Kabanata 17

988 56 4
                                    

NAIWAN si Ana sa loob ng kuwarto habang si Fenrys naman ay lumabas. Umupo siya sa kama at niyakap ang kaniyang tuhod. Tuloy pa rin ang kaniyang pag-iyak subalit pinigilan niyang makalikha ng ingay. Kahit gusto niyang ngumawa at humagulgol, ayaw niyang may makarinig sa kaniya.

Hindi naman niya sinasadyang pagsabihan si Fenrys ng ganoon. Pero nang magising siya at makita ang kaniyang sitwasyon, nabalot kaagad ng inis ang nararamdaman niya. Maraming tao ang nag-alala sa kaniya, at isa iyon sa pinakaayaw niya.

Bahagya niyang hinila ang sariling buhok. "Mahina ka talaga."

She was motivated to do better after the festival, but because of what happened, all of those motivations faded. Bakit kailangang mangyari sa kaniya 'to? Siya na lang palagi ang mahina. Kailangan niya palagi ang tulong ng iba. Palagi na lang ganito at pakiramdaman niya'y wala siyang silbi. Pati pagtayo 'di niya pa kayang gawin.

It was frustrating. When Fenrys tried to help her, it frustrated her more. And that was where she snapped. Hindi na niya napigilan pa ang sarili na pagsalitaan si Fenrys.

"Wala ka rin talagang pinagbago . . ." she whispered to herself.

Gusto niyang sabunutan ang sarili, saktan hanggang mawala ang inis na nararamdaman niya. Pero kahit na mawala ito, alam niyang panandalian lang. Babalik at babalik lang ito hangga't mananatili siyang mahina. Hangga't hindi niya napapatunayan sa sarili niya na kaya niyang lumaban, na kaya niyang maging malakas para sa iba.

Pinahid niya ang mga luha at tumingin na lang sa kawalan. Kumikirot pa rin ang tiyan niya kaya 'di siya makatayo nang maayos. Hindi na naman siya nanlalamig at ang porsiyon na lang ng kaniyang tiyan ang parang yelo.

She tried to recall what happened last night but she could barely hear what the others talked about. Narinig niya si Rauis at isang 'di pamilyar na boses na mayroon daw siyang isa pang abilidad. At may bagay raw na nasa loob ng tiyan niya.

Hindi niya alam kung dapat niya bang ikatuwa na may isa pa siyang abilidad. At kung sino man ang naglagay ng nakakaasar na bagay na ito sa tiyan niya, sisiguraduhin niyang bubugbugin niya ito kapag nalaman niya.

Napabuntonghininga na lang siya. Gusto niyang umuwi at puntahan ang mga alaga niyang salagubang. Those beetles gave her comfort. Naiisip pa lang niya ang mga ito, napapangiti na siya. Hindi naman talaga siya mahilig sa mga salagubang dati. In fact, she disliked it. But a guy made her love those creatures.

That guy was special to her.

Humiga siya sa kama at pinikit ang mga mata. She tried to reminisce her memories when she was still a kid. When she was still with him.

"Hoy!"

Napaigtad si Ana nang may bagay na humawak sa balikat niya. Paglingon niya, nakita niya si Kaisen na nakangiti sa kaniya. Napunta ang tingin niya sa buhok nito. Hindi niya maipaliwanag pero gusto niya talagang hawakan iyon. Ang lambot kasing tingnan.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito.

Hindi naman siya sumagot. Nagtatago siya sa puno habang sumisilip sa bahay 'di kalayuan kung saan siya nakatago. Gusto lang naman niyang tingnan kung nandoon ba sa loob si Kaisen. Hindi niya napansin na nasa likuran na niya pala.

"W-wala naman. Napadaan lang ako, pupunta ako kay Uncle Max," palusot niya at umalis sa pagkakatago. Maglalakad na sana siya palayo pero napatigil siya nang bigla itong tumawa.

Nilingon niya ito habang nakakunot ang noo. Ano naman kaya ang nakakatawa?

"Sigurado ka?" he said while trying to suppress his laugh. Tinuro nito ang likuran. "Hindi ba roon ang daan papunta sa bahay nila?"

Werewolf's Grief (Werewolf Trilogy Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon