Chapter 8

6 1 0
                                    

Nandito parin kami at nalessan na yung pang aasar nung mga tropa ko. Unless pag may dumadating pang iba sa tropa ko.

"Guys ano ba ganap nyo bat ang dami nyo?" Tanong ko sakanila kasi paonti onti silang dumadami, mukhang ako lang walang ka alam alam sa nangyayari.

"Ayan kasi di ka tumitingin sa gc, pero ok lang have fun" sabi ni Cadence na may halong pang aasar sa mukha

Bigla ko naman kinuha yung phone ko sa bag ko at tiningnan ko yung gc namin. Gago may gala pala sila.

"Guys pasensya nde ako makakasama"  pag hingi ko ng pasensya sakanila. Ngumiti naman sila ng nakakaasar.

"Ndee ok lang have funn" pang aasar naman Isaac sakin at sinamaan ko naman sila ng tingin.

Nagpaalam at umalis na din sila kasi manonood daw sila. Edi sana ol makakapanood.

Lumapit naman ako bigla kay Jake at nag sorry kasi natagalan ng konti.

"Sorry kung natagalan, masyadong madadaldal lang talaga kami pag mag kakasama, hehe" paghingi ko ng sorry pero sabi nya ok lang daw kasi genon din naman daw sila ng magtrotropa.

Pumunta na kami sa department store. Wala akong mapili na maganda na pwedeng mabili para may lola at sa kapatid ko.

"Ano bang pwedeng bilhin kay lola? Wala akong maisip" pagrereklamo ko sa kasama ko.

"Kahit ano naman siguro magugustuhan nya" sabi nya, maraming salamat sa tulong

"Gawan ko nalang kaya sya ng painting?" Nagdodoubt kong tanong sakanya.

"Ikaw bahala ka pero parang great idea yun" pag-aagree nya sa sinabi ko.

Tinulungan nya naman ako bumili ng mga gagamitin ko sa painting na gagawin ko pero hindi pa sapat ang painting para sakin.

"Parang kulang pa to, ano paba? Make-up? Damit? Gamit sa kitchen, pang babake?nde ko talaga alam, helppp" pag rereklamo ko parin sa kasama ko. Naguguluhan talaga ako.

"Saan ba mahilig lola mo?" Tanong nya sakin. Nahihiya na ako nde na nga ako mag rereklamo, mukhang naiinis na sya.

"Mag bake?" Nde ko sigurado kasi lahat ng nabanggit ko kanina lahat yun gusto ng lola ko.

"Edi bili ka ng pang bake, May sets na nabibili, siguro ok na din yun" sabi nya ng mahinahon sakin. Bakit ang calm nya kahit reklamo ako ng reklamo sakanya? Wag kang genan. Nakakafall Hahaha JOKE

Pumunta kami sa store kung saan maraming gamit na pang bake dito sa sm lang din kasi mas marami dito kesa sa department store. Binili ko na yung sets at yung mga trays para sa cake at cup cakes kasi lagi syang nag rereklamo na nawawala daw kasi napapaunta sa kapit bahay, kulang nalang "nito" yung pinggan na parang gawa sa manipis na kahoy. Basta pag may handaan ginagamit yun tapos nilalagyan ng plastic.

Umalis na kami dun,dahil hindi ko kaya buhatin lahat tinulungan nya naman ako.

"Dahil sinamahan moko ngayon libre nalang kita next time" sabi ko sakanya at nginitian ko naman sya.

"Sige ayaw ko naman tumanggi sa biyaya"

"Tumangii ka naman, kahit slight lng" sabi ko sakanya na parang seryoso pero  pabiro lang.

"Ayaw ko, libre yun ih minsan nalang kaya may mag offer na manlilibre tatanggihan ko pa"sinamaan ko naman sya ng tingim at hinampas ko naman ng mahina yung braso nya. Tinawanan nya lang naman ako at nag lakad.

"Hala may bibilhin pa nga pala ako, mauna ka na dun kung gusto mo" sabi ko kay Jake. Baka kasi pagod na sya kasi kanina pa kami paikot ikot.

"Samahan na kita, baka mapaano ka pa"

"Nde na mabigat yang dala mo, mauna ka na"tinanggi nya parin yung sinabi ko at sumunod parin sakin,sige bahala sya.

Pumunta ako sa jco para bumili ng donut.

"Ngayon na ba ako bibili ng pasalubong sa kapatid ko or bukas na?" Tanong ko ulit sa kasama ko. Oo nahihirapan ako mag desisyon pag ako lang, aamini  ko yun napapaoverthink kasi ako lagi pag may reregaluhan or something. Ayaw ko maging failed yung mapapabigay ko, ewan ko ba kaya lagi ako makulit or maraming tanong pag bumibili ng regalo or pasalubong. Basta yun gets ny naman siguro ako.

"Ano ba bibilhin mo sa kapatid mo? Donut ba? Laruan? Candy ba?"nakapila kami habang nag tatanong sya sakin

"Ano donut daw gusto nya" sabi ko sakanya habang pumipili ako ng flavor ng donut na gusto ko.

"Edi bukas mo na bilhin kung maluwag naman sched mo"

Sinabi ko nalang sakanya na sige para mapakita na umagree ako dun sa sinabi nya. Chineck nya naman yung inorder ko at ako naman yung nag bayad sa cashier.

Nag deretso na kami sa sasakyan nya para umuwi na. Nagiging komportable na ako sakanya kahit konti. Nde na ako masyado na aakwardan sakanya. Bago nga pala kami umalis sa sm sinamahan ko sya mag grocary kasi nauubusan na daw sya ng pagkain sakanyang unit.

"Shet anong oras na?" Pagpapanic kong tanong sakanya pero hindi naman napalakas yung boses ko, slight lang kaya nagulat sya ng konti dahil sakin.

"Maaga pa naman bakit?" Kalmadong tugon nya sa tanong ko.

"Magpapaint pa ako" sagot ko dun sa tanong nya at inayos ko yung pagkakasandal ko, sumakit ng konti yung likod ko dami kasi namin paikot ikot na ginawa sa sm. Sarap nang ikeep yung memories ngayon ih.

"Tulungan na kita, kung ayus lang naman sayo"napaisip naman ako dun sa sinabi nya

"Wag na ok lang, kaya ko naman siguro tapusin yun hanggang bukas ng umaga" kahit gusto ko man na tulungan nya ako, sinabi ko nalang na wag na kasi kanina nya pa ako tinutulungan and need nya na din mag pahinga baka may gawin pa sya bukas.

"Sige sabi mo ih" natahimik na ulit kami, actually nakatulog lang talaga ako kaya natahimik kami. Nagising nalang kasi ako na nandito na kami sa parking lot.

"Kanina pa tayo nandito?" Tanong ko sakanya nung pagkagising ko. Inayos ko naman yung mukha ko at hinihintay yung sagot nya.

"Tama lang,bakit?" Pabalik nyang tanong sakin

"Bakit hindi moko ginising?nakakahiya tuloy" napahina yung sabi ko dun sa dulo kasi nahihiya naman tuloy ako.

"Ito naman nahiya pa, ayaw ko kasi na nang gigising ng tao, kaya hindi kita ginising mukhang pagod ka pa naman" sabi nito at inalalayan akong ayusin yung sandalan kasi nakahiga sya kanina.

Saglet natulog ba ako ng nakahiga yung sandalan? Ah ewan ko na hindi ko matandaan basta nakatulog ako sa pagod. Buti nalang nakatulog ako ma pupuyat  ako sa pagpapaint ko mamaya. Hindi naman genon kalaki yung gagawin ko tamang laki lang naman. Hindi ko pa nga alam yung ipapaint ko

caféWhere stories live. Discover now