07

108 59 27
                                    

I don't know how to react.

I'm happy but there's half of me screaming with fear and concern.

Nanginginig kong hinawakan ng malumanay ang aking tiyan

Paano kung maapektuhan ang anak ko sa aking sakit?

Paano kung hindi ko kayanin?

Ano'ng mangyayari sa'kin? Sa'min?

But no matter what happen, one thing's for sure.

I will do everything just to let her/him see the beauty of the world. I will let her/him meet his/her father in flesh even it means that my own life will be at risk.

"Baby, lumaban ka ha? Lalaban tayo. Ikaw lang ang tanging regalong maibibigay ko sa daddy mo. Pasayahin mo siya ha? 'Wag mong bigyan ng sakit ng ulo, ok?" Saad ko habang hawak-hawak ang tiyan at tumutulo ng paunti ang aking mga luha.

Pitong buwan na ang nakalipas simula no'ng naospital ako at naghiwalay kami ni Kyuo.

Maayos naman ang buhay ko. Hindi ko nkakalimutang kumonsulta sa OBGYN at oncologist.

Healthy naman daw ang baby but still, hindi ko parin maiwasang mag-alala sa mga posibleng mangyari.

The doctor said that I can take chemotherapy on my last trimester or after I deliver my baby but I chose the latter.

Natatakot ako na baka mas
maapektuhan ang bata 'pag nagpagamot ako nang nasa sinapupunan ko pa siya.

Alam kong malala na ang sakit ko kaya mas pinili ko nalang ang anak ko.

Masaya na akong malamang mabubuhay siya.

Ganoon lang ang takbo ng mundo ko hanggang sa may nabalitaan ako no'ng nakaraang linggo.

Nakita ko sa social media na iba na ang babaeng nakakapit sa kan'yang matipunong braso . Ang laki ng ngiti niya habang nakaakbay sa babaeng kasama din niya sa condo noon.

Okay na sana e.

Hindi na ako gaanong umiiyak.

Kung maaalala ko man siya ay ngingiti na lamang ako ng mapait ngunit iba ang sitwasyon ko ngayon.

Hindi ko maiwasang manginig sa kakaiyak...

Hindi ko maiwasang masaktan ng paulit-ulit.

Hindi ko maiwasang magkulong sa kwarto pero hindi ko pa rin nakakalimutang kumain at uminom ng gamot.

Kahit naman ganito ako, iniisip ko pa rin ang kapakanan ng aking anak.

Parang hindi ko kaya ang sakit. Ang anak ko na lang yata ang nag-iisang dahilan kung bakit gusto ko pa'ng mabuhay.

If I were to choose, I want to end my life right now, but I don't want to be selfish.

I still have a family who's worried about me.

I also have a child who's waving at me, wanting to see the world.

All I could do is to cry. I felt like i'm so useless.

I cried and cried.

Sunshine In Her Demise [Completed]Where stories live. Discover now