03

153 86 12
                                    

"Good morning, My Sunshine!" Masiglang bati ng isang taong pamilyar sa akin. He smiled and kissed my forehead.

"Ang aga mo ata?" I asked with a ceased forehead that made him pout.

"Bangon na dali! Ang haba pa ng lalakarin natin, aba! Ang tamad mo talagang babae k--"

"Oo na, OO NA! Dami pang satsat. Pero 15 minutes na lang, please?" I pouted kahit antok na antok pa ako.

"Hindi mo na ako madadaan diyan sa panguso-nguso mo. Bangon na," Bigla akong napatili no'ng kiniliti niya ako kaya wala na akong magawa kun'di ang bumangon at pandilatan siya ng mata.

-

"Babe, pagod na ako," Reklamo ko habang nakatingala sa Sierra Madre, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.

"Wala na tayong oras, Babe," Malungkot niyang turan habang nasa likod niya ako kaya mabilis ko siyang hinarap ngunit akmang hahakbang pa lang ako nang biglang umihip ng malakas ang malamig ng hangin, dahilan para mapatakip ako ng mata.

Nang maramdaman kong humupa na ito ay mabilis akong dumilat ngunit napamaang na lamang ako nang mapagtantong wala na kami sa bundok.

"Babe? Kyuo? Babe!" Bigla akong dinalaw ng takot nang makita siyang nakaupo sa isang malaking bato habang papalapit ang isang lalaking nakaitim at hawak ang isang kutsilyo na alam kong itatarak iyon sa kaniya.

Mabilis akong tumakbo patungo sa kanila at walang ibang inisip kun'di ang mailigtas siya.

"H-Hin--Kyuo, Ahhhhhhh!" Ngunit hindi ko namalayang pinapagitnaan pala kami ng isang malalim at malawak na bangin.

Nanginginig kong inaangat ang aking katawan mula sa pagkakahulog at laking pasasalamat ko na lamang at nahawakan kaagad ni Kyuo ang aking kamay

Makakahinga na sana ako ng maluwag nang bigla niya itong binitawan, sanhi upang matitigan ko ang kanyang mga matang puno ng luha habang tangan sa kanyang bisig ang isang puting tela.

Napasinghap na lamang ako at sumigaw ng malakas bago ako tangayin ng kadiliman mula sa malalim na bangin.

Ngunit bago niya ako nabitawan, nakita ko pa ang isang bulto sa likuran habang hawak pa rin ang isang kutsilyo at batid kong itatarak niya iyon sa likod ni Kyuo.

-

Bigla akong naalimpungatan nang may narinig akong nagsasalita.

I tried to motion my body but I just failed. Masakit Ang buo kong katawan kaya napagpasyahan kong idilat na lamang ang aking mga mata.

White ceiling...

'Yon Ang una kong nakita. I gestured my hands on air to protect my eyes from the light even my hands can't move freely.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung bakit.

Tiningnan ko na lamang ang kabuuan ng kwarto at nakumpirma kong nasa ospital nga ako.

"W-what happened? Why am I here?" Nahihirapan kong tanong habang pinipilit na hinahanap sa aking isipan ang buong pangyayari ngunit tanging blankong imahe lamang ang kumakawala mula rito.

Nakadepina ang bahid ng pagtataka sa buo kong sistema.

Biglang humarap sa akin ang lalaking may kausap sa telepono at ngumiti. Matiim ko lamang siyang tinitigan na tila ba'y isang malaking katanungan ang kan'yang presensya. Pinaningkitan ko siya ng mata nang bahagya kaming nagkatitigan bago siya dahan-dahang lumapit sa'kin.

Sunshine In Her Demise [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt