FL 56: JS Prom

161 7 0
                                    


"Bakit ba ang tagal ng babaeng yon?"

Nakailang tanong na ba ng ganyan itong si Jarrod? Kanina pa ito bad mood dahil don sa mga kaibigan ni Naomi ito sumabay.

"Baka natraffic, boss." sabi ko na lang.

"Traffic?! Kung sakin kasi siya sumabay edi sana nandito na siya!" reklamo NANAMAN nito.

"Baka gusto ka lang I-surprise, right Jake?." dahilan naman ni Darryl. Umuo naman ako.

Kanina pa namin ito pinapakalma, nakakailang glasses na nga ito ng wine dahil lang sa simpleng kadahilanang hindi nito kasabay si Nami. Ewan ko ba dito eh palagi naman silang magkasama, kulang na nga lang magsama na sa iisang bahay.

"Papunta na daw sila sabi ni Jaireh." singit ni Renzo na kanina pa busy sa phone nito. Kaya naman pala katext yung BESTFRIEND niya.

"Kanina pa yung papunta na yan." reklamo nanaman nito.

Inakbayan ko ito. "Alam mo, Boss. Matagal talagang magprepare ang mga babae, at dahil babae rin si Nami, normal lang yon."

"Wala akong pakielam."

"Ang alam ko hindi pumunta si Nami last year sa JS Prom kaya first time niya ito kaya dapat bongga si Mama ang attire niya this evening!" inalis nito ang pagkakaakbay ko sa kanya.

"Ang bading mo, wag ka ngang clingy mapagkamalan ka pang girlfriend ko!"

"Huwag ka namang ganyan fafa Jarrod!"

"Anong oras pa daw, Renzo? Mag-iistart na." tanong ni Darryl.

Nag-announce na kasi yung MC na mag-sstart in fifteen minutes.

Napanganga naman ako ng makita ang mga girls, bigla akong napangisi ng makita ang suot ni Nami. Bumaling ako kay Jarrod, sigurado akong magkakaroon ng world war Z kapag nakita niya ang girlfriend nito.

"Anong ngini-ngisi ngisi mo dyan?!" hindi pa rin nito nakikita si Nami dahil nakatalikod ito sa entrance door.

"Nandyan na girlfriend mo." announce ko, agad naman itong tumayo at nagtangkang pumntahan ito pero napatigil din ng makita si Nami.

"WHAT THE---!"

Mukhang magiging masaya ang last prom namin ah.

JAIREH'S

Kung hindi ko lang ramdam ang tensyon kay Nami at Jarrod malamang na kanina pa ako humagalpak dahil sa iritang mukha ng Kuya ko. Ha! It serves you right!

Ang totoo niyan muntik ng hindi umattend si Naomi ng makita nito yung gown na binili ni Jastine at Mikee. Hindi ko akalaing may pakinabang din pala ang dalawang ito.

Pinilit lang namin itong umattend kaya kami muntik ng malate, ako ang nagmake-up sa kanila kaya sabay-sabay na kaming pumunta dito.

"Wala akong pakielam kung magsisimula na! Kailangan mong paltan yang dress na yan!"

Kung may lighter siguro si Kuya ngayon baka sinunog na nito yung dress ni Naomi.

"Bagay naman sa kanya ah!" singit ko, wala kasing naglalakas ng loob na kumuha ng atensyon nung dalawa, specially ng Kuya ko.

Pero totoo naman ang sinabi ko ih, bagay na bagay kay Naomi ang suot nitong evening dress na kulay gray. Para itong mermaid dahil sa suot niya, yun nga lang sexy revealing evening dress ang piniling concept nina Mikee at Jastine kaya nagwawala ngayon ang kuya ko.

[Hindi ako magaling magdescribe kaya paclick na lang nung "external link"]

"Bagay? Bagay?! Malinaw pa ba yang mata mo, Jai?! Kulang na lang maghubad na ang babaeng to!"

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Where stories live. Discover now