CHAPTER 60

1K 25 1
                                    

[Apllying as your girlfriend]

CHARLES POV

"Nandyan rin ang bracelet na ibinigay mo. Yan ang sabi mo hindi ba? Ang ibalik ko yan" Hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan nang loob. Ang akala ko nakalimutan na niya iyon.

"Give me reason to sign this." Pang-hahamon ko rito nang may ngiti, gulat ako nitong tiningnan. "Give me reaso--"

"Babalik na ako sa Japan." Seryosong sabi nito. "Pirmahan mo na, may mga kailangan ka pang pirmahan." Itinaas nito dalawang brown envelope na kapit niya.

Bumuntong hininga ako bago pirmahan iyon. "Isuot mo ulit 'to." Inabot ko sa kaniya ang bracelet. Isinuot naman niya iyon.

"Ikaw? Wala ka bang sasabihin?" Makahulugang sabi nito.

"Ano naman ang sasabihin ko?"

"Ano nga ba?" Nakangising sabi nito.

"Fine. May nangyari sa amin ni Cath." Bumuntong hininga ako. "Pero noon pa yun, hindi ko yun ginusto may ini-spray siya na kung an--"

"Ito naman." Inabot niya sa akin ang isa pang brown envelope. Tinitigan ko iyon bago buksan. Mga pictures?

"Para saan ang mga ito? Anong gagawin ko sa mga larawan na 'to?"

"Tss. Yan ang mga tinapos ko sa loob nang limang taon." Seryosong sabi nito. Tiningnan ko isa isa ang mga litrato. "Sa grupo namin kailangan naming kuhaan nang litrato ang mga napatay o pinatay namin. Ibinibigay din namin ang mga dahilan kung bakit namin sila pinatay. Wala dyan si Klien, dahil siya ang naglagay sa buhay niya sa kapahamakan kahit si Cath ay wala dyan dahil siya mismo ang kumitil sa sarili niya." Gulat na tumingin sa akin si Charles.

"Si Cath? Nakakausap ko palang siy--"

"Kagabi lang, nalaman nang mga tauhan ko. Alam na rin nang mga magulang mo na wala na siya."

Itinuro nito ang isang grupo na nakapulang Jacket, nagkatinginan kami. "Sino sila?"

"Sila ang Vermelho, isa sa pinamumunuan ni Klien. Ang ibig sabihin nang Vermelho ay Pula, sa brazil nanggaling ang salitang iyan." Seryosong sabi nito.

Itinuro niya ang isa pang grupo na mga nakagrey jacket.

"Sila ang Cinza na ang ibig sabihin ay Grey." Itinuro naman nito ang mga lalaking nakahirata may araw na nakatatak sa mga kamay nila. "Sila ang Amarelo, ibig sabihin ay--"

"Yellow."

"Ito ang Laranja, ang ibig sabihin ay orange." Saad niya habang nakaturo sa higit sa sampung mga lalaki na nakatali sa isang poste. "Ito naman ang mga dragones." Itinuro niya ang mga lalaking may mga tatto sa pisngi na dragon. "Sila ang kanang kamay ni Klien. Ako ang gumawa nang lahat nang iyan."

"Sam? I'm sor--"

"Patapusin mo muna ako, Ang iba dyan ay yung mga taong nagbabanta rin sa buhay ko. Wag mo nang alamin kung sino-sino sila, baka pagsisihan mo." Umiiling na sabi nito. "Kasing pangit mo sila." Natatawang sabi nito.

"Anong sabi mo? Pangit ako?" Kinuha ko ang isang litrato nang lalaki at tumayo. "Ito lang ang pangit hindi ako." Itinuro ko ang lalaking nasa litrato at tumayo. Itinapat ko ang mukha ko sa mukha ni Sam. "Saang parte nang katawan ko ang pangit?" Nakangising sabi ko.

"L-lalayo ka o s-sasapakin kita?" Pag-babanta nito.

"Iilagan ko pero hahalikan kita." Nakangiting sabi ko.

"May isa pa." Saad nito sabay harang sa mukha ko nang isang envelope. Kinuha ko iyon at naglakad papalapit sa kaniya.

"Mamaya na ito." Ibinaba ko ang envelope sa mesa ko. Naglakad ako papalapit kay Sam. "Sino nga ang pangit?" Nakangising tanong ko.

I'M HIS SEX SLAVE, BESTFRIEND AND HIS FUTURE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon