CHAPTER 37

1.4K 36 4
                                    

SAMANTHA's POV

Tiningnan ko siya. Inabot ko ang kamay niya, muntik na akong matapilok mabuti nalang at nasalo niya ako. "Minsan kailangan mong iiwan ang katangahan sa daan, hindi sa lahat ng oras malapit ako sayo."

Napatingin siya sa bracelet na galing sa kaniya. Tumingin ako sa gilid ko, at nakita ko ang ibang estudyante na grabe ang tili. "Hanggang ngayon pala sinusuot mo pa rin ito." Nakangiti nitong sabi habang inaalalayan niya akong makaakyat sa stage.

"Susuotin ko yan, dahil sayo galing yan." Wala sa sarili kong sabi, kita ko ang namuong ngiti sa labi nito. "Anong kanta ba ang kakantahin natin?" Pagiiba ko sa usapan

"Ikaw ang bahala." Nakatingin lang ito sa akin na akala mo'y namamangha. "Pwede magtanong Miss. Crausus" nakangisi nitong sabi, nabigla ako sa hindi niya pagtawag ng pangalan ko.

"Ano yu--"

"May kilala ka bang Sha-ynah?" Walang emosyon ko siyang tiningnan

"Why?"

"Meron kang kilala?" Interesado nitong tanong

"Marami." Tumingin ako sa parte kung nasaan ang mga kaibigan ko, nag-aalala parin sila.

"Pwede mo bang ipakilala si--"

"Naging laruan mo na ang apat na Sha-ynah Mister. Kaya imposibleng hindi mo sila kilala." Nakangisi ko siyang tiningnan.

"I need her help." Nginisihan ko lang siya.

"Isa lang ang kailangan mo na Sha-ynah?" Natatawang sabi ko. Napaisip naman ito, " sinasabi ko sayo kilala mo ang ilang Sha-ynah napaglaruan mo na nga ang apat." Napapailing kong sabi

"Ipakilala mo naman sila s--"

"Haysst kilala mo na nga yung iba."

"Kailangan ko ng tulong ni--"

"Mahihirapan ka." Nagtataka naman niya akong tiningnan "mahihirapan kang pakiusapang tulungan ka dahil ang apat na Sha-ynah ay napaglaruan mo tsk. tsk. tsk. Anong tulong ba ang kailangan mo?" Tiningnan ko ang kuko ko

"K-kailangan kong dalahin si Sha-Ynah kina m--" natawa naman ako sa sinabi niya, kinapitan ko ang tyan ko sa sobrang pagtawa.

"Sino bang Sha-Ynah ang hinahanap mo?" Seryoso kong tanong. Hindi ito nagsalita. "Ang daming Sha-ynah sa mundo, pwede ka namang manghila ka nalang dyan sa tabi tabi." Umiling ako "Mr. Jimenez sinasabi ko sayo mahirap kausapin ang Sha-ynah na hinahanap mo, kung yung nasa isip ko ang hinahanap mo" May halong pagbabanta ang pagbigkas ko sa bawat salita.

"Tss. Ang laki ng pinagbago mo."

"Mas malaki ang ipinagbago mo Mr. Jimenez, saka bakit ba ako ang naisipan mong tanungin sa Sha-ynah na yan?"

"Dahil sabi ng mga kaibigan mo na sayo ko itanong." Pinagcross niya ang kaniyang mga braso. Na akala mo ay nanunuri.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko, 'What the hell is this' I mouthed

"Do you need help choosing a song?" Tanong naman ng Judge, na nagpatigil sa aming dalawa.

"Just the way you are ang solo ko, ikaw?" Baling nito sa akin

"Kailangan pa ba nun?"

"Para mas ma enjoy ng mga manonood, Miss Crausus."

"Talaga lang, ha? Baka naman..." Binitin ko ang sasabihin ko at iiling iling na tiningnan siya "para matagal ko akong makasama, sabihin mo lan--"

"Gano'n na nga." Nakangisi nitong sabi

"I like you so much, You'll know it. Yun nalang ang solo ko." Kita ko ang pagngiti niya.

I'M HIS SEX SLAVE, BESTFRIEND AND HIS FUTURE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon