Kabanata 11

360 12 1
                                    

Song

"Gauge pare! Buti at nakapunta ka," ani ng isang singkit na lalaki habang papalapit sa 'min.

Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng gusali at napatango ng palihim. Marami nang tao pero mukhang chill lang talaga ang mga tao rito. May nakita pa akong maliit na stage at may mga instrumento pa.

Maganda ang ambience at kung gusto talaga ng tao na maglasing pero 'yung hindi magulo katulad ng sa bar. This is a perfect place para sa mga taong sawi na gustong mapag-isa. Mukhang babalik-balikan ko to ah..

"Congrats sa successful resto-bar opening mo, dude. I'm happy that you finally achieved your ambitions since we were in high school," nakangiting sabi ni Gauge.

"Salamat dude. Matagal ko na nga itong pinag planuhan at buti naman at natupad na rin," naiiling na sabi nito.

Napadako ang tingin nito sa 'kin at muling bumalik kay Gauge bago malaking napangisi. Napapailing nitong tinapik ang balikat ni Gauge bago nakangiting tumingin sa 'kin.

"Nakadali ka na naman dude! Girlfriend mo?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

Bakit lahat na lang sinasabing girlfriend ako ng lokong 'to? Mukha ba akong papatol sa lampang 'to? Mukha bang papatulan ko siya?

Bahagya akong napasinghap nang pinulupot ni Gauge ang kamay niya sa bewang ko at hinila ako papalapit sa kanya. Bigla akong napahawak sa dibdib niya dahil sa bigla niyang paghatak sa 'kin.

Malakas kong tinampal ang dibdib niya at pinanlisikan ng mata. Tumawa lang ito bago mas lalong hinigpitan ang hawak sa bewang ko. Kinuyom ko ang kamay ko at yumuko nang maramdaman kong uminit bigla ang mukha ko.

"This is Pretty. Hindi ko siya girlfriend, pero malapit na... maging asawa," Gauge confidently said.

Laglag panga ko namang tiningala si Gauge. Ngumisi ito sa 'kin at biglang hinalikan ang noo ko. Nanlaki ang mata ko at nang matauhan ay agad ko siyang tinulak papalayo at pinanlisikan ng mata. Narinig ko pang humiyaw ang kaibigan nito na parang inaasar pa kaming dalawa

Ang kapal talaga ng apog ng lampang 'to. Asawa? Ulol! Girlfriend nga di ko matanggap, asawa pa kaya? Tapos tangina.. kadiri! Mariin kong pinunasan ang noo kong hinalikan niya habang nakatingin pa rin sa kanya ng masama.

"Konti na lang... masasapak na kita," pagbabanta ko sa kanya habang nakatingin ng masama.

He chuckled, "Pasensya ka na dude. Ganyan lang talaga 'yan pag kinikilig, alam mo naman ang mga babae. They have different ways to show how they love their partners," mayabang nitong sabi habang nakangiti pa ring nakatitig sa 'kin.

"Alam mo..." sabi ko habang nakatingin sa kaibigan ni Gauge. "Dalhin mo na 'tong kaibigan mo sa mental bago pa 'yan lumala. Anyway, nice meeting you but I have to go," irap kong sabi at tumalikod na.

Sumighal ako nang hinawakan ni Gauge ang pulso ko at hinila papalapit sa kanya. Napapikit ako nang dumiretso ako sa dibdib niya. Nilagay nito ang malaki niyang kamay sa leeg ko na parang sinasakal ako. Pinilit kong tanggalin iyon pero mas lalo niya lang akong niyakap sa leeg kaya tumigil na lang ako dahil mas lalo akong nasasakal.

"Ito naman.. gagalit agad," natatawang sabi nito at mabilis akong hinalikan sa buhok kaya sinuntok ko ang tyan nito. Hindi man lang ito dumaing kaya napairap na lang ako.

"Seems like, nahanap mo na ang magpapatino sa 'yo, pare. At talagang pulis pa ah. Nako mahirap 'yan," nakangising sabi nito habang napapailing.

Tinaasan ko ito ng kilay at kinurot ang brasong nakapulupot sa 'kin kaya narinig ko itong dumaing. Lakas makakapit akala mo naman jowa ko.

Falling Into The DepthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon