FL 51: TN

2.7K 46 7
                                    

Hi~ Merry Christmas sa lahat! Dahil pasko naman, pinilit ko ang aking utak na may mai-update! Dapat special chapter for christmas ito eh pero huwag na nga. Kainis kasi, hindi pa Pasko dito sa story ng WGMMG! xD

Wala rin akong idea kung ano nga bang mangyayari, bago ko pa lang ako mag-iisip kasi biglaan, gusto ko lang mabati kayo kaya gagawa ako ng UD! ^^

Enjoy Reading! =)

===========================================

Simula ng pumunta si Jarrod samin ng gabing yon na lasing ay marami ng nagbago sa kinikilos niya o sabihin na nating lumala lang ito. Mas naging OA kasi siya ngayon, nagiging over protective din ito minsan, halos ayaw na nga niya atang lumayo sakin eh.

"Wala akong pakielam kung tumaba ka kaya huwag ka ng mahiyang kumain." sabi ni Jarrod habang pinagdudukdulan nito sakin yung pagkain na inorder nito.

"Hindi ako takot tumaba, lalong hindi ako nahihiya sayo. Bakit naman ako mahihiya? Sino ka lan--"

"Boyfriend mo, kaya kumain ka ng marami. Kaya ang payat-payat mo kasi ayaw mong kumain. Tsk. Para kanang papel sa payat." Ito naman ang napuna nito---Ang kapayatan ko, teka hindi ako payat! Sexy ako... SEXXYYY! Psh!

Kung maka 'Boyfriend mo' naman ito akala mo naman asawa ko na siya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang pumayag akong tapusin na ang pagiging fake boyfriend-girlfriend namin. Sa tuwing naiisip ko yung tungkol sa dare ni Dawn ay nakakaramdam ako ng takot, natatakot akong malaman nito na isang malaking kalokohan lang ang meron samin.

Hindi ko ito mahal at alam kong ganon din siya sakin.

Imposibleng mahalin namin ang isa't-isa, lalo na siya sakin. Bakit nga ba ako ang napili ni Dawn na gumawa nito? Marami naman diyang iba na handang gawin ang lahat mahalin lang ng lalakingito.

"Ahh." Naningkit ang mga mata ko ng umangan ako ni Jarrod ng pagkain, piling ko tuloy wala akong kamay. Naiinis ako kapag ginagawa niya ito, hindi ko alam kong sinusubukan lang niyang magpakasweet sakin. Dahil alam kong hindi nito hahayaang hindi ko iyon kainin ay sinubo ko na rin iyon.

"Ang sweet, Jarrod ah! Hi, ganda." Napatingin ako sa direksyon ni Jhake, kasama rin nito si Renzo at Darryl na tahimik na nakamasid. Nakisalo sila samin, bigla naman akong nailang dahil hindi ako sanay na kumpleto sila habang kasama ako ni Jarrod. Lalo na ngayong nasa canteen kami, ayaw ko ng mga tingin ng ibang studyante sakin, piling ko kung nakakasugat lang ang mga tingin nila ay namimilipit na ako sa sakit dahil sa dami ng mga sugat na matatamo ko.

"Hindi ko pa rin maintindihan kung anong meron sa kanya." Sabi ni Darryl habang nakatingin sakin tapos baling kay Jarrod. Nalito naman ako dahil sa sinabi nito.

"Hindi mo talaga maiintindihan dahil hindi ka pa naman nagmamah--" Natigilan si Renzo ng tingnan ito ni Jarrod ng masama.

Okay. Intinding-intindi ko sila, grabe, sobrang saya ng pwesto ko. Hindi nakaka out of place! -_-

"Kailangan niyang maging malakas, Jarrod."--Renzo

"Tama si Renzo, hindi sa lahat ng oras ay nandito tayo para protektahan siya."

"Mawala lang siya sa paningin natin ay ikamamata--"

Nagulat ako ng malakas na hampasin ni Jarrod ng kamay nito ang lamesa. Galit na galit ang aura nito. Natahimik din ang lahat dahil sa kinilos nito.

"Kailangan ba talagang dito nyo yan pag-usapan?! Hindi ko hinihingi ang tulong nyo! Kaya ko ito mag-isa! Hindi ko kayo pinipilit na samahan ako!"

"A-ano bang pinagsasabi nyo?" Piling ko lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok niyon. Hindi ko akalaing matatanong ko yon kahit na halatang galit si Jarrod. Wala ring naglalakas ng loob na gumawa ng pansin dahil natatakot silang maagaw ang atensyon ni Jarrod.

"Wala." Unti-unting lumambot ang kabuuan nito at hinila ako palayo sa mga kaibigan nito.

===========================================

Ito muna, bukas na lang ulit kapag nagka-oras na ako, gusto ko pa sanang magtype kaya lang hindi na talaga kaya ng mata ko. Kusa na itong bumabagsak!

Merry Christmas! Huwag nyo sanang kakalimutan na ang pasko ay hindi tungkol sa mga material na bagay... Tungkol ito sa pagligtas satin ni Jesus. Happy Birthday sa kanya, kung hindi dahil sa pagkasilang niya ay naligtaqs tayo. =)

VO/LIKE/COMMENT/BE A FAN

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Where stories live. Discover now