Kabanata 15

395 12 0
                                    

Disowned

After kong titigan ang sarili ko sa malaking salamin at nasatisfied na ako sa ayos ko ay ngumiti ako sa repleksyon ko.

I'm wearing a white halter croptop and a black cargo pants. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang maikli kong buhok. Nilagyan ko na lang ito ng tig-iisang hair pin sa gilid para hindi hassle mamaya.

Pupunta akong palengke ngayon dahil kailangan ko na talaga ng stock ng mga pagkain sa bahay. I need to be independent kahit independent naman na talaga ako dati. Ang kinaibahan lang, nag-iisa na lang ako sa bahay.

And I don't know if that's good or not. Good, dahil wala na ang mag-inang demonyita sa buhay ko. And not, because I know that they are planning something dangerous. Wala talaga akong pakialam sa kanila pero 'yung Daddy ko...

Even though he cast me out, Daddy ko pa rin 'yon. Hindi ko naman pwedeng hayaan na mapahamak siya dahil may dalawang buwaya sa bahay namin, I mean niya. Bahay niya kasi hindi ko naman na 'yon bahay.

Siguro, after ko mamalegke dadaan muna ako sa bahay niya para tingnan kung ano na ang kalagayan niya. Basta, wala talaga akong tiwala sa mag-inang 'yon.

Kinuha ko na ang wallet ko at nilagay ito sa boho bag ko. Muli kung siniyasat ang mukha ko sa salamin bago lumabas ng condo. Agad ko itong ni-lock at huminga nang malalim bago tumalikod sa condo ko.

Napasandal ako sa gulat at napahawak pa sa dibdib nang makita ko ang nakasandal na si Gauge sa tabi ng pinto niya.

"Potangina mo Gauge! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Nanlalaki ang mata ko habang nakasandal pa rin sa pinto ko.

He sexily chuckled before he steps towards me. Tumigil ito sa harap ko at tiningnan ako taas baba bago ngumiti sa 'kin kaya lumabas na naman ang malalalim nitong dimple.

"You look cute, Lieutenant." Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya at agad na nag-iwas ng tingin nang maramdaman kong uminit bigla ang mukha ko.

Narinig ko itong tumawa kaya pinanlisikan ko siya ng mata. I rolled my eyes on him before I scrutinize him. He's wearing a simple white shirt and a black short with two pockets. Muli na naman akong napairap dahil do'n.

Bakit pareho na naman kami ng suot? Mukha na naman tuloy kaming nakacouple shirt.

"Ano bang ginagawa mo ha? Bakit ka nasandal doon?" taas kilay kong tanong.

He smirked at me before he lean his face to me kaya napaatras ako. "Hinihintay kasi kita, Lieutenant."

"At bakit naman?" I asked.

"I told you yesterday. Sasamahan kita maggrocery," he said while pouting his lip.

Tumawa naman ako nang payak bago ko siya tinulak nang malakas sa dibdib. Bahagya naman itong napaatras kaya inirapan ko siya at nilagpasan na ito. Agad naman itong tumakbo at pinantayan ang paglalakad ko.

"Hey... sama ako," he plead.

"No."

"Sige na, ako ang magbubuhat." Napangisi naman ako at tumigil sa paglalakad nang nasa harap na kami ng elevator.

Pinindot ko ito at naghintay na bumukas ito. Muli akong napairap nang humarang sa harap ko si Gauge. Tiningala ko ito at sinamaan ng tingin. He just beamed at me before he pouted his lip.

"Sige na, Lieutenant. Wala naman akong ibang gagawin. Ayoko namang mabulok sa condo." Inirapan ko naman ito at pinagkrus ko ang kamay ko sa dibdib ko.

"Lagi ka na lang walang ibang ginagawa. Hindi ba't may trabaho ka?" masungit kong tanong.

Nagkamot naman ito sa ulo at magsasalita na sana nang bumukas na ang elevator kaya nilagpasan ko na siya. Agad naman itong sumunod sa akin at siya na mismo ang pumindot papuntang ground floor.

Falling Into The DepthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon