaka niya ako nagegets kahit hindi ko sa kanya sabihin. Pero ngayon, kahit pala malayo at hindi niya ako nakikita. Alam niya pa rin kung ano ang iniisip at nararamdaman ko.

Napakaimpossible no'n pero malay ba natin na may lahing demonyo pala 'tong kacall ko.

"Wala, feeling mo lang 'yon. Matulog ka na nga," walang gana kong sabi.

I even heard him sighed kaya pati tuloy ako ay napabuntong hininga. Bigla na lang din akong napahikab dahil nararamdaman ko nang dinadalaw na ako ng antok.

"I should be the one who needs to tell you that. Drop the call, baby. You need to rest." Muli na naman akong napahikab pagkatapos niyang sabihin 'yon.

"Arte mo, bahala ka nga. Matutulog na ako. Bye." I was about to drop our phone call nang marinig ko pa itong nagsalita kaya binalik ko ang cellphone ko sa tenga ko.

"Don't forget to drink your meds, baby. Sleep well. I'll see you tomorrow, Lieutenant. Goodnight," paos nitong sabi.

I yawn. "Al'right. Goodnight, sige bye na." Pabagsak kong binitawan ang cellphone ko at tinakip ang kanang braso ko sa mata ko.

Kahit na gusto ko ng matulog pinigilan ko, dahil kailangan ko ng mag impake. Gusto ko ng umalis dito bago pa tuluyang sumikat ang araw. Alas tres na rin ng umaga kaya medyo napaparami na rin ako ng naimpake.

Nang matapos na ako ay agad akong lumundag sa kama ko. Pinagmasdan ko ang kwarto ko at napahinga nang malalim. I'm gonna miss my room. Simula pagkabata ko pa lang, dito na talaga ako natutulog. This is my safe haven, but now... mukhang impossible na.

Hindi ako makapaniwala na nang dahil lang sa dalawang 'yon. Mawawala na sa 'kin ang kwartong 'to. Nagliwanag bigla ang mukha ko nang may naalala ako. Agad akong tumayo sa kama ko at binuksan ang walk in closet ko. Pumasok ako ro'n at pumunta sa dress section. Ginilid ko ang mga ito at kinuha ang maliit na kahon doon.

Falling Into The DepthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon