01

239 92 35
                                    

We are the creative force of our life and through our own decisions rather than our conditions. If we carefully learn to do certain things, we can accomplish those goals.
Stephen Covey

***

Kamusta?

Ayos ka lang ba?

Masaya ka na ba ngayon?

Sinong ipinalit mo?

Siya pa rin ba?

Naaalala mo pa rin ba ako?

Ilan lang 'yan sa mga tanong na gustong gusto kong itanong sa kan'ya.

"Masaya ka na nga talaga," turan ko mula sa hangin at pait na ngumiti habang pinagpatuloy ang pags-stalk sa kan'ya sa facebook at IG.

Iba na ang bio niya.

Deleted na ang mga pictures naming magkasama. Iba ang kaakbay niya at ang lapad ng ngiti niya habang magkasama sila.

Burado na pala talaga ako sa buhay niya.

Ano ba 'tong ginagawa ko? Parang sinasaksak ko ng patalikod ang sarili ko, Tinutorture ko na naman ang puso ko.

Sh*t! Sobra na, 'di ko na kaya. Pagod na ako, pagod na pagod.

Ang sakit! Ang sakit sakit.

Ginusto ko naman 'to, 'di ba?
Alam kong masasaktan lang ako sa mga nakikita ko pero sige pa rin, stalk lang ng stalk.

Doon lang Kasi ako masaya eh. Masaya akong nakikita siyang ngumingiti.

Kahit hindi na ako Ang rason ng pagningning ng kan'yang mata, ayos lang at least masaya siya.

Pinakawalan ko siya dahil 'yon ang alam kong tama.

Pero bakit parang mali?

Bakit pakiramdam ko ang tanga ng ginawa ko?

Bakit pakiramdam ko, ang selfish ng desisyon ko?

Well, may pagpipilian ba ako?

Wala naman, 'di ba?

Siguro mas okay nang ganito.

'Yung set-up na masaya ka sa iba habang ako naman ay humihikbi sa gilid at dahan-dahang pinapatay sa sobrang pait at sakit.

Ayos na sana eh.

Masaya na tayo eh.

Bakit nga ba tayo humantong sa ganito?

Bakit ko nga ba nalaman 'yun?

Bakit nangyayari ang lahat ng ito?

"Ang tanga ko..." Saad ko habang pait na umiling.

Tumatawa ako ng pagak habang tumutulo ng paunti-unti ang aking mga luha, humihikbi.

Nandito ako sa isang sulok ng madilim at masalimuot kong silid habang inaalala ang masasaya naming sandali.

Hindi na matapos-tapos ang panunubig ng aking mga mata. Kahit anong pilit kong pahiran at pigilan ito, bumubuhos parin.

Nakakapanghina...

"Xillienne, please buksan mo ang pinto. Si mama 'to." Tiningnan ko ang pinto kung nasaan nasa likod no'n si mama habang kumakatok.

Pain is visible the way she voice me out.

Pati sina mama sinasaktan ko, pero wala akong magawa.

I don't want them see my misery or witness me being vulnerable.

Sunshine In Her Demise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon