Prologue

15 2 0
                                    



"Happy birthday to you... happy birthday to you..." nakikinig lang ako at nakangiti sa kanila habang kumakanta sa harapan ko.Everytime na dumarating yung araw na may birthday saming magkakapamilya lagi may konting kainan. Number 1 na hindi atang pwedeng mawala ang kainan.

Wala akong tulog dahil sa tatlo kong pinsan na everytime na may mag bi-birthday saming apat dapat magpapasleepover kami. Dapat kumpleto kapag hindi kumpleto ma-momove yun kahit lagpas na birthday mo.

"Ate ano gusto mong regalo?"tanong sakin nung bata kong kapatid na si Ki habang naglalakad sya papalapit sakin. Nung makalapit na sya sakin bigla nya ako hinug ng mahigpit. Hinug ko na din sya pabalik. Grabe naman to maka hug parang di kami lagi mag kasama.

"Wala akong gusto,bb"sweet na may halong pabiro kong sabi sakanya habang nakahug parin sya sakin. Tumayo na ako pero nakahug parin sya sakin.

"Kiss mo nalang ako dito" sabi ko sakanya habang nakaturo sa cheeks ko. Tiningnan nya naman yun at umalis na sa pag huhug ko

"Ano ba naman yan ate, tinanggap ko na yung tinawag moko bb kanina kasi birthday mo pero yung iki-kiss kita ayy nako wag nalang"sarcastic nitong sabi sakin pero hindi naman seryoso yung pag kakasarcastic. Dapat lang kung seryoso sya dun tatakwil ko to sa pamilya namin hahaha joke lang lab ko yun ih.

Umalis na sya nung pagkasabi nya kaya umalis na din ako sa pwesto ko.

Ay nako yung batang yun grabe ang moodswing parang babae ay. Magigingsweet tapos hindi, magiging good-mood tapos mamaya mababadtrip. Ay nako intindihin ko nalang yon batang to.

"Hoi Kali laro tayo" excited na sabi nung pinakapatandang kapatid namin na si Kuya Xson. Dahil tinatamad ako umiling nalang ako bago pumunta sa sofa para umupo.

Ang pronunciation nun ay:Xion hindi X Son tapos yung sa bunso ko namang kapatid ay key as in key tapos ako kali as in tagalog na tagalog.

"Dali na wala akong kalaro promise sayo si Sage"nagmamaka-awang sabi ni kuya xson sakin. Sumampa pa nga sa sofa tapos lumuhod tapos pinagdikit ang dalawang kamay. natatawa naman ako sa ginagawa nya kasi sobrang nag mamakaawa na sya.

"Pls...pls... wala akong kalaro ngayon mga may ginagawa sila"nagmamakaawa nyang sabi sakin. Naawa naman ako pero ayaw ko talaga

"Hindi ka ba titigil sa pag lalaro mo?kanina ka pa nag lala-" di ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nag salita si mommy

"Kayong dalawang bata kakain na tayo pumunta na kayo dito" pag tawag samin ni mommy. Tumayo naman ako at iniwan si kuya dun sa sofa.

Umupo na ako sa sarili kong upuan at nag simulang kumain. Kasama ko family ko pati narin mga pinsan ko. Medyo late lang mga pinsan ko kasi monday bukas at may pasok nanaman tinapos muna nila mga dapat nilang gawin.

Genon parin yung kuya ko. Kinukulit nya parin ako maglaro.

"Kish kalaruin mo nga to. Diba nag vavalorant ka naman?"paninigurado kong tanong sakanya. Baka kasi tumigil na sya dati kasi nakakalaro ko pa sya.

Si kish ay second cousin ko. Apat kami na mag kakaclose mula nung elementary pa kami. lalo na si Kish, Kami ang una na magkasama sanggang nakilala namin yung dalawa pa naming pinsan.

"Oo ate pero wala akong time ngayon"habang sinasabi yun ni Kish nakikinig si kuya Xson sa uspaan namin. Napatingin ako sa reaction ni kuya natawa naman ako nung nakita ko yun.

"Sige na makikipag laro na ako sayo sa isang kundisyon"sabi ko sakanya. Pinag mamasdan ko naman ang magiging reaksyon nya.

"Sige, deal ano ba yun? Basta makikipaglaro ka ha"sunod sunod nyang sabi gawa nung excitment nya siguro parang hindi nakakapag laro ay.

"Punta tayo sa café" dahil sa sinabi ko napaisip naman sya dun.

"Deal yung friend ko may kilala na masarap daw yung coffee at ang chill nung interior nung café" habang nag sasalita sya lalo ako na eexcite na pumunta dun.

"Di rin sya genong kalayo sa school natin" dagdag nyang sabi kaya lalo ako na excite.mukhang masarap naman yung café kasi di nya naman yung irerecommend yun kapag hindi.

•••

caféWhere stories live. Discover now