Kabanata 3

1.4K 72 46
                                    

TATLONG araw na ang nakakalipas mula no'ng makita ni Fenrys si Wish. At naaasar na si Ana dahil palagi na lang itong wala sa bahay kasi marami raw inaasikaso.

Palusot. Alam naman niya kung saan nagpupunta ang lalaking iyon. Ang pinagkaibahan lang ngayon ay maya't maya ang alis nito na para bang kahit isang segundo man lang ay ayaw nitong manatili sa bahay.

Ganoon ba talaga ang pagkadisgusto nito sa lalaking nakita nito no'ng nakaraan? O baka gusto lang talaga nitong manatili sa babaeng nauna sa kaniya?

Bumuntonghininga na lang siya at inalis iyon sa isipan. Nagtungo siya sa kuwarto ni Fenrys kung saan naroroon si Wish.

"Hoy! Makakatayo ka na ba, ha? Kung oo, ba't 'di mo subukang lumabas nang maarawan ka naman," bungad niya. Buti na lang at hindi na ito naging agresibo kagaya no'ng unang araw nila itong matagpuan kaya kahit papaano ay nakakausap na niya ito nang matino.

Wish was so lean. He had the same hair color of Fenrys, but his eyes were different. Kapag tumitingin ito sa kaniya, pakiramdam niya'y isang pusa ang nakatitig sa kaniya.

"Ano? Makakatayo ka na ba?" nakapamaywang niyang tanong.

"I t-think so." Dahan-dahan naman nitong tinapak ang mga paa sa sahig habang ang kanang kamay ay nakahawak sa kama. Lumapit siya rito upang alalayan sana ngunit pinigilan siya nito.

"Kaya ko na," sambit nito. Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito na para bang batang tuwang-tuwa nang tuluyang makatayong mag-isa. Nanginginig ang mga tuhod nito subalit kaya na nitong gumalaw nang wala ang kaniyang suporta.

Tiningnan ni Ana ang kabuohan nito. Ang tangkad pala ng lalaki. Hanggang balikat lang yata siya.

"Kaya bang maglakad?" tanong niya.

Tumango naman si Wish at sinubukang ihakbang ang mga paa. Paika-ika pa itong naglakad patungong pintuan kaya sinundan niya agad ito.

"Oh!" Mabilis niyang hinawakan ang braso nito nang muntikang madulas ang mga paa nito sa napakakinis nilang sahig.

"Bakit ang puti ng bahay na 'to?" takang tanong ni Wish.

"Mana sa may-ari." Inalalayan niya ito hanggang sa makarating sa sofa ng salas. Pinaupo niya muna si Wish. "Diyan ka lang, magluluto lang ako."

Tumango lang ito habang ang mga mata ay nasa alaga niyang salagubang na nasa loob ng jar. Nasa maliit na lamesa niya lang ito nilagay, katapat ng inuupuan ni Wish.

Iniwan niya muna ito at saka pumunta ng kusina para magluto ng karne. Pagkatapos niyang magluto, binalikan na niya ang lalaki.

"Wish--" Hindi niya natapos ang sasabihin.

Tumigil muna siya sa paglalakad at pinagmasdan ang lalaki. Hawak-hawak na nito ang jar at aliw na aliw itong nakatingin sa salagubang.

Napangiti na lang din siya. Para itong bata.

"Mahilig ka rin ba sa mga salagubang?" tanong niya nang makalapit at inilapag ang karne sa lamesa.

Tinabihan niya ito.

Nilingon naman siya ng lalaki. "Salagubang ba ang tawag dito?"

"Hindi mo alam?" pasigaw niyang sabi.

Tumango ito. "Ngayon lang ako nakakita ng ganito."

"Whoa! Wala bang ganito sa inyo?"

Muli itong tumango at ibinalik ang tingin sa jar. Napailing na lang siya at niyaya itong kumain.

"Is this fresh?"

"S'yempre," sagot niya at tinusok ng tinidor ang isang pirasong karne. Iniabot niya ito kay Wish na agad din namang tinanggap.

Werewolf's Grief (Werewolf Trilogy Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon