FL 57: What we have is worth fighting for

163 8 0
                                    


"And now we will go to our awarding ceremony."

Nagsimula na itong magbigay ng mga awards...

"For cutest couple award... Mr. Jhake Louie Angeles..." naghiyawan naman yung mga tao. "and Ms. Mikee Trix Delgado."

"Ha?" takang tanong naman ni Mikee. Siguro dahil hindi naman si Jhake ang partner nito.

"Hey, monkey! Umakyat kana dito, papabuhat ka pa ba?" nagtawanan naman yung mga studyante dahil naka mic pa si Jhake nung sinabi yon.

"Papatayin ko talaga ang Unggoy na yon!" reklamo nito pero tumaas din naman para tanggapin yung award at para na rin patahimikin si Jhake, nagkulitan pa sila sa stage bago tuluyang bumaba.

Kung hindi ko lang alam na may gusto si Mikee kay Darryl at si Jhake kay Jastine, iisipin kong may pag-asa ang dalawang yon. Napalingon naman ako kay Jastine na nakabusangot.

"Next: most likely to fall asleep anywhere a.k.a the sleeping beauty award... Mr. Lorenzo De Vera." nagtawanan ulit ang lahat, sabi kasi dapat daw "sleeping handsome" pero paliwanag nung MC "beauty" naman daw si Renzo kahit na lalaki ito. Mas maganda pa nga daw ito sa babae, kaya lalong nagtawanan ang lahat.

At dahil missing in action si Renzo si Jaireh na lang ang pinakuha ng award na kinabusangot ng mukha ni Jaireh. Ito ang pinakuha dahil si Jaireh naman daw ang bestfriend ni Renzo.

Si Renzo? Hindi namin alam kung nasan, malamang tulog! Hahahaha!

"And now for Best Dressed Award... Mr. Jarrod Matthew Francisco and Ms. Naomi Notado Mendoza."

Kumunot naman ang noo ni Jarrod dahil kailangang umakyat ni Nami sa stage, mas maeexpose kasi ang suot ni Nami dahil sa spotlight.

"Yung coat mo, babae."

"Oo na. Tsk."

Hindi naman ito hiniwalayan ni Jarrod hanggang sa makababa sila, kulang na nga lang yakapin na nito si Naomi.

"For Best couple dance award... Mr. Franco Imperial and again... Ms. Naomi Notado Mendoza."

"ASWDFTG!" Napatayo si Jarrod para magprotesta. "Hindi sila couple!" reklamo nito, bigla naman kinabahan yung MC dahil sa reaksyon nito, agad naman humingi ng paumansi ni Naomi.

Agad naman hinila ni Franco si Nami papuntang stage para asarin si Jarrod, sa ganon lang kasi nito nakukuha ang pansin ng kanyang long time crush na si Jarrod kaya naman kiring-kiri si Franco na pagselosin ito.

"Thank yah, tahnk yah..." kumembot kembot pa ito habang nakaway. "this award is for my baby... Naomi Notado Mendoza. Hindi ko ibibigay ang best ko kung hindi siya ang aking partner. Kaya naman sayo talaga itong medal na ito but since may medal ka ng iyo, akin na lang to baby." sabi nito na nagboses maskulado pa, nagtawanan naman yung mga studyante maliban kay Jarrod.

"Unfair! Cheater!" maktol ni Jarrod ng makalapit si Naomi dito. Sa halip na mainis napatawa na lang si Nami tapos hinubad yung medal niya at tinago sa pouch, ang suot na lang ulit nito ay yung medal for best dressed.

"Okay na?"

"Tinawag kayong couple!" maktol pa rin nito.

"Title lang yon."

"Kahit na!"

"Ano namang panalo nung best couple dance award sa title mo as my boyfriend?" >////>

Agad namang nawala ang kunot sa noo nito at lumapad na ang pagkakangiti nito. "Kikiligin na ba ako?"

"Ewan ko sayo." >/////<

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon