09

18 1 17
                                    

KYUO

It's been almost two hours at hanggang ngayon, wala pa rin akong balita sa mag-ina ko. I felt like, I will go nuts while waiting for their embrace. I can't wait to see them together.

Pabalik-balik ako sa harap ng delivery room, nanginginig at walang pakundangan ang pagdadasal habang kinikiskis ang basang basa kong kamay dahil sa kaba.

Why am I not allowed to enter there? I am the father, I must be there, assisting my vulnerable wife.

Damn, this is so hard.

Kinina pa ako sinisita ng magkapatid, halatang inis na inis na dahil nahihilo na raw sila sa bawat galaw ko.

And my care is nowhere to be found. Hindi naman nila nararamdaman itong kaba at pag-aalalang nararamdaman ko ngayon.

Mag-ina ko ang nasa loob, samahan pa ng sakit ng asawa ko. Nakakapanghinang isipin na naghihirap ngayon si Xilliene para lang maisilag ang aming anak. Kung pwede lang na ako na lamang ang sumalo ng lahat ng sakit na dinaranas niya, kanina ko pa ginawa.

Bilang pumasok sa isip ko ang mga katagang binitawan niya kanina. It's as if she's saying goodbye to me.

Iisipin ko pa lang na mawawala siya, parang gusto ko na ring mawala. Hindi ko iyon matatanggap kailanman, hinding hindi.

"Kyuo, can you stop it? Nakakaasiwa ka na," reklamo ni Xian habang si Bricks, nakatungo lang at hawak ng kaniyang magkabilang kamay ang kaniyang ulo.

Bakit kinakabahan din ang mokong na 'to? Parang siya ang asawa, ah!

Napamaang ako dahil sa naisip.

Great. Bakit nga ba nandito ang lalaking 'to? Kung hindi lang dahil sinabi niya sa'kin ang kalagayan ni Lienne, matagal nang bugbog ang pagmumukha nito.

Yes, he's the one who told me about her situation.

Nagkabangga kami sa elevator malapit sa apartment ko. We even fought in the middle of the hallway due to a petty reason, then he spilled everything.

Funny right? kung sino pa 'yung pinagseselosan ko, siya pa pala ang taong bibigyan ko ng pasalamat.

But, I will never forget the fact that he hugged my girlfriend which is now my wife.

I smiled due to that thought.

Biglang bumukas ang delivery room dahilan upang maibaling doon ang atensyon ko at mabilis na pumaroon.

"Doc, how's my wife? Our baby? Ayos lang ba sila?I-Is my wife fine?" Aligaga kong tanong.

Doctor Villamin gave me a smile. Actually, she's my godmother, the reason why I trusted her so much.

"The baby is fine but we still need some further observations. By the way congratulations, son." Tinapik niya ang aking balikat. Halos mapaiyak ako dahil sa narinig.

My daughter... Ang sarap pakinggan.

"How about my wife, doc?"Mabilis kong tanong, hinihintay ang magandang balita mula sa kaniya.

Kahit nalunod na ako sa impormasyong may anak na ako, hindi ko pa rin nakakalimutan ang asawa ko.

Bigla akong kinabahan. Nagbago ang timpla ng kaniyang mukha.

Sunshine In Her Demise [Completed]Where stories live. Discover now