Kabanata 4

399 19 2
                                    

Hostage

"Grabe Dad! I really enjoyed our Paris vacation. It's so excessive like I wanted to live there na." lihim naman akong umirap sa maarte at matinis na boses nito.

Edi do'n na kayo tumira. Mas matutuwa pa 'ko kaysa marinig 'yang kaartehan niyo sa buhay. Bakit ba kasi bumalik pa sila? Ang saya ko na rito sa bahay ng mag-isa tapos babalik na naman sila.

"Hadley's right, Hon. But, as much as I want to live there. I can't, because I can't leave my amigas here. Maybe we'll visit Paris na lang more often. What do you think, Honey?"

Nagpatuloy lang ako sa pagkain nang hindi sila nililingon. Mahirap na, baka mawalan pa ako ng gana. Sayang naman 'tong pagkain. Ang sarap kaya..

"We'll surely do that, Hon. But for now, let's take a rest first because I know that you two are both exhausted."

"You're the best Dad talaga, Daddy." matinis na sabi ni Hadley.

Edi wow.. Daddy mo ba 'yan? Sabagay, mas anak pa nga ang turing niya sa 'yo kaysa sa 'kin na tunay niyang anak. Potangina niyo! Magsama pa kayo sa Paris na 'yan. Ang aga-aga tapos kayo agad ang bubungad sa 'kin. Pangit tuloy ng araw ko.

Narinig kong tumikhim si Daddy ngunit hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Ang sarap magwala ngayon tangina.

"I heard that you muffed your mission, Fritillaria. Nawala lang ako ng isang buwan tapos 'yon agad ang mababalitaan ko? What happened to you?" nilunok ko naman ang pagkain ko bago siya nilingon nang walang buhay.

"I'm sorry about that, Dad." mahina kong bulong.

Alam mo 'yon.. yung ang laki ng tampo mo sa Papa mo pero hindi mo pa rin siya matiis kasi... tatay mo siya eh. Siya na lang ang meron ako. Kaya kahit hindi ko na ramdam na anak niya ako. Okay lang... basta wag niya lang akong itakwil o ipagtabuyan.

Dahil kapag nangyari 'yon... hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko sa mundong 'to. Siya na lang ang pamilya ko. At kahit pagbali-baliktarin ang mundo. Hindi magbabago na Papa ko siya at mahal ko pa rin siya.

"You're such a failure, Fritillaria. Hindi ka pa rin nagbabago, you're still a loser." natatawang sabi ni Hadley.

"Ikaw rin Hadley. Hindi ka pa rin nagbabago, you're still the maarte at sipsip na feeling legit na Daughter." i sarcastically exclaimed while rolling my eyes.

Her jaw clenched in annoyance and I just smirked at her mockingly. Lumingon naman ito sa Mommy niya na parang humihingi ng tulong.

Ang tanda-tanda na, hindi niya pa rin kaya ang sarili niya. Kahit magsama pa kayong dalawa. Wala akong pakialam, mga plastic na nilalang.

"Watch your words, Lady. We are infront of the foods yet you two are fighting. Have some manners please." umismid naman ako sa sinabi ni Hilda.

Mama ng hipokritang si Hadley. Pakitang tao lang 'yan. Kung wala rito si Papa baka kung ano-ano nang pinagsasabi niyan sa 'kin. Mag-ina nga sila. Iisa lang ang likaw ng bituka nila eh.

They both hate me to death. They think that I am their hindrance to get my family's wealth. After all, from the very start. I know that they are just after our money. Mga gold digger ampota.

"Magkapatid na kayong dalawa. So don't fight with each other. You two should treat each other as a sisters. Don't make me mad, Girls." seryosong sabi ni Daddy.

Si Hadley? Kapatid ko? Yaks... mamatay na lang ako.

"And you, Fritillaria. I don't want to hear some bad news from your work, got it?"

Falling Into The DepthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon