FL 53: Riiiiingggggg...

912 24 9
                                    


"Nami, hindi ka ba talaga pupuntang canteen?" Umiling ito, tapos tinuon na ulit ang atensyon sa pagbabasa.

"Sige, balik din kami agad."

Ito nanaman siya, walang gana sa pagkain. Kasalanan to ng Jarrod na yon.

Dumiretso na kami sa canteen.

"Hoy, unggoy. Nasan ba si Jarrod?" Inis na tanong ko kay Jhake.

Yeah~ Jhake Louie Angeles, ang dakilang playboy ng Cemina. Bakit kami magkasama? Ewan ko ba, palagi na lang itong nakasunod sakin, simula ng magpatulong ito noon hindi na ako nito tinigilang kulitin. Sabi nito gustong niya ng bestfriebd na babae and since ako lang ang tanging babaeng kilala niya na magaling magtago ng nararamdaman para sa kanya ako daw ang napili niyang gawing alipin este bestfriend.

"Umamin ka, Monkey," simula nito.

Siguradong walang kwentang bagay nanaman ang sasabihin nito.

"... kay Darryl ka ba talaga may gusto o kay Jarrod?"

Sabi na nga ba. Hay! Bakit ba pinag-aaksayahan ko ng oras ang unggoy na to? Dahil sa kakulitan nito sa pagsasabing may pagnanasa ako sa kanya napilitan akong umamin dito na may gusto ako kay Darryl.

"Arghh! Sasagutin mo ako ng maayos--"

"Tubig, Monkey." Tiningnan ko ito ng masama.

"W..hat? Na..bubu..lunan--" inabutan ko na ito ng tubig.

Nabubulunang sabi nito, katakawan kasi.

Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking to. Akala ata nito susuko na ako sa pagtatanong tungkol kay Jarrod,

Ang totoo, halos 1week nang hindi nagpaparamdam si Jarrod sa school at ganon na rin kay Nami. Actually wala naman talaga akong pakielam sa buhay ng devil na yon, kaya lang sa nakikita ko kay Nami, halatang nahihirapan ito na wala si Jarrod. Ilang araw na itong matamlay. Tsk.

"May inaasikaso lang ito," sagot ni Jhake, nahalata siguro nitong hindi ko sya tatantanan sa pagkakataong ito.

"Duh. Sana man lang nagpaalam yang kaibigan mo sa gf niya!" inis na bulyaw ko dito.

"Hey, I'm not Jarrod. Bakit sakin ka nagagalit?"

"Sorry,"

"Mas gumaganda ka kapag galit, Monkey."

"Yah! Huwag mo nga akong tawaging Monkey!" Nakakainis, nasasanay talaga ito na tinatawag akong Monkey, katunog daw kasi ng Mikee.

"Bakit naman? Ako lang ang tumatawag ng ganon sayo at ikaw lang tinatawag ko ng ganyan. Sweet ko, diba? Bagay naman pati ah? Hahahaha!"

"Heh! UNGGOY!"

--Nami's POV-

@#%&*!!!! Buset ka talaga! Walang kwenta! Huwag ka na talagang magpapakita saking lalaki ka!

"Hija, hinay lang sa pagkain." Napatingin ako kay Manang.

"May problema ba? Nag-away ba kayo ni Jarr--"

"Tapos na po akong kumain," hindi ko na hinintay ang sasabihin nito at nagmadali na akong pumunta sa kwarto. Kinuha ko yung phone ko at tiningnan ang picture nito.

"Argh! Nakakainis ka talaga! Bakit ba palagi na lang nila binabanggit ang pangalan mo? Aarggh!!!"

*riiinngggg*

Muntik ko ng mabitawan ang phone ko...

[anak ni kamatayan is calling...]

Sino naman to?! *Cancelled*

I don't talk to a stranger. Itutulog ko na lang ang sama ng loob sa lalaking yon!

........

*Riiiiinggggg*

*Ringgggggggg*

*Riiiiiinnnggggggg*

Anak ng @#%%&*! Napatingin ako sa oras.... 11:29pm?!

157 missed calls.

Seriously? Napabangon naman ako.

From: Anak ni kamatayan

Sino naman to?

*rriiiiinnnngggggg*

[Anak ni Kamatayan is calling....]

"He..llo? Sino to?! Argh. Bukas ka na lang tumawag pwede? Inaantok--"

"Nami! Bakit ngayon ka lang suagot?!"

"J.. Jarrod?" Napatingin ulit ako sa tumutawag. Oh! Nalimutan kong pinaltan ko nga pala ang name nito dahil sa sobrang inis at speaking ng pagkainis,

"Sorry, wrong number." binabaan ko na ito.

Panaginip lang to, Nami. Tama, mahiga ka na ulit kasi-

"Nami, nandito si Jarrod."

O____O

=__________=

--------------------------------


Siguro naman may idea na kayo kung bakit 'riiinnnngggg' ang title. Hahahaha. Maikli, I know, gusto ko lang talaga mag-update. Happy new year!



FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Where stories live. Discover now