FL 68 : Necklace

119 7 0
                                    

"Calm down, Renzo!"

Darryl's POV

"He's a monster!" galit na galit na sabi ni Renzo.

"Hindi niya sasaktan si Jaireh! Mukhang desperado na ang matandang yon na mamatay si Nami!"-Jhake

Hindi rin ako makapaniwala na kinidnap ng Lolo ni Jarrod si Jaireh kapalit ng pag-amin ni Jarrod na sumusuko na ito. Anong iniisip ng matandang yon? Anong merom si Nami para gustuhin nitong mamatay?!

"Baliw na ang matandang yon! Hindi tayo nakakasigurado kung ano ang kaya nitong gawin kay Jaireh! We must do something!"

Ito ang pangalawa sa pinakakalmado saming apat pero pagdating kay Jaireh nawawala ito sa katinuan.

"Anong plano mo, Pinuno?"

Higit sa lahat ito ang pinaka nahihirapan ngayon.

Nami vs. Jaireh

He loves them both.

Wala ring sinasabi si Renzo tungkol kay Nami.

Ang demand kasi ng Lolo ni Jarrod ay pakakawalan niya si Jaireh kung ibibigay namin si Nami sa kanya.... since iyon naman talaga ang prize sa war na dineklara nito.

Nagbigay ito ng isang linggo palugit samin.

Sa kada araw na palugid ay nagbanta ito na araw araw may ipapadalang parte ng katawan ni Jaireh.

Ngayon lang namin nalaman ang tungkol dito, ipinost ito sa website kaninang madaling araw, saktong 12:00 AM habang may litrato ni Jaireh na nakapiring at may takip ang bibig.

Nababaliw na talaga ang matandang yon!

Walang kasing sama! Mismong apo nito hindi pinatawad!

Dahil hindi kami nito matalo sa mano manong labanan gumamit na ito ng pangblablackmail.

Muntik na nitong mapatay si Jarrod nung nakaraang linggo.

Lahat ng family members namin ay nasa safe house na, hindi naman namin akalain na makakaya nitong gamitin ang sariling kadugo para lang manalo.

This is an endless battle. Ang tanging paraan para manalo ay ang umamin ng pagkatalo.

Ikaw na ang mag-iisip kung paano mo mapapatumba ang kaaway.

Yun ang rules nito ng magdeklara ito ng war samin.

Simple lang naman para matapos ang war na ito... Ang mapaamin ang isa sa leader ng grupo na talo na sila.

Nakapusta dito ang buhay ni Nami... Yun ang hininging premyo ng Matandang yon.

Si Jarrod?

Ang itigil na ng lahat ng gang leaders ang pagtatangka sa buhay ni Nami.

Kapag kasi may naipost kana sa website na yon, hindi mo na ito pwedeng burahin pa... kaya talagang delekado ang buhay ni Nami.

Marami ang nagnanais na makuha ang premyo mula kay Jarrod, nakalagay kasi don na pwede mong hilingin ang lahat kapag napatay mo si Nami.

Dahil nakapost na yon hindu na ito mabura ni Jarrod.

Nagkapositive side naman ang paghahamon ng matandang yon kay Jarrod dahil kapag nanalo kami mawawalang bisa na ang pagpatay kay Nami.

Ang totoo hindi naman talaga si Jarrod ang nagdeklara noon na kung sino man ang makapatay kay Nami ay bibigyan niya ng premyo... Ang Lolo nito ang nagdeklara nito under the name of our Gang.

Ito ang nag-utos nito noon... Wala sa katinuan si Jarrod noon kaya sunod-sunuran lang ito sa matandang iyon.

Ilang araw nawala si Jarrod ng malaman nito na si Nami pala ang anak ng mga taong pinakakinamumuhian nito. Dahil don ginawa itong advantage ng matandang yon para imanipulate ang technician namin na ipost yun sa underworld site.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Where stories live. Discover now