06

134 70 16
                                    

"Oh God you're awake! Xipio! Gising na si Xillienne!" Hindi makamayaw ang ingay na bumulabog sa aking tainga.

Parang mga bubuyog na nagsiungusan patungo sa kanilang reyna.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at napadapo kaagad ang aking tingin sa nagsasalita, sanhi ng aking pagsinghap sa kabila ng pahirapan kong pagmulat dahil sa ilaw na lumalapat sa aking mga mata.

I roamed my eyes around this four-cornered room and nervousness filled me with the fact that they're all here in front of me.

"M-Ma," mahina kong saad habang dahan-dahang umayos ng upo ngunit pinigilan lang ako ni mama at sinenyasan ni papa gamit ang paggalaw ng kan'yang kamay sa ere, pertaining that I must follow my mother.

Tinubuan ako ng kaba sa nasaksihan.

Nandito silang lahat, ang buo kong pamilya.

"Please dear, don't move..."

Dahan-dahang lumapit sa akin sina kuya Xiano, kuya Zack, Letty at si papa.

They gave me sympathy and worries are all over their faces.

Tikom na tikom ang aking bibig habang ngayon ay nakatungo na. Ayokong makita nila akong ganito.

Bigla kong naramdaman ang pagkauhaw kaya bigla akong napatingin sa pitsel sa side table na malapit kay kuya Xiano.

"W-Water please," I shyly uttered.

Tuyo ang aking lalamunan kaya medyo hirap akong magsalita.

Mabilis namang kumuha si kuya ng isang baso ng tubig at inabot sa'kin.

Nakakailang ang atmospera dahil batid kong nakasunod ang kanilang mga tingin sa akin.

Rinig na rinig ang ingay ng aircon at patak ng tubig ng ambon sa labas.

Nakakailang ang katahimikan at laking pasasalamat ko nang sinira iyon ni Letty.

Kaagad niya akong dinamba ng yakap at pumalahaw ng iyak sa harap ko.

Umaalog na rin ang kanyang mga balikat dahil sa paghikbi kaya't niyakap ko siya pabalik at hinawakan ang kanyang likod para patahanin.

"Wala pa rin palang pinagbago si bunso. Iyakin pa rin," Mahina kong saad, dahilan ng kanilang mahinang pagtawa.

Bahagya na lamang akong ngumiti at hinarap si Letty na ngayon ay medyo tumahan na ngunit may namumuo pa ring luha sa kanyang mga mata.

"A-Ate, lumaban ka, ha? Promise us na lalaban ka...wag mo kaming iwan a--" Bigla siyang siniko ni kuya Xiano at pinanlakihan ng mata ni Kuya Zack kaya't naitikom niya ang bibig at bahagyang lumayo't yumuko.

Ngunit hindi 'yon natuloy nang pisilin ko ang kanyang kamay at biglang napatigagal.

Napatitig na lamang ako sa kisame bago huminga ng malalim at suminghap.

Anong ibig sabihin nito?

Does it mean, alam na nila?

A

lam ko namang mangyayari ito pero sana napaghandaan ko. Bakit ang aga naman yata?

"Lienne, ba't 'di mo sinabi sa'min? Pamilya mo kami tapos maglilihim ka lang? Please naman, 'wag mong akuin--" hindi na natapos ni kuya Zack ang gusto niyang sabihin nang biglang sumabat si Papa at pinagitnaan kaming dalawa.

Ito na nga ang kinakatakot ko. Mariin kong pinagkiskis ang aking malamig na kamay at itinuon na lamang ang tingin sa kumot ng kama.

"Pagpahingahin n'yo muna ang kapatid niyo. Anak, kung may kailangan ka sabihan mo kami ha? Nandito lang kami para sa'yo," Bigla akong napatingin sa kan'ya nang banggitin niya ang mga salitang iyon.

Napasinghap akong muli nang ngumiti si papa habang namumula ang mga mata kaya't bigla ko siyang niyakap mula sa'king tagiliran at isiniksik ang sarili sa kanyang balikat.

Kusang tumulo ang aking mga luha, hindi dahil sa sakit, kun'di dahil sa kasiyahang nananahan ngayon sa aking puso.

I just realized that i'm not fighting alone. I have them, my family.

Sorry kasi nakalimutan ko'ng may pamilya paka ako na nag-aalala sa'kin.

Na may masasandalan at makakapitan pa ako sa kabila ng mga nangyari sa aking buhay.

Pero may kulang parin. Parang nahati ang katawan ko.

Buhay ang isa at patay naman ang kalahati.

Sinabi ko sa kanila ang lahat ng nalalaman ko. Pati ang breakup namin ni Kyuo, Lahat lahat.

'Yung inakala niyang nagloko ako at ang desisyon kong ipinag-iling na lamang ng pamilya ko.

Laking pasasalamat ko at di nila ako sinumbatan pero hindi sila sang-ayon sa aking desisyon. Hindi sila nagdalawang-isip na suportahan ang aking pasya kahit labag sa kanilang kalooban.

'Di ko na sila pinilit pang maintindihan iyon dahil 'di rin naman nila ako maiintindihan.

"Sigurado ka na ba talaga riyan, Liang? I think that's kinda selfis--"

"Mas mabuti na rin 'yon. 'Wag na kayong maraming tanong." Nakahinga ako nang maluwag nang sumabat si kuya Zack.

"Pero ate, kung hiwalay na kayo ni Kuya Kyuo, paano ang baby n'yo?"Nagtatakang tanong ni Letty. Ngayon naman ay pinandilatan siya ng mata ng mga kuya namin at napasapo na lamang ng nuo si mama.

Biglang umawang ang bibig ko sa biglaan niyang pagbitaw ng salita.

Ano daw? Am I hearing it right?

"Hala, 'di mo pa alam?" Siniko na naman siya ni Kuya Xiano at pinanlakihan ng mata ni kuya Zack.

A baby--what?

"Oo Lienne anak, kaya magpakalakas ka. Hindi lang para sa sarili mo kun'di para na rin sa magiging anak mo," Mama gave me a sweet smile and brushed my hair with her fingers.

Until now, my system won't allow me to digest what I just really heard.

Sa ilalim ng dalawang taon, hindi ko pinagkakailang may nangyari nga sa amin ni Kyuo pero hindi ko inaasahang may nabuo.

Damn! May sakit ako yet, may buhay sa sinapupunan ko?

May biglang tumulong mainit na likido galing sa aking mga mata. Nanginginig man ay hinawakan ko ang aking tyan habang nakatulala sa kawalan, hindi alintana ang mga matang nakatitig sa bawat reaksyon ko.

"My baby... O-Our baby..."

To be continued...

©️KanaCleo

Sunshine In Her Demise [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora