04

133 80 25
                                    

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Mixed emotions are all over my system which makes me so dobious with my feelings.

Pangamba, Pagkagulat, at awa sa sarili...

Paano ko ba ito malalampasan?

Nang makaalis ng tuluyan ang doktor, bigla na lamang tumulo ang kanina ko pang pinipigilang mga luha at ngayon ay walang tigil ito kung umagos sa aking mga mata.

Ano na'ng mangyayari sa akin?

Gusto kong sumigaw, isigaw lahat ng sakit ngunit hindi ko magawa.

Gusto Kong magwala, pero hindi ko kaya.

Parang bigla akong nawalan ng lakas.

Parang pinutulan ng pakpak nang walang kalaban-laban. Tila isang ibong kakalipad lamang ngunit sa kasamaang-palad, biglang nahulog at nadakip ng kawalan.

Biglang pumasok si Bricks at no'ng nadatnan niya akong umiiyak, tinakbo niya ang distansya naming dalawa at bigla akong niyakap.

I didn't give any malice on that 'coz I badly need a hug right now.

I don't know what to do...

After a moment of silence, he asked about what happened.

Nung una, nag-alinlangan pa ako dahil isa lamang siyang hamak na estranghero ngunit sinabi ko na rin kalaunan.

Gusto ko lang ng masasandalan ngayon, kamay na kakapitan ko mula sa pagkakalugmok.

Sinabi niyang tutulungan niya ako kaya't hindi ko na tinanggihan pa.

Hindi ako magkandaugaga sa pagpapasalamat sa kan'ya sapagkat ang matulungan ng isang estranghero ay isang malaking bagay na habang-buhay kong ipagpapasalamat.

He's a complete stranger to me but in just a snap, I felt comfortable with him.

He became a friend of mine and heaven knows how thankful I am.

Paglipas ng isang araw, nadischarge na ako kaya parang nabawasan ang lungkot na namumuo sa aking dibdib.

Ang unang pumasok agad sa aking isipan ay ang mapuntahan si Kyuo para magpaliwanang.

Dalawang araw ko rin siyang hindi nakikita't nakakausap.

Gosh, I really miss him!

Hinatid ako ni Bricks sa unit ko at siya na rin Ang kumuha ng kotse ko sa park. Buti na lamang at nai-secure niya 'yon.

Dali-dali akong nagbihis. Long sleeve-not-so-fitted dress at stretchable jeans ang suot ko ngayon.

Sa dalawang araw ko sa ospital, napapansin kong mas dumarami na ang mga pasa ko sa katawan. Medyo maputla na rin ako pero natatakpan naman 'yon ng make-up.

-

Habang hinihintay na bumukas ang elevator papunta sa condo ni Kyuo, hindi ako nilulubayan ng halu-halong emosyon.

Sunshine In Her Demise [Completed]Where stories live. Discover now