CHAPTER 31

1.4K 34 0
                                    

SAMANTHA's POV

Sumakay na kami sa kotse. Si Mia ang nasa frontseat, si Ziel, Chlea at ako naman ang nasa Passenger seat.

"Kailan kaya ako makakaramdam ng saya" pagpaparinig naman ni Mark kay Mia

"Hindi ka ba masaya na nakompleto tayo?" Tanong naman ni Chlea

"Masaya naman, pero iba yung saya kapag sinagot ako ni Mia" Sinulyapan naman ni Mark si Mia

"Parang napilitan ka pang sabihin na masaya ah?" Sarkastikong saad ni Chlea "Baka gusto mong bumaba kami dito? Bigyan namin kayo ng Space" dagdag pa nito

"Ang ingay mo pa rin Lea! Wala kang pinagbago!" Komento ni Mark

"Ako pa talaga ang mainga--"

"Baka kayo niyan ang magkatuluyan" Natatawang sabi ni Mia

"Sayo lang ang puso ko Mia" Tila malungkot na bigkas nito "Pwedeng akin nalang ang puso mo? Palit tay--"

"Basta ikaw ang bahala sa pag-opera. Payag akong magpalitan tayo ng puso" saad ni Mia

"Ano? Magku-kwentuhan nalang tayo dito? Sige na Mark start mo na ang engine, hindi tayo makakarating sa Bar niyan e." Inis na bulyaw ni Ziel

"Ikaw rin, Wala kang pinagbago mainit pa rin ang ulo m--"

"Ikaw rin wala... Walang pag-asang sagutin ni Mia"

"Mia oh!" Pagsusumbong naman ni Mark

"Joke lang"

"Mia. Si Ziel oh, hindi mo daw ako sasagutin. Magiging tayo naman diba?"

"Ang ingay mo, sige na paandarin mo na." Saad ni Mia, nagsimula nang magmaneho si Mark

"Ayos lang yan Mark, dadamayan ka namin sa pagdadalamhati" natatawang saad ni Chlea

"Sam?" Tawag sa akin ni Chlea

" H-ha?"

"Tahimik mo ngayon ah"

"M-may iniisip lang"

"Sino ba yan?"

Hindi ko na ito sinagot, Nagusap usap pa sila pero hindi ko na sila inintindi. Tumingin nalang ako sa labas. Close si Liam at Myael? Dating magkaibigan si Myael at Charles? Ayaw ni Dad na lumapit ako kay Charles. Anong meron? May bagay nga bang alam si Charles na hindi ko dapat malaman? Hindi naman imposible na hindi sila magkatagpo dahil businessman si Charles at ganoon din si Dad, tungkol naman saan ang bagay na hindi ko dapat malaman? May kinalaman ba 'to sa pagkamatay ni mom?

"Sam?"

"A-ano yun?"

"May natitipuhan kana ba?"

"M-meron, kaso... Mahihirapan akong kuhain dahil malapit ng itali" saad ko at tiningnan si Mark

"ikakasal na ba si Myae--"

"Lagi mong isinisingit ang pangalan ni Myael" Inis kong sabi at tumingin ulit sa labas, malapit na kami sa Bar, Richel Bar?

"We're here!" Sigaw ni Mark, nagsibaba na kami ng kotse. "Pasok na tayo" saad ni Mark, hindi ko ito tinapunan ng tingin dahil sa dalawang taong nakikita ko sa tagong parte ng Bar na ito. Anino lang pero kitang kita ang bawat galaw nila

"Sam let's go" saad ni Chlea, pero hindi ko matanggal ang tingin sa dalawang taong naghahalikan. Kinapitan ng lalaki ang babae sa pisngi at siniil ng halik, tinugunan naman agad ito ng babae. Dahan dahang bumaba ang kamay ng lalaki sa leeg, balikat ibinaba nito ang damit ng babae, tinanggal ng lalaki ang damit nito at marahas na pinunit ang paldang suot suot ng babae.

I'M HIS SEX SLAVE, BESTFRIEND AND HIS FUTURE (COMPLETED)Where stories live. Discover now