CHAPTER 45

967 20 0
                                    

CHARLES POV

"Kausap ko siya, habang kaharap ko ang babae na yun bago kami umalis." Nanlulumo kong sabi.

"Siya ang sumama sayo, Pumalit siya sa akin!" Sigaw ni Ziel. "Kung alam ko lang na iiwan mo siya doon!!! Hindi na sana ako pumayag na pumalit siya sa akin!!" Sigaw nito

"Papatayin kitang hayop ka!!!" Sigaw ng kuya ni Sam. "Minahal ka ng kapatid ko tapos iiwan mo siya doon!!! Papatayin talaga kita!!! Bitawan niyo ako!!" Pilit na nagpupumiglas ito "Bakit hinayaan mo na si Sam ang pumunta doon Ziel!!! Hindi ka dapat pumayag!!!! Anong silbi pa ng mga Sha-ynah kung wala siya!!!!! Tang*na!!!! Ikababagsak ng maraming tao ang pagkawala niya!!!" Kita ang galit sa mga mata ng kuya ni Sam

"Siya si Samantha, wala kaming laban sa kaniya." Saad ni Mia

"Kung sinabi niyo agad sa akin, narito sana siya at ako ang pumunta doon!!! Ipinahamak niyo ang kapatid ko!!!"

"A-ang sabi niya." Tumingala ako at bumuga ng hangin "Shit! N-narito siya naghihintay. This is just a joke right? This is just a prank right?" Umaasang sabi ko. "Sam!!!" Sigaw ko, tumingin ako sa paligid "L-lumabas kana! Hindi nakakatawa ang Pagtatago mo!!!" Sigaw ko. "P-pinatawad mo na daw ako!!!! Sam!!!! Labas na!!!" Para akong isang baliw na sumisigaw. Tahimik ang lahat, narinig ko ang mahinang paghikbi ng ilan.

"Tang*na pupuntahan ko siya!" Sigaw ni Ziel. "Chlea! Mia! Pakiayos ng flight ko!"

"I'll go with you." Saad ng kuya ni Sam

"No! Ziel! Hindi ka pupunta do--" Kontra naman ni Li

"Kaibigan ko yun Liam! Kaibigan ko! Pamilya na nga ang turing ko sa kaniya! Wag mo akong pipigilan dahil hindi ako magpapagil sa iyo!! Mag sama kayo ng kaibigan mo!! Tinulungan ka na nga niya! Iniwan mo pa!!!!" Sigaw nito at dinuro ako.

"Wala na tayong magagawa." Nahinto ang lahat ng sabihin iyon ni Mark

"Mer--"

"Marami sila. Iilan lang tayo, hindi natin kakayani--"

"Dahil hindi naman natin sinusubukan! Kaibigan ba ang tingin mo kay Sam?!! Lahat ng imposible ay gawin nating posible!" Saad ni Mia.

"Shit!" Sigaw ni Myael, nahulog ang phone nito na nagvi-vibrate. Muli niya iyong kinuha at sinagot ang tawag. Lumayo ito sa amin. Ilang saglit lang ay bumalik rin ito. "Uhm..." Umubo muna ito bago mag-salita. "We have to go home." Nangungumbinsi ang tono nito. "Lalo na kayong tatlo!" Itinuro niya ako, si Mom at si dad. "Bantayan mo doon si Irish." Saad nito at tumalikod. Ang kaninang nagsisihikbi ay tumahimik, sumunod lang sila kay Myael

SAMANTHA's POV

"Son!!!" Sigaw ng ama ni Charles, Napatingin ako kay Charles. Kinuha ko ang kutsilyo na nasa paanan ko at pinatamaan ko ang kamay ng lalaking may kapit na baril, siniko at sinipa ko palatikod ang lalaking nakayakap sa akin.

Nakita ko ang mga lalaking papalapit sa amin. Doble ang bilang niyon, kaysa kanina. Kinapitan ko ang dalawang kutsilyo gamit ang isang kamay, ang kabilang kamay ko ay may kapit na baril

"Let's go!!" Sigaw ni charles "Hey let's go!" Sigaw muli niya sa akin "Let's go--" itinapat ko ang pisngi ko sa pisngi niya

"Mauna na kayo, kapag hindi ako nakarating ng limang minuto. Umalis na kayo sa bansang ito, ako na ang bahala" pabulong kong sabi, bumilis ang tibok ng puso ko ng hindi ito gumalaw at nakatingin lang sa akin. Baka nakilala ako ng lokong 'to! "Mauna na kayo." Bulong ko at itinulak siya papalayo

"No, Kailangan kitang isama pauwi." Nakikiusap ang tono nito

"Mauna kana. Pinatatawad kana ni Samantha kaya mauna na kayo. Hinihintay niya kayo sa pilipinas.Ingat." sabi ko at patapong ibinigay sa kaniya ang riffle na kapit ko "sige na mauna na kayo." Inis na sabi ko.

I'M HIS SEX SLAVE, BESTFRIEND AND HIS FUTURE (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt