FL 35: Special Chapter

5.5K 83 32
                                    

ALIEN'S NOTE:

Wala akong masabi. *bow* Bukas ko na ayusin edit nito. Busy ako sa paglandi. XD

-Third Person's POV-




"Pwede kang matanggal sa TN dahil sa gagawin mong pagprotekta sakin."



Natigilan si Renzo dahil sa sinabi ni Jaireh.



"Girlfriend at hindi bestfriend ang pinoprotektahan ng TN, Zoren." inignora ni Jaireh ang bahagyang kirot ng sabihin nya ang salitang 'bestfriend'.



Saglit na nag-isip si Renzo. Maya-maya pa'y seryoso syang tumingin sa kaharap.



"Then be my girl, Jai."



Si Jaireh naman ang natigilan dahil sa sinabi nito.


"A-ano?"



"I said, be my girl." Seroyosong ulit nito sa sinabi.



"P-pero..."


"Alam mo kung gaano kahalaga sakin ang maging member ng TN. Hindi ko hahayaang matanggal sa grupo namin pero hindi din kita pababayaang mapahamak."



Hindi alam ni Jai kung paano magre-react o kung ano ang dapat nyang sabihin.



She's too overwhelmed by what he said.

Pero agad ding nawala ang saya nya dahil sa mga sumunod na sinabin ito.



"You're my bestfriend, I also consider you as a younger sister kaya hindi kita pababayaan kahit anong mangyari. Please, Jai, let's just help each other in this situation, okay?"



Parang may kung anong tumusok sa kanya dahil sa sinabi nito.



"Ayokong idamay ka sa gulong ginawa ko pero ikaw tong mapilit kaya sige, payag na ako."



Nagulat sya ng bigla itong yumakap sa kanya.



"Thanks, Jai! Hindi mo alam kung gano kalaki ang naitulong mo sakin ."



Gaano nga ba? Bakit ba masyado syang takot na takot mawala sa TN?


Tanong nya sa sarili.


"Sus! Ano ka ba? Natulungan mo din naman ako eh. Besides, we'll just pretend, right?"



"Oo, magpapanggap lang tayo, walang malisya."


Agad pinahid ni Jai ang luhang tumulo mula sa mata nya. Kakalas na sana si Reanzo mula sa pagkakayakap nang si Jai naman ang kumapit ng mahigpit para hindi sila maghiwalay.



"Jai,"



Lalo nyang hinigpitan ang yakap dito.



"Teka, umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong nito.



Umiling sya pero nabasa na ng mga luha ang balikat ni Renzo.



"B-bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong mali?"



Oo. Ang manhid mo...


"Wala lang to. Ang tagal nating di nagkita, akala ko nawala na yung dating ikaw, hindi pa pala. Sorry ha? Dahil sa pagka-childish ko, napunta kayo ni kuya sa gantong sitwasyon."

Alam nyang mahihirapan din ang kuya nyang si Jarrod oras na malaman nitong sya ang nag-utos sa apat na babaeng saktan si Naomi.


"Wag kang mag-alala. I'll handle it. Basta pagtinanong ka ni Jarrod kung may relasyon tayo, sabihin mong meron, okay? Ako nang bahalang mag-ayos nito."

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon