FL 38: Don't cry

4.7K 74 12
                                    

Alien's Note:

Halooo! ^O^ Okay, so KPOP chika, gumora na po si Se7en aka Jarrod Matthew Francisco sa Military chenes nila sa Korea. That means magiging celibate si Park Han Byul aka Naomi Mendoza for 2 years. Mwehehe! xD Actually, walaakongpaki sa nararamdaman nila. xD Leche lungs, maghihiwalay din kayo! t-____-t Sina OP lang ang matatagal. Mwhehehe. kilig si Kana nyan. xD De joke lang. Good luck sa lahat ng nasa LDR ngayon. :))

Enjoy Reading! =)

========================================

Chapter XXXII

"Sino si Kent?" napatingin ako kay Jarrod na nakakunot ang noo.

"Pinsan ni Jastine tsaka-" natigilan ako saglit.

"And?" untag ni Jarrod sakin.

"W-wala." Mabilis kong sagot bago umakyat papunta sa kwarto ko.

Bakit ba hindi ko agad naisip yon?

Si Kent!

Siguradong alam nya kung nasaan sya.

Kailangan kong makapunta agad kina Tin, kailangan kong makausap si Kent.

Alam nito ang dahilan kung bakit bigla syang nawala. Kung bakit basta na lang nya akong iniwan.

Siguro may mabigat syang dahilan sa pag-alis. Tama. Kahit anong dahilan, tatanggapin ko bumali-

"Nami,"

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang boses ni Jarrod sa labas.

"Jarrod, gamit mo ba yung motor mo papunta dito?!" bungad ko agad nang mapagbuksan ito ng pinto.

"Oo, bakit?"

"Samahan mo ako kina Tin!"

"Ha? Akala ko ba ayaw mo akong isama don?"

Napatigil ako sa sinabi nya. Oo nga pero...

"Kailangan kong Makita si Kent. Tara na!"

Sa halip na kumilos palabas ay dumiretso ito sa kama at humiga.

"Jarrod!" inis ko itong nilapitan. "Jarrod, bumangon ka nga! Hindi mo ba ako naririnig? Samahan mo ako kina Jastine, kailangan kong makita si Kent!"

Hindi nya ako pinansin at sumubsob pa sa unan ko.

"Aish. Bahala ka nga! Kung ayaw mo akong samahan, kaya kong pumunta mag-isa!"

Akmang aalis na ako nang hawakan nya ang kamay ko at hilahin pahiga sa kama.

Bigla nya akong niyakap ng mahigpit, yakap na para bang mawawala ang lahat sa kanya pag niluwagan ang pagkakahawak sakin.

"J-jarrod,"

Hindi ito umimik. Sinubukan ko syang lingunin pero hindi nya hinayaang makita ko ang mukha nya.

"May problema ba?"

Lalong humigpit ang pagkakayakap nya sakin.

"Pano mo to nagagawa?"

"H-ha?"

"Pano mo nagagawang sabihin na gusto mong makita ang ibang lalaki sa harap ko mismo? Hindi mo ba naisip ang mararamdaman ko?"

Bigla akong nakaramdam ng guilt.

"Alam mo ba kung gano ko kagusto ng puntahan ang lalaking yon para saktan? Hindi... gusto ko syang patayin! Gusto ko pa syang pahirapan bago ko itapon ang katawan nya sa iba't-ibang parte ng mundo. Aish. Ano ba tong pinagsasasabi ko? Tss. Bago ang lahat ng ito sakin, Nami. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito."

Hindi ko alam kung paano ang magiging reaksyon sa sinabi nya.

Pakiramdam ko, ang sama-sama ko. Pano ko nga ba nagawang kalimutan ang mararamdaman nya? Ang mararamdaman ng boyfriend ko? >_______<

Lumuwag ang pagkakayakap nya sakin. Pagkalipas ng ilang sandal ay bumangon ito.

"Tara na."

"A-ano?"

"Akala ko ba pupuntahan mo ang Kent na yon?" sabi nya na hindi man lang tumitingin sakin.

Mas lalo tuloy akong nakonsensya.

Bago pa man ako makapagsalita ay lumabas na ito ng kwarto.

Nang makababa ako ay wala na ito sa sala kaya dali-dali akong lumabas at nakita syang nakatayo malapit sa motor nya. Nilapitan ko sya para sabihing hindi na ako tutuloy pero...

"Sakay na..." malamig ang boses na sabi nito.

"Jarro-"

"Bilis." Matipid at walang kaemo-emosyong nakatingin sya sakin.

Wala na akong nagawa kundi sumakay doon. Mabilis ang pagpapatak bo nito kaya napahawak ako ng mahigpit sa bewang nya.

Galit ito.

Ipinikit ko na lang ang mata ko sa sobrang takot. Ngayon lang ito nagpatakbo ng ganon kabilis habang angkas ako.

Nakakatakot... gusto ko nang bumaba...

Bigla kong naalala ang aksidenteng yon.

Ang saya naming na nabalutan ng takot at sakin.

Ang yakap ng mga magulang ko sakin para lang mabuhay ako.

Mab agal lang ang pagmamaneho ni Daddy dahil maingat sya at ayaw nya kaming mapahamak. Mabagal lang... pero naaksidente pa din kami.

Ayoko na...

"N-natatakot ako..." di ko napigilan ang pag-iyak. "G-gusto ko ng bumaba..."

-Jarrod's POV-

Dahan-dahan kong binagalan ang pagpapatakbo ng mototr ng marinig ko ang hikbi ni Nami. Sobrang hina lang pero dinig na dinig ko pa rin. Itinigil ko ang motor pero nakahawak pa din sya sakin ng mahigpit. Napatingin ako sa mga kamay nya, nanginginig ang mga yon.

Tahimik kong minura ang sarili at hinarap sya.

-Naomi's POV-

"S-sorry...*sob* Sorry, Jarrod." Pinahid ko ang mga luha na nasa pisngi ko.

Mga pesteng luha! Bakit ba hindi ko napigilan ang pagpatak nila!

"Sorry... sorry... sorry..." wala akong ibang masabi sa kanya kundi 'sorry'.

Galit sya... hindi ako sanay na galit sya sakin.

"Sssshhh..." naramdaman ko ang mga braso nyang yumakap sakin.

"Sorry."

Naramadaman ko ang pag-iling nya. "Forget it. Just... just please don't cry."

Lalo akong nakonsensya dahil sa pag-aalalang nasa boses nito.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili. Pinaikot ko ang sariling mga mata pero hindi iyon nakatulong. Mas lalo ko lang naalala ang lahat.

Mas malinaw ang pangyayari... mas malalakas ang iyak.

Hanggang kalian ba ako magdududsa ng dahil doon. Hindi ko naman ginustong makaligtas. Bakit ba buhay pa ako?! Ba-

"Baby, tahan na." lalong humigpit ang yakap ni Jarrod sakin.

Siniksik ko ang sarili sa kanya. Buti na lang andito sya. Nakakagaan ng pakiramdam pag nakakulong ako sa bisig nya.

"Salamat, Jarrod."

"You don't need to. I'm your boyfriend."

========================================

Witchy Note:

Pasensya na kung sabaw lang ang UD namin ngayon. Pinilit lang namin mag UD dahil nahiya naman kami sa mga readers na naghihintay. xDDv

VOTE.LIKE.COMMENT.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Where stories live. Discover now