Chapter 11

5 1 0
                                    

Pagkatapos namin mag swimming apat dumeretso na kami sa room namin. Lahat kaming mga bata ay nasa iisang room tapos yung mga parents naman namin nasa kabilang room. Hindi daw kasi kasya lahat tapos pinag agreehan namin na magkakasama nalang kaming magkakapatid at mag pipinsan sa iisang room kasi konti lang masyado yung mga bata pero yung age 9 pababa kasama nung mga parents.

"Oh nandito pala kayo" sabi ko dun sa mga pinsan kong mas nakakatanda saming apat

"Ay hindi wala kami dito Mimin" sabi naman ni kuya Christ

"Sigii nalang" sabi ko bago umupo sa may kama namin

Mga 3 araw kami sa resort buti nlang tapos na ako, wala na akong ipapasa sa school. yung kapatid ko umuwi na siya nung sabado kasi daw may gagawin pa daw yung team nila sa basketball. Ako ngayon palang ako uuwi.

Tuesday ang araw ngayon at nag yakag yung mga kaibigan kong mag inom to celebrate daw na lahat daw kami makakpag grade 12.

Inaayos ko na muna yung kwarto ko dito sa Laguna, bago ko inayos yung gamit kong dadalhin sa manila.

Hindi pa ako makaalis gawa nung isa kong pinsan tapos isama mo pa ang mga paalala ni Daddy na pagkarami rami, ayus lang naman yung mga pag papaalala nya minsan nga lang nakakainis na kasi ginagawa nya akong baby sobra.

"Wag ka na umalis ate" sabi ni Kish

"Nako, nako hindi pa ako umaalis ayaw mo na agad ako paalisin, miss mo naman agad ako hay nako" pang aasar ko kay Kish

"Umalis ka na nga ay nako, musta na nga pala kayo ni Jake? Jake nga ba yun? Kayo ha napapadalas" pag aasar naman ni Kish sakin, binalikan ako.

"Walang kami, nako nako"sabi ko sakanya tapos ang naging reaksyon nya naman ay pang aasar na mukha

"Wala akong sinabi" sabi nya na may halong pang aasar talaga

Hinatid ako ng pinsan ko samay pinto namin. Naguusap lang kami ng matino ni Kish ng bigla nag bago yung mukha nya I mean hindi sobrang tino yung usapan namin kaya nga hindi ako makalis alis at puro nalang kwentuhan. Bigla naman nanlaki mata nya tapos kinikilig.

"Para kang ewan bat ka diyan kinikilig?" Nagtatakang tanong ko sakanya baka kasi nakakita to ng hindi ko nakikita.

Yung pwesto kasi namin ni Kish nakatayo si Kish sa may pinto namin and ako naman nasa harapan nya bale nasa likod ko gate namin.

"Tingnan mo kaya" yung pagkakasabi nya pa yung parang nag aasar I mean nang aasar talaga kaya napatingin ako sa likod ko nagulat din naman ako nung nakita ko si Jake  nung pagkaharap ko

"Bakit ka nandito?" Biglang sabi ko nung nakita ko sya

"Para sunduin ka?" bigla naman tumabi si Kish sa tabi ko kaya napatigin ako kay Kish

"Kaw ate Kali ha, basta uuwing mag isa ha" nang asar pa talaga ng todo bago sya umalis para umuwi na.

"Nako yung batang yun daming alam" sabi ko kay Jake habang kinukuha nya yung Bag na dala ko

"Ako na mag dadala, bakit ka nandito? Paano ka napadpad dito?" Sunod sunod kong tanong kasi nkakagulat siya

"Wala, pinasundo ka ng kapatid mo sakin" sabi nya tapos kinuha nya parin yung bag ko, gentle man yarn?

"Grabe talaga yun ah ah apaka tamad ay" pagkasabi ko nun bigla nya nalang ako niyayang pumasok sa kotse nya

"May pupuntahan ka ba? Parang busy na busy ka diyan sa phone mo ah" sabi ni Jake sa tabi ko habang nakokonsentrate sa kalsada

"Ahh ano kasi nag hahanap ako ng pwedeng mapagkainan naming mag kakaibigan, sama ka?" Biglang yaya ko sakanya tutal kasama ko na din naman sya edi isama ko na din sya sa inuman

caféTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon