CHAPTER 41

1K 34 3
                                    

LIAM's POV

Binuksan ko ang pinto. "Liam? Umuwi na ba sila?" Tanong nito

"Nasa labas sila, kumakain. Nauna na ako dito para may kasama ka."

"Kailan ang labas ko dito sa nakakabagot na kwarto?"

"Bukas."

"Bakit mo pa kase dinala ang mga yun dito, nakalabas na sana ako kahapon pa nang bumaba ang temperatura ko. Mga boss ang mga yun, tinalo pa ang magulang ko kung magpasunod."

"Sumusunod ka naman?" Natatawa kong tanong, habang naglalakad ako papalapit sa kaniya.

"Mag-susumbong sila kay kuya."

"Yung Clouxe? Kuya mo siya?" Tumango ito. "Nung araw lang na yun ko siya nakita, nasaan ba si--"

"Sa America, doon siya nag-aaral. Gusto niyang makapagtapos agad para makapunta siya dito."

"Pwede naman siyang pumunta dito--"Naupo ako sa tabi ng bed ni Sam.

"Gusto niya na may ipagmamalaki siya kapag bumalik siya dito"

"May itsura ang kuya mo pwede na niya iyon ipagmalaki. Kaso mas gwapo ako."

"Kayong magkakaibigan ang hahangin niyo..." Tumingin ito sa kisame "Ipagmamalaki para sa taong mahal niya, mas magandang ipagmalaki yung pinaghirapan mo mismo yung may magandang kinahinatnan. Kakaiba si Kuya sa lahat nang lalaking nakilala ko, kahit ang buhay niya kaya niyang ibigay kapalit nang buhay nang iba." May tumulong luha sa mga mata niya.

Pinunasan niya ang luha niya bago tumingin sa akin, may lungkot ang mga mata nito.

"Siya yung tipo nang lalaking tinatanggap ang lahat nang sakit, mapa pisikal man o hindi. Mahaba ang pasensya niya pero kapag nasugatan o nadampian ang balat nang prinsesa niya, kaya niyang pumatay nang higit sa sampung tao nang hindi tataas sa sampung segundo. May pagkakataon na halos mamatay siya dahil sa pagtanggol sa akin. Nung araw na kinatatakutan ko ang lahat nandoon siya, sinabi kong kakaiba siya dahil kaya niyang lumayo at itago ang lahat sa taong mahal niya kahit ang sakit kaya niyang tiisin, kahit tatlong sibat ang itarak mo sa kaniya hindi mo siya makikitaan nang takot o bahid nang sakit sa mukha at mga mata niya." Umiiling nitong sabi.

"Kakaiba nga siya, base sa kwento mo." Tiningnan niya ang kuko niya at nilaro iyon

"Nung araw na yun. Kaarawan ko halos patayin niya ang mga tauhan niya, mabuti nalang at napigilan ko pa siya." Sunod sunod ang pagpatak nang mga luha nito. "Nag-away kayo... ni Charles?" Pag-iiba nito sa usapan. Pilit lang akong ngumiti "Bakit?"

"Gusto ko lang ipakita sa kaniya na hindi ko siya kakampihan sa katarantaduhan niya." Kumunot naman ang noo nito. "Wag mo nang pansinin, magkaka-ayos rin kami nun."

"May nasabi ba sayo si Charles?"

"Tungkol saan?"

"Wala naman." Ngumiti ito. "Si Ziel..." Tiningnan ko siya "Gusto mo ba?" Deretsong tanong nito, napakapit ako sa batok. Kinagat ko ang labi ko "Bakit hindi mo ligawan?" Natatawang sabi nito at kumuha nang apple at kinagat niya iyon.

Ngumiti ako, unti unti iyong lumawak "botong boto ka sa akin para kay Ziel ah." Nakangiti nitong sabi.

"Sa lahat nang lalaking may gusto sa kaniya, boto ako. Daming manliligaw walang mapili ang isang yun."

"Baka ako ang hinihintay." Nakangiti kong sabi

"Bakit naman kita hihintayin?" Natigilan ako sa boses ni Ziel

SAMANTHA's POV

Ngayon ang araw na babalik na ako sa bahay ni Charles. "Ako na ang maghahatid sayo." Saad ni Myael. Tumango ako at sumakay sa kotse niya. Ilang minuto bago kami nakarating sa tapat nang bahay ni Charles.

I'M HIS SEX SLAVE, BESTFRIEND AND HIS FUTURE (COMPLETED)Where stories live. Discover now