FL 27: Lucky charm

6K 87 11
                                    

ALIEN'S NOTE:

Annyeong! Ako ang nag-update dahil trip ko lang tsaka may pasok ata si Mamba ngayon o nasa beerhouse nanaman yon. =______= Anyways, wag kayong maniniwala sa schedule ng update na binigay nung mambabarang na yon. Duh??? Asa pa kayong makapag-UD kami on time eh super busy kaya namin sa mga SERYOSONG bagay. Basta, hindi totoong tuesday, thursday at saturday ang UD, arasso?

Okie, bye! Kakagising ko lang kaya wala ako sa mood mag-AN. -________-

♫ Secondary Jazz ♫

-Jarrod's POV-

"Mukhang napagod si Sleeping Beauty ah." Puna ni Aero.

Tiningnan ko si Nami na mahimbing na natutulog sa backseat, buti na lang tulog ito kanina ng isakay ko sa sasakyan ni Aero, kundi baka umatake nanaman ang phobia nito.

Nakatulog ito sa sine, masyado ata itong napagod dahil sa makulit na babae ni Hades. Psh! =_____=

Si Ram naman ay nakatingin lang sa labas. Ang weird na babae, kanina lang ang hyper nya pero ngayon napakatahimik.

Naubos na ata ang kakulitan nito. Buti naman at wala nang iirita sakin.

Napapreno si Aero nanag biglang may humarang na tatlong itim na SUV samin, mula doon ay may mga lalaking mukhang goons ang nagsilabasan, higit dalawangpu ang mga nasa harap ng kotse namin ngayon.

"Bumaba kayo jan!" utos ng isa na may takip sa ibabang bahagi ng mukha.

Napatingin ako kay Aero, agad na nangalit ang bagang nito at nagsimulang palibutan ng nakakatakot na aura. Lumabas na ang pagiging gangster nito.

Hindi na sya ang loloko-lokong si Aero, alam kong sa pagkakataong ito ay ang leader na ng SDS na si Hades ang kasama ko.

Walang kinatatakutan... walang sinasanto...

"Sabi ng bumaba kayo!" sigaw ulit ng nasa labas.

"Jarrod..." nilingon ko ang backseat.

Nagising na pala si Nami, pesteng lalaking to, ang ingay!

Base sa tingin nito ay nagtatanong sya kung anong nangyayari. Napatingin din ito sa mga lalaking humarang samin, agad na bumakas ang takot sa mga mata nya.

Inabot ko sya at hinawakan sa magkabilang pisngi.

"Close your eyes, okay? Wag kang mumulat hangga't hindi ko sinasabi. Just close your eyes."

"P-pero..."

"No more buts. Just trust me, alright?"

Napipilitan itong tumango at unti-unting ipinikit ang mga mata. Napangiti naman ako dahil sa pagsunod nya.

"Lucky charm." Kumunot ang noo nya at halatang hindi naintindiha ang ibig kong sabihin.

Napangiti nanaman ako sabay dampi ng halik sa labi nito. Tinalikuran ko na sya at humarap sa unahan.

Hinanap ko ang baril na nakatago sa kotse in case of emergency.

"We don't need a goddman gun, Roku." Narinig kong sabi ni Hades. "Don't waste your bullets in some worthless pieces of shit." Nag-aapoy ang mga mata nito habang kinakabit ang maskarang nagtatakip sa identity nito.

"Ram, just stay where you are and don't even dare to look what we'll gonna do."

"O-okay." Para namang natakot din ang babae at nagtakip din ng mata.

Ibinaba ko na ang baril at sinundan sa pagbaba si Hades. Alam kong mga armado ang humarang samin pero may tiwala ako sa kasama ko ngayon. Alam nya kung kelan gagamit ng baril at kung kelan hindi, para san pa't naging leader sya ng maraming gang sa buongAsya kung hindi sya marunong mag-isip ng tama.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Where stories live. Discover now