Kabanata 16

983 58 3
                                    

"YOU!" sigaw ni Fenrys habang nakaturo sa lalaking nakakunot ngayon ang noo. Lumapit siya rehas at tinitigan ito mula ulo hanggang paa. Imposibleng magkamali siya. Siya ang lalaking nakalaban niya dati.

Si Duke.

"Stop overreacting. You're damaging my gorgeous ears," Duke said while covering the hole of his ears with his pinky.

Para namang may pumitik sa ugat ni Fenrys nang marinig niya ang sinabi nito.

"Gorgeous, my ass," he mumbled. He was the least he expected to see. Of all the people, why him?

Nilingon niya si Rauis nang nakasimangot ngunit nginitian lang siya nito. The usual smile he used to show.

Napairap na lang siya. Hinayaan niya itong buksan ang kulungan. Nang makalabas si Duke, naglakad ito sa harapan niya na para bang siya ang hari na pinagsisilbihan nila. Gusto niya tuloy sakalin ang leeg at tusukin ang mapagmalaki nitong tingin.

"Ba't buhay ka pa?" inis niyang tanong. Akala niya'y napatay na niya ito pero mukhang totoo nga ang kasabihang matagal mamatay ang mga pangit. Though, he was not sure if that quote really existed.

"Is this how you treat someone when needing help?" sabi nito pero 'di ito nakatingin sa kaniya. Abala itong ayusin ang maitim at makintab na buhok. "Ah, I'm so handsome." 

Napangiwi si Fenrys sa huli nitong sabi. Hindi niya mapigilang mainis sa presensya nito. Ang lakas naman yata ng loob nitong sabihin ang mga kataga habang nakaharap sa lalaking kayang lamangan ang iniingatan nitong mukha.

Ilang saglit, muli itong nagsalita.  "And besides, you stole my clothes last time. You should at least be nice to me."

"This is my way of treating you nicely," sarkastiko niyang sagot. "And how the hell do you know I needed something from you?"

"You wouldn't be here if you aren't needing anything, whitey," said Duke while maintaining his perfect posture.

Tama naman ang sinabi nito pero paano naman siya hihingi ng tulong sa lalaki na ito? Makita lang niya, nabubuwisit na kaagad siya. Hindi niya kayang isipan ang sarili na makikiusap sa harapan nito.

Sinenyasahan niya si Rauis na ito na lang ang magsabi pero nginitian lang ulit siya nito. Pinapahiwatig na mas maganda kung siya mismo ang kakausap kay Duke.

"So, what is it?" Duke asked.

Huminga muna siya nang malalim dahil baka masakal niya 'to nang hindi niya namamalayan. Masama sa kaguwapuhan niya ang magalit kaya mahalagang manatili siyang kalmado.

Inalis niya ang inis at inisip si Ana. Tama, pumunta siya rito para kay Ana. Gagawin niya ito para kay Ana. Oo, iyon nga. Gagawin niya ito para kay Ana kahit na labag sa kalooban niya.

"Duke, I want you . . . to c-check . . ." Hindi niya matapos-tapos ang sasabihin. Ba't ang hirap? Hihingi lang naman siya ng tulong. Madali lang dapat itong gawin. Madali lang sana kung hindi ang lalaking patay na patay sa sarili ang kaharap niya.

"Check what?"

"I want you to check on my mate." After he said it, he immediately looked away. Ayaw niyang titigan ang pagmumukha nito. Nagtanong pa ito pero si Rauis na ang sumagot at nagpaliwanag. Nakinig lang siya sa dalawa habang pinapaliwanag ni Rauis ang sitwasyon ni Ana.

Nang matapos, sabay silang tatlong lumabas sa underground dungeon at nagtungo sa kuwarto kung saan naroroon si Wish at Ana. Naabutan nila sa loob si Ana na nanginginig pa rin sa lamig habang si Wish naman ay nakatayo sa gilid ng malaking bintana at malayo ang tingin. Nag-aalala ito kay Midnight at Dago.

Werewolf's Grief (Werewolf Trilogy Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon