Chapter 3

7 1 0
                                    

Kakagising ko lang. Masyado pa naman maaga pero naligo na agad ako 5:30am palang naman.

Nag linis na muna ako ng kama ko bago lumabas. Pumunta na agad ako sa kusina para kumain pang isang tao lang ang niluto ko kasi iisa lang naman ako.

Nag bukas muna ako ng phone para tingnan kung anong oras na 5:50am palang naman.7:20am pa naman pasok namin.

Nagtingin na din ako ng gc namin baka may chismis na nagaganap.

Nalani:hindi ako makakapunta may exam kami HAHAHAH
Kalisa:sige lang goodluck sa exam mo
Nalani:sana oll walang exam
Kalisa:halos kakatapos lang din ng exam namin
Nalani:ahhh okk,samasama ka mamaya?
Cadence:oo nga sasama ka mamaya?
Kalisa:oo ako pa nga bibili ng inumin
Nalani: sana oll
Kalisa:ok lang yan
Cadence:di ako makakasama...
Kalisa:bale sino sino lang pala tayo?
Sara:hii,bale sampu lang ata tayo
Kalisa:ahh oki oki babye na muna

Si Nalani kasi hindi namin sya ka school. Si Sara naman hindi ko sya kaklase pero halos lahat samin mag trotropa ay magkakalase nung JHS pa kami yuba kasi naming tropa naging kaclose lang namib gawa nung sa discord.

Naligo na ako ng mabilis dahil darating na kapatid ko kakachat nya lang halos. Lumabas ulit ako ng kwarto at nakita ko yung kapatid ko na nakaupo na sa sala ko.

"Kumain ka na?"tanong ko sakanya habang nag papatuyo ng buhok

"Oo,eh ikaw kumain ka na?"tumango naman ako bilang sagot tapos bumalik na ako sa kwarto ko nung natuyo-tuyo  na buhok ko.

Inayos ko na sarili ko bago nag yaya sa kapatid ko na umalis na kami. nang makarating na kami sa parking lot nakita ko nanaman yung lalaki kahapon.

Alam nyo kahapon ko pa sya nakikita. May sumpa ba yung cafe na yun?parang ayaw ko na bumalik dun ah.

"Hoi tara na ano pang hinihintay mo?"Nagulat ako ng bigla nag salita si kuya habang papasok sa sasakyan.

Bigla nalang ako umupo sa shotgun seat at nag seatbelt.

"Ano plano mo ngayon?"mukhang nakaramdam ata ng plano si kuya ah

"ah..uhmm.. ako kasi pwede mag inom kasama friends?"nahihiyang tanong ko sa kapatid ko para mapayagan.

"Go lang saan ba?" Natuwa naman ako nung pumayag sya ang hirap kasi na mapapayag nitong kapatid kong to bago pa ako makainom. Minsan pumapayag sya pero masama sa loob nya.

"Sa kabilang building lang natin, sure ka ba na pumapayag ka baka masama loob mo?" Naninigurado lang ako baka kasi masama parin sa loob nya ih

"Oo nga, sulitin mo na buti nasa good mood ako pag ako nawalan sa mood hindi ka makakapunta sige ka"sinabi ko nalang na titigil na ako sa kakatanong. himala kasi na pumayag sya ng genon genon lang dati kasi may kundisyon pa. Nag ready pa naman ako ng pera.

Libre ko nalang sya bukas sa cafe para may kasama ako tutal trip ko panaman na bumalik dun.

"Bukas ano oras awas mo? May training ka ba sa basketball nyo?" Tanong ko lang sa sched nila kasi nga balak ko syang ilibre bukas.

"Oo meron bakit?"nagtatakang tanong nya habang nag dadrive sya

"Daan pala muna tayong mcdo maaga pa naman 6:30 palang naman mamaya pa start natin"pag-iiba koo ng topic bigla ko kasi natandaan na ililibre ko nga pala tropa ko sa school.

"Ang daldal mo ngayon ano meron sayo?"tanong nya sakin habang nagdadrive sya papuntang mcdo

"Wala gusto ko lang mag mcdo. Bibili ng ice coffee nauuhaw na kasi ako"pag rereklamo ko sakanya na nauuhaw na ako.

caféWhere stories live. Discover now