Kabanata 14

365 13 11
                                    

Neighbor

Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa noo ko. Nakapamewang ako habang pinagmamasdan ko ang sala ng condo ko. Kanina pa kasi ako naglilinis kaya naman sobrang tagaktak na ng mga pawis ko sa katawan.

Ang sala at kusina pa lang ang nalilinisan ko. Gumising talaga ako ng maaga para makapag linis kaagad. Kaso, kahit ano atang aga ko sa paglilinis, gabi pa ata ako matatapos. Ang dami kasing alikabok tapos may mga agiw pa. Kanina pa nga ako bumabahing kaya sobrang pula na ng ilong ko kakakamot.

Pwede ko naman 'tong ipalinis sa iba pero sayang sa pera. Tsaka alangan namang sayangin ko ang free day ko ngayon 'di ba? Wala rin namang akong matawagan para tumulong sa 'kin. Si Reyes lang naman ang close ko pero nasa trabaho 'yon.

Alangan namang 'yung mga anak ni General, mga nasa school pa 'yon. At isa pa, nakakahiya. Ang kapal ko naman ata kapag pinalinis ko sila. Eh kung si Gauge kaya? Ngumisi naman ako sa naisip ko.

'Wag na lang. Baka imbis na matapos kaagad, baka mas lalo pang matagalan. Sa daldal ba naman ng bunganga no'n 'di hamak na mangyari nga 'yon. Actually, kanina pa 'yon tumatawag sa akin pero hinahayaan ko lang dahil busy ako sa paglilinis.

Natigil ako sa pagwawalis nang tumunog na naman ang cellphone ko. Tinitigan ko lang ito hanggang sa kusa na itong mamatay. Babalik na sana ako sa pagwawalis nang bigla na naman itong umilaw. Bumuntong hininga ako bago lumapit dito habang nakaipit sa kilikili ko ang walis.

Napaikot ako ng mata nang makita ko ang ilang missed calls ni Gauge. Ang kulit talaga ng gagong 'to. Porket pinagbigyan ko siya na ilabas ako, feeling close na ampota. I swipe his message kaya dumiretso na ito sa app ko.

From: Si Gauge na tatanga-tanga

Why aren't you picking up your phone? I've been calling you for hundred times. Are you mad, Lieutenant?

A half-suppressed laugh came out from my mouth. Ibang klase rin talaga ang gagong 'to. Napapailing kong binasa pa ang iba niyang messages.

From: Si Gauge na tatanga-tanga

Where are you, Lieutenant? Nandito ako sa labas ng station niyo. Your colleague told me that it's your day off. Why didn't you tell me? Ang sama mo, Lieutenant. Sayang sa gas.

Natawa naman ako nang mabasa ko 'yon. Nasasayangan siya sa gas pero 'yung ginastos niya kagabi para sa pagkain namin, hindi. Halos five digits din 'yung halaga no'n ah. Tapos pang gas lang parang maghihirap na siya.

Magre-reply na sana ako nang may pumasok na namang bagong message niya.

From: Si Gauge na tatanga-tanga

Nasaan ka? Pupupuntahan kita, Lieutenant.

Natigilan naman ako at napahawak sa puso nang ito'y tumibok. Kinagat ko ang loob ng aking pisngi at muling binasa ang message nito. Mariin kong tinikom ang aking labi at pabagsak itong tinapon sa sofa.

Tangina... ano 'yun? Bakit biglang lumakas ang tibok ng puso ko? The last time I felt this was three years ago. Noong kami pa ni Uno. Kaya how come na nararamdaman ko ulit 'to? No way, hindi pwede ang naiisip ko. I can't feel in love with that dimwit. Ayoko!

Natigil ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang tiyan ko. Napatingin ako ro'n at hinimas 'yon habang napapangisi. Tama, baka gutom ko lang 'to.

Inayos ko muna ang sarili ko at nagpalit ng bagong t-shirt bago lumabas ng condo. Hindi pa kasi ako nakakapag grocery kaya kakain na muna ako sa labas. Alas onse na kasi ng umaga kaya hindi na nakapagtataka kung bakit nagrereklamo na ang mga bulate ko sa tiyan.

Falling Into The DepthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon