Chapter 7

15 1 0
                                    

Pumunta ako dito sa cafe sa pinupuntahan ko everytime na gusto ko mag chill. Kung saan naging sumpa, kung bakit ko lagi nakikita si Jake. Yaan na siguro pwede ko naman sya maging kaibigan, titiisin ko nalang ugali nya if ever at kapag gusto nya lang naman.

Mukhang masaya naman sya maging kaibigan. Introvert lang siguro sya.

Bumibili lang ako ng inumin kasi nauuhaw ako. After ko din naman bumili umalis na din ako. Maling desisyon ata ang ginawa ko kasi wala nga pala masyadong dumadaan na jeep dito, unless babalik ako ng school. Mahal kasi ang tricycle kapag papuntang sm.

Mostly kasi dekotse ang dala or pang private transportation ang mostly na ginagamit papunta dito. Ewan ko ba kung bat genon, sa hapon kasi maraming jeep pero pag tanghali wala masyado paswertihan nalang na kahanap ng jeep. May balak na nga akong maglakad papuntang school kahit malayo kapag nilakad.

Mag iistart na sana akong maglakad kayalang may tumawag sakin, kaya napalingon nako sa likod ko. Nakita ko si Jake dun na naglalakad papalapit sakin. Kakalabas lang nya lang sa cafe.

"Oh?bakit?" Gulat kong sabi sakanya kasi sya nanaman nakita ko. Lagi nalang talaga, mostly dito pa haynako.

"Saan ka pupunta?" Biglang tanong nya nung nakatabi na sya sakin.

"Ay jowa para malaman? Hahahah joke" natatawang sabi ko tapos umayos ako ng tayo ko.

"Bakit bawal ba mag tanong? Jowa lang ba ang may karapatan na mag tanong ng genon?" Mukhang seryosong sabi nya pero natatawa sya. Sabagay may point naman sya, lintek kasing bunganga to ayun lagi lumalabas kapag may nag tatanong, pasensya ako lang to.

"Siguro lahat na nag tanong sayo naging jowa mo na noh?" Dagdag nya pa genon parin reaksyon nya ng aasar ay.

"Oi hindi ahhh"natatawa kong sabi.

"Sige sabi mo ih" ay nako mabilis naman pala tong kausap

"So saan ka nga pupunta? Samahan na kita mukhang wala yung kuya mo" tanong nya ulit. So saan nga ako pupunta?nakalimutan ko gagi.

"Ahhh uhmm sa sm, oo sa sm ako pupunta" tapos napatingin ko sakanya na parang hindi ako sigurado. Kasi naman kinakabahan ako makipag usap sakanya kaya na nawala sa isip ko. Hindi ko kasi sya kaclose.

"Sure ka diyan? Kung sure ka diyan tara na punta na tayo anong oras na" natatawang sabi nya kasi tiningnan nya ako sa mukha. Siguro nakita nya reaksyon ko na hindi ako sigurado. Tumango naman ako para sabihin sakanya na sure ako.

Sumunod ako sakanya na papunta sa kotse nya. Pinagbuksan nya ko ng pinto, Oo alam kong may kamay ako pero nauna sya. Kinilig ako sa part na yun. Uupo na sana ako pero napatigil ako. Tumingin ulit ako sakanya. Itsura ng mukha ko na parang nag tatanong kung sure sya mukhang naintindihan nya naman.

"Sasakay ka ba or hindi? Lakarin mo nalang hanggang sm kung gusto mo"pang aasar nya sakin.

Sinamaan ko naman sya ng tingin. Bigla naman syang tumango at inalalayan yung ulo ko na baka maumpog bago ako umpo. Umikot naman sya at sumakay sa driver seat. Pinaadarnha naman agad yung sasakyan at pinagmamasdan ko lang sya napapangiti naman ako ewan ko ba.

"Bat ka nakangiti?" Bigla ko narealize yung ginawa ko. Tangina lng talaga.

"Ah sino nakangiti? Ito ata" sabay turo sa bintana.

"Wala naman nakangiti sino bang sinasabi mong nakangiti?" Tanong ko sakanya na parang na cucurious ako bilang palusot.

Napangiti naman sya habang nag dadarive. Napangiti nanaman ako nung nakita ko syang nakangiti. Wala lang ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ih. Marunong naman pala sya.

"Pwede ba magpatugtog?" Nahihiyang tanong ko.

"Sure" simpleng sabi nya tapos inayos nya yun para makaconnect yung phone ko. Marunonv naman ako eh pero yaan na kotse nya naman.

Nagpatugtog ako ng kpop song na pang senti. Ewan ko mahilig lang ako sa genon lalo na pag tahimik lang.

"Palitan mo naman nakakaantok naman masyado" sabi nya habang nakatingin sya sa daan.

Agad ko naman pinalitan yunv tugtog pero kpop song parin. Nakita ko sya na nakiki vibe dun sa song kahit feeling ko na hindi nya alam yun.

"Nakikinig ka sa kpop songs?" Tanong ko sakanya kasi nacucurious ako

"Nakikinig ko lang sa kapatid ko puro kpop na nga ih" napatango naman ako at nag phone na ulit hindi ko alam itotopic ko ih.

Nagpapatugtog lang ako at nakikivibe lang sya sanggang makarating na kami. One time nga pinatugtog ko yung sa Sb19 na song na "What?" Nakikisabay sya sa kanta, wala lang ang cute lang.

"Kumain ka na ba?" Biglang tanong nya sakin habang nag lalakad kami papuntang department store.

"Yup, ikaw ba kumain ka na?" Balik kong tanong sakanya. Umiling lang sya sakin.

Papasok na sana kami ng department store pero kumaliwa ako para pumunta sa mga fast food.

"Saan tayo pupunta?" Tanong nya sakin habang sinusundan nya ako mag lakad.

"Kakain, hindi ka pa pala kumakain ih anonv oras na" sabi ko sakanya habang nag lalakad, sinusundan nya naman ako.

"Mamaya na ako kakain, unahinmo na muna yung bibilhin mo" sabi nya sakin, pero hindi ko yun pinakinggan.

Pumunta nalang kami sa kfc para masarap gravy.

"Hanap ka nalang ng upuan dun ako nalang bahalang bumili dito." Sabi ko sakanya at ginawa nya rin naman yung sinabi ko. Pumila na ako para maka order.

Medjo nataggalan kasi maraming bumibili kaya binigyan nalang nila ako ng number. Hinanap ko kung saan nakaupo si Jake. Nde naman genon kalayo at kahirap para ko sya mahanap ng matagal.

"Tanghalian mo palang to right?" Paninigurado ko kasi heavy food yung binili ko sakanya. Tumango naman sya after nung tanong ko.

Maya maya lang eh tumayo na sya para kuhanin yung pagkain namin. Sabi nya kasi siya na daw kukuha kasi ako na umorder. Pagkabalik nya bigla ko sya tinulungan na ilagay yung pagkain namin sa table. Nagulat nga sya nung sakanya yung pagkain na pang heavy food.

"Why naman genon kali, ang bugat namna neto sa tiyan" natawa anamn ako sa reksyon nya kasi namo-moblema sya kung paano nya uubusin yun.

"Ok lang yan hindi ka pa naman kumakain ng lunch" sabi ko sakanya at sinimulan nyang kumain.

"Gusto mo?" Pag aalok nya sakin nung isang chicken dalawang chicken kasi binili ko sakanya. Umiling naman ako kasi busog na ako.

"Thank you nga pala dito" bigla nyang sabi

"Ayan na libre ko sayo diba sabi mo libre kita noon ayan na yun" sabi ko sakanya at sunubo yung last na fries ko.

"Libre naman kita next time" umiling naman ako kasi ok lang kahit wag nya na akong ilibre pero nag pumilit sya.

Pinag sama sama ko yung mga pinggan na ginamit namin at inayos yung iba bago kami umalis.

"Woii Kali" nagulat ako ng bigla may tumawag sa likod ko kaya napatingin ako.

"Haii Ryan" bati ko sakanya nung nakita ko na sila.

Napatingin din naman si Jake kay Ryan. Yung napansin ninda Ryan na hindi si kuya yung kasmaa ko nagulat silang lahat.

"Kali, sino yan? Ikaw ha" pang aasar sakin ni Ryan nung nag sink in na sakanya yung iba kasama ko.

"Uhmmm si Jake nga pala" pagpapakilala ko sakanila yung kasama ko.

"Ikaw Kali ha, dumadamove ka na"pang aasar din ni Joseph sakin. Tangina bat sya nandito.

"Kali, hindi mo naman sinabi samin, why naman genon?" Isa pa to si Riah.

"Alam nyo" bigla akong lumapit sakanila para mag sama sama kaming lahat. Actually kokonti palang sila. Feeling ko kasama halos lahat ng tropa. Ok lang yun, for sure hindi lang naman ako yung wala.

"Alam nyo tumigil na kayo nakakahiya"pagmamakaawa ko sakanila kasi nakakahiya as in.

caféWhere stories live. Discover now