08

125 54 19
                                    

"Bakit 'di mo sinabi? All this time sinarili mo lang lahat?" Huminga muna siya ng malalim bago ipinagpatuloy ang panenermon sa'kin.

"Lienne, you know how much I love you, right? Kaya kong gawin lahat para sa'yo. Sana sinabi mo para nandoon ako no'ng naghihirap ka. Ang sakit e, parang wala akong kwent--"

"S-sorry, 'y-yun lang kasi ang tanging paraan para hindi ka na masaktan ng lubos pagdating ng panahong mamamata--"

"Damn! W-Wag mong sabihin 'yan. Mabubuhay ka, kayo ng magiging anak natin, ok? Lalaban kayo, ok? 'Wag ganito..." Saad niya habang humihikbi at patuloy na dumadagsa ang mga luhang mula sa kan'yang mga mata.

Dahan dahan niyang pinipisil ang aking kaliwang kamay na tila roon siya kumukuha ng lakas. Ngumiti na lamang ako.

"M-malala na ang sakit k-ko. B-but don't worry, magiging safe si baby b-bago ako ma--"

"Please. No. No don't say that, b-babe. Bubuo pa tayo ng pamilya. Pakakasalan pa kita..." Ngumungiti siya ngunit batid kong puno 'yon ng pait kaya't 'di ko maiwasang suklian siya ng mapait din na ngiti.

Kung p'wede lang nating gawin 'yan.

Gusto kong gawin ang mga bagay na yun. Gustong gusto pero paano? Kung kakarampot nalang ang natitira kong buhay?

Malakas man ako tingnan pero ang totoo, hinang hina na ako. Lumalaban na lang ako dahil sa aming anak.

Pasikreto din akong sinabihan ng doktor nung isang araw na malala na ang sakit ko at di na tinatanggap ng katawan ko ang mga gamot dahil nga sa dinadala ko.

Ayaw ko rin namang uminom ng mga gamot na malaki ang dosage dahil baka makaapekto sa bata.

Para sa kan'ya, kakayanin ko ang lahat.

Pinapanalangin ko nalang na sana bago ako mawala, maisilang ko muna ang anak ko, ang anak namin ni Kyuo.

Wala na akong ibang hihilingin pa kun'di iyon lamang at magiging masaya na ako.

Himala nalang daw at healthy ang bata at pinapasalamat ko iyon.

Gustuhin ko man'g maikasal kami ni Kyuo, hindi na maaari dahil masasaktan ko lang siya pwera na lang kung hilingin ko sa kanya'ng ikasal kami bago ako mawala.

Pero napakaselfish na desisyon 'yun.

Ayokong magsisi siya sa huli pero kung hindi ko gagawin iyon, baka ako ang magsisisi hanggang sa aking huling hininga.

Si Kyuo lang ang lalaking gusto kong makasama habang buhay kaya bago ako mawala, gusto kong tuparin ang kahul-hulihan kong hiling.

"O-Oo, magp-papakasal t-tayo..." Nanghihina kong saad habang nakasabit pa ang nasal cannula sa ilong ko.

Hinaplos niya lang ang aking buhok at maingat na tumango.

"P-Pero gusto ko sa s-susunod na b-buwan g-gaganapin." Hindi ko alam kung ano ang hitsura ko ngayon pero wala na akong pakialam pa.

Hinarap niyang muli ako na parang nagtataka.

"'Di ba sa susunod na buwan ka na manganganak?" Tanong niya.

Sunshine In Her Demise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon