FL 15: Ex-Girlfriend

8.6K 130 20
                                    

Hello~ Salamat sa paghihintay !! ^______^

Sabi ng aking pinakamamahal na chix, kung sino daw sa inyong gustong maging Operator ng mga characters namin dito, PM nyo na lang po ako o yung chix ko, gusto kasi naming gawan sila ng FB account para masya, haha ! SOLOMOT ! :))

-----------------> Si Jaireh ohh. Ang babaeng alam kung mamahalin nyo pagkatapos nyong mabasa ang Chapter na ito ! haha

Enjoy Reading ! :))

==========================

Chapter XII

"Pano nga ulit? Ganto ba?"

"Ayan, tama yan. Tapos i-multiply mo dito yung naswer jan."

"Okay."

"Good. Madali ka naman palang turuan eh." Puri ni Jarrod sakin. Pang-ilang araw na rin syang nagtuturo ng lessons namin sa trigo, ang dami ko na ngang naiintindihan eh. Medyo nagkakasundo na kami ni numbers, medyo lang ah. >___>

"Oy babae."

"Oh?" Ayown! Sawakas, nakuha ko na rin ang sagot. "Oy lalaki, tama na ba to?" pinakita ko sa kanya yung final answer ko sa math problem na sya rin mismo ang gumawa. Pinasadahan nya lang ito ng tingin.

"Okay, correct."

"Yesss!" ^____^ hindi ko mapigilang mapangiti kasi naman, since birth pa ata ako sinusupladahan ni numbers eh pero ngayon, naging friendly na ang aura nya sakin dahil na rin sa tulong ni Jarrod.

Ang galing nya magturo, dapat eto ang maging math teacher namin eh. Magaling din naman si Ms.Soliveros pero hindi ako nakikingi sa kanya-nakakatamad. Pero nung si Jarrod ang nagturo, kailangan ko talagang intindihin dahil ang hirap nya magbigay ng problems, nakakatuyo talaga ng utak. Ang sakit sa bangs. =____=

Teka...

Mas pinagtutuan ko ng pansin ang Jarrod na to kesa sa teacher namin?

Mas nag-e-enjoy ba ako sa company nya? Mas nag-eenjoy ba ako sa... presence nya?

"Babae." Tawag nanaman sakin ni Jarrod. Tae, parang sirang plaka to ah.

"Ano ba yon?" sinimulan ko nang sagutan yung huling problem.

Nandito kami sa headquarters nila. Ewan ko ba sa isang to, tinatamad daw syang pumasok, dinamay pa ako sa pagcu-cutting at pagtambay dito. Ipinagpaalam nya ako sa mga subjects na i-i-skip namin, wala namang karekla-reklamong pumayag ang mga teachers. Tss. Pati yung ibang member ng TN, andito din at may sari-sariling mundo.

"Sabay tayong mag-lunch."

Napatigil ako sa pagsasagot at humarap sa kanya.

"Hindi pwede."

"At bakit? Tandaan mo, kasama to sa usapan natin, baka gusto mong hindi maka-graduate!" ayan nanaman sya sa mga pagbabanta nya. =___=

"May usapan na kami ni Tin at Mikz, nakapangako ako sa kanila." Paliwanag ko. Maiintindihan kaya ako ng demonyong to?

"Edi i-cancel mo!" sabi na nga ba maiintindihan nya. Grabe!

"Di ka ba nakakaintindi ng pangako? Ayoko!"

"A-ano? Mas mahalaga pa ba ang mga kaibigan mong yan kesa... kesa sakin?!"

O___O Ano daw? Bakit nagpapapili sya?

"A-ang ibig kong sabihin, tandaan mo ang kasunduan nati-"

"Oo na! Hindi ko naman nakakalimutan yon eh. Ang akin lang, nangako ako sa kanila." Tiningnan ko sya sa mga mata. "Please... payagan mo na ako." Ngayon lang ako nakiusap kaya bahagya itong nagulat.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora