05

131 74 32
                                    

My vision became blurry due to an unstoppable streaming of tears. I can no longer contain the pain.

Pasuray-suray ako sa paglalakad na parang isang lubak ang tuwid na pasilyong aking kinatatayuan.

Yes, I cried. But not in front of him. As I said, I will never let him witness me being so weak.

Hawak hawak ko ang aking puso hanggang sa marating ko ang elevator. Ibinuhos ko lahat ng sakit nang maisarado 'yon.

I screamed without a sound like lawyer without a tongue.

Napaupo nalang ako bigla sa panghihina at isinubsob ang sarili sa aking mga tuhod. I sobbed and can't even breath properly.

Walang kapantay Ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit. Hindi sa pisikal, kun'di sa emosyunal na pakiramdam.

Dahan-dahan akong pinapatay.

Ilang minuto akong ganoon ang aking sistema at hindi na pinansin pa ang pagbukas ng elevator. Nakaupo pa rin ako habang humihikbi nang walang tunog at takip ang nanginginig kong bibig.

I want to explode...

I want this floor to eat me right now!

"Sh*t! Xilliene, what the hell?!"Biglang may kamay na nag-abot mula sa aking harapan at bigla akong inalo na parang batang inagawan ng laruan.

Hindi ko na kayang tumayo Kaya inalalayan niya 'ko hanggang sa nakalabas kami.

Buti naman at hindi na siya nagtanong pa hanggang sa marating namin ang apartment ko. Humihikbi pa rin ako ngunit wala nang mga luhang pumapatak mula rito sapagkat manhid na ang mata ko mula pa kanina.

-

Tumikhim si Bricks para sirain ang nakakabinging katahimikan sa aming pagitan.

I'm not sure if im now ready to voice it out 'coz until now, tangan ko parin ang sakit.

Walang emosyon ko siyang tiningnan at ibinalik muli ang tingin sa isang dingding na tila'y naging isang palaisipan sa akin kung bakit kulay abo iyon.

Bawat pagpikit ko, imahe nilang masayang masaya Ang nakikita ko at tuwing tinitingnan ko si Bricks, imahe ni Kyuo na blanko ang lumalabas sa aking isipan.

I don't want Bricks to know what happened but my mouth is a traitor.

Hindi ko namalayang isa-isa ko na palang sinalaysay Ang buong pangyayari.

Pati na rin 'yong inakala ni Kyuo na nakikipagyakapan ako sa iba.

Bricks cursed silently and grabbed me for a hug. Hindi na ako kumontra pa dahil kailangan ko rin ng yakap.

I just cried my hearts out in his arms, again.

Ilang minuto ang nakalipas at tumahan na ako sa pag-iyak.

"Wait Bricks, paano ka nga ba napunta ro'n?" Kanina ko pa gustong itanong 'yan sa kanya pero wala akong lakas magsalita.

"I live there," kaswal niyang sagot.

Sunshine In Her Demise [Completed]Where stories live. Discover now