CHAPTER 36

1.3K 28 1
                                    

SAMANTHA's POV

"Handa kana?" Tanong ni Myael

"I think so?" Huminga ako ng malalim

"Sabihin ko ba na sa huli na tayo mag peperform--"

"Wag na, okay lang" ngumiti ako

"Ngayon lang kita nakitang kinakabahan--"

"Nandoon si Ian." Biglang singit ni Mark "Nandoon siya, ang katunayan kalaban niyo siya. Kapartner niya si Irish yung nabunti--" tiningnan ko si Mark "hehe sorry" nagpeace sign pa ito

"Kinakabahan ako" saad ko at hinigpitan ang kapit sa mic

"Ire-request ko nalang kase na--"

"W-wag na." Huminga ako ng malalim

"Nagawa mo ngang kumanta ng hindi nagpra-practice e ngayon pang nagpractice ka." Nakangiting sabi ni Mark

"Wag ka ngang kabahan, ang ganda ganda ng pagkakaayos ng buhok mo. Buhok mo palang kuha na ang atensyon ng lahat." Dagdag naman ni Mia

"Lalo na kapag umikot ka, yang damit na yan ang magpapadagdag ng kagandahan mo." Natatawang sabi ni Ziel

"Yang pinakasimpleng makeup ko sayo, baka kahit mga babae kaingitan ka" sabi naman ni Chlea

"Bagay sayo ang binigay kong sandalyas" saad naman ni Myael

"Hoy! Ako ang nagbigay ng necklace and earrings niyan" saad ni Mark

"Para namang sinisingil niyo ako niyan! Hayaan niyo babayaran ko! Mamaya pagnatapos 'to!" Bulyaw ko sa kanilang lima. Tumawa silang lahat.

"Tanggalin mo nga yang bracelet" utos ni Chlea at tatanggalin na sana niya iyon ng itago ko sa likod ko ang kaliwang kamay ko "tanggalin mo yan, nakakasira yan ng ayos oh." Itinuro niya ako "from blue theme then you have pink bracelet!" Inis na sabi niya

"Palitan niyo na ang lahat ng meron ako, wag lang ito." Seryoso kong sabi

"kanino ba galing yan? At ganiyan mo yan kung protektahan, saka ngayon mo lang naman tatanggali--"

"A.YO.KO. tapos ang usapan, kung hindi tugma sa kulay na meron ako ang bracelet ko. Pwes palitan niyo lahat ng hindi tugma at gawin niyong pink! Hindi na ako sasali kung kailangan kong tanggalin ito." Inis na sabi ko at basta nalang itinapon ang kapit kong mic.

Agad na humarang sa harapan ko si Myael "Sam! Biro lang naman, bagay naman yung kulay e. Wag mo nang tanggalin, mawawalan ako ng kasama." Paki-usap ni Myael, tiningnan ko ang silang lahat. Lahat sila na tingin kung saan

"Sasali ako ng hindi tinatanggal ang bagay na 'to." Doon lang sila tumingin sa akin.

"I'm sorry Sa--" saad ni Chlea

"Ayos lang, Sorry rin" she hug me

"Tama na ang drama dyan tara na doon" sigaw ni Ziel na ngayon ay nasa pintuan na.

Sumunod naman agad kami kay Ziel, naupo kami ni Myael sa likod ng Judges dahil magtatanghal kami, sina Ziel ay kasama ang iba pa naming kaklase. Tumili naman ang ilang mga babae nang makita si Myael na inalalayan akong umupo. Nginitian ko lang siya.  "Kinakabahan ka pa ba?" Tanong ni Myael habang inaayos niya ang kwelyo

"Hindi na gaano." Nakangiti kong sabi. "Tulungan na kita." Kinapitan ko ang kwelyo niya at inayos iyo--

"Hi, Sam." Napatingala ako sa boses ni Irish

"Do i have to say hello?" Tiningnan ko ang kasama niya, si Charles. Tiningnan ko rin ang tiyan ni Irish. "Seriously? Magpe-perform ka? I mean malaki na ang tiyan mo Irish baka mapano ang batang laman niyan." Kinapitan ko ang tiyan ni Irish.

I'M HIS SEX SLAVE, BESTFRIEND AND HIS FUTURE (COMPLETED)Where stories live. Discover now