Chapter 5

6 1 0
                                    

Nakaupo kami dito sa my canteen kasi wala lang gusto lang namin tumambay dito. Katabi ko si Cadence, puro babae lang kami dito kasi yung mga lalaki nag lalaro sa court or sa court daw muna sila tatambay.

Nag phophone lang kami dito or pag may gustong magkewntuhan nag kwekwentuhan naman kami. May pinakita sakin si Cadence na lalaki na nakaupo sa halos kaharap namin.

Napatingin naman ako dun sa sinasabi nyang lalaki. Nanlaki naman mata ko nung nagtapo ang aming tingin at lalo na nung nakilala ko sya.

"Ang gwapo diba?bet ko sya sayo" sabi naman ni Cadence sakin habang kinikilig, mas kinikikig pa sya sakin. Ewan ko ba kung nang aasar sya or hindi.

"Nag aasar ka ba?" Nagtatakang tanong ko sakanya at sinamaan ko sya ng tingin.

"Hindi, kawawa ka naman na single ka ih" aba pinamukha pa sakin. Asama ugali ah

"Ikaw din naman wag kang feeling may jowa" pang aasar ko sakanya. Aba bawi lang di pwedeng sya lang, masakit ng konti yun.

"Wag kang mang real T" natatawang sabi nya na may halong pain. Natatawa lang ako sa reaction nya promise.

Real T means real talk.

"Makakahanap din ako, pero gusto ko sya para sayo" sabi nya sakin with confident tapos umuobob na ulit sya table kasi nahihilo parin daw sya.

"May nabalitaan ako" bigla naman nag salita si liah. Parang na rinig ko na yang balita kanina pa? Pag yan katulad nung kay joseph ako'y makakapanapak na ng isa, pero joke lang yun lab ko tong mga to eh.

"Alam mo ba Kali" paninimula ni Liah sa sasabihin nya dun sa nabalitaan nya daw. Sumagot naman ako na hindi pa after nung tanong nya

"Tanga seryoso to"sabi nya ulit kaya pumirmi ako para makinig genon din naman yung iba kahit may mga ginagawa. Si Cadence naman napatunghay kasi gusto nya makinig.

"Nakita kita may kasama kagabi na lalaki." Napatingin naman ako sakanya ng seryoso.

"Paano mo nakita?" Nagtatakang sabi ko.

"Malamang nakabukas ang mata ko" pamimilosopo nya sakin. Hindi na bago to lagi naman sya genan.

"Malamang" tipid kong sagot para ituloy nya yung kwento nya.

"Gago joke lang ang lahat, pero meron ka nang nakasama?" nagulat ako ng joke lang daw ang lahat ng sinabi nya ang dami nyang sinabi pero joke lang yun?tangina?

Dahil nag tanong na din naman sya kinewento ko yung nangyari kagabi. Hindi ko nalang binanggit yung pangalan kasi ayaw ko magka issue.

Feeling ko nga ang daming nakakita samin nung nakisabay ako sakanya. Ang dami kasing tao that time. Yung iba parang nag tatanong na bakit nya kasama tong babaeng to. Anong meron sa kanila?

Basta kaninang umaga ayun yung nakikita kong reaksyon ng mga babae sakanya. Hindi ko naman masabing hindi sya genong ka famous pag dating dito sa school, pero hindi naman genon na hindi siya kilala kasi marami paring babae na humahanga sakanya pero hindi ako kabilang dun di ko bet ugali nya.

"Kali bili mo nga ako ng tubig dun may ginagawa lang ako dito. Thank you" dahil ako lang naman ang walang ginagawa at mga busy tong mga to nautusan nalang tuloy ako.

Pagkatingin ko dun sa bilihan ng tubig masyadong maraming tao pero hindi naman genon kasiksik.

Pumunta ako nung pagkabigay sakin ng pera nya. Hindi pwedeng libre joke may ililibre pa ako mamayang hapon.

"Ate pabi-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla may bumungo sakin na mas mataas sakin na lalaki kaya napaipod ako sa tabi balak ko nga sumingit kayalang basa pa ng pawis yung nakabunggo sakin, mga nag laro siguro ng basketball.

Madaming bumibili ng inumin na naggagaling sa court. Eh mga basa ng pawis di ako makasiksik kaya na salikod ako. kaya hindi ako makabili, nde ako makasingit kasi ang tatanggkad nila dagdag mo pa pawisan pa sila. Nakaramdam naman ako na may tumabi sakin.

"Ano bibilhin mo?ako na bibili" sabi nung katabi ko tiningnan ko kung sino yun at nakita kong si Jake pala yun.

"Tubig lang naman" sabi ko sakanya at kinuha yung pera na hawak ko at binilhan ako ng tubig matangkad sya kaya napansin agad sya nung nag titinda. Ang unfair kasi nung mga sumingit, kawawa yung mga bata na pinasingit ko kanina sakin kasi nahihirapan sila bumili kaya ko sila pinauna ko.

Pagkakuha nya ng tubig bigla nya naman nya inabot sakin yun.

"May bayad yan ha, libre moko" biglang sabi nya sakin bago sya umalis. Mag tha-thank you sana ako pero naunahan nya ako mag salita.

Bumalik ako ng naiinis dun sa table namin ng bigla naman nag time. Kaya marami ng bumili kanina kasi mag tatime na pala

Papunta na kami lahat sa taas at sa kanya kanyang room.

"Oi ha nakita ko yung nangyari, ikaw Kali ha, di mo naman sinabi" nagtataka ako sa mga pinag sasabi ni Sara sakin bago sya pumunta sa classroom nila.

Nung nag dismissal na nag tanong ako kay Sara kung ano yung sinasabi nya nakita nya daw pala yung nangyari nung bumibili ako ng tubig kanina.

Wala na issue na sa tropa ko. Hindi na sila titigil. Nag paalam ako na aalis na ako at pupunta ako sa court. Lahat sila nangaasar sakin na kikitain ko daw si Jake. Tapos yung iba naman sabi sige have fun. Kahit talaga hindi ko sabihin sakanila yung pangalan nung nagkwekwento ako bigla nalang nila mamalaman ih.

Pumunta ako sa may court at iniintay yung kapatid ko. Bigla may umupo sa tabi ko at umipod ako.

"Hi Kalisa" sabi nung katabi ko napatingin naman ako sakanya.

"Hi Jake" pagbati ko ng pabalik. Ang awkward namin at bumalik nalang ako sa pag pho-phone.

Nanonood nalang ako sa isa kong fav na kpop boy group na funny moments nila.

Masyadong natagalan sila at hindi parin umaalis si Jake sa tabi ko.

"Uhmm una na ako" nahihiyang sabi ko Jake at tumayo na ako at nagkalakad papunta kay kuya.

Sinabayan ko yung kapatid ko sa pag lalakad at ginulo ni kuya yung buhok ko nung bigla nya ako nakita sa tabi nya. habang nilalagay nya sa kabilang balikat yung bag nya.

Napatingin naman ako sa inuupuan ko kanina at wala na din yung taong katabi ko kanina. Nasa loob na kami ng sasakyan ni kuya.

"Alam mo Kali ingiti mo na yan wag mo ng pigilan" bigla ko na realize yung ginagawa ko mula nag salita si kuya na iniistart yun sasakyan.

"Ako ngumingiti? When?" Inosente kong tanong ko sakanya. Ewan ko kung bakit pero good mood ako ngayong araw na to.

"Ngayon" sabi nya bago nag start na mag drive. Umiling nalang ako.

"Ahh nga pala wag muna tayo umuwi punta muna tayo sa cafe na pinuntahan natin" pag iinform ko sa kapatid ko.

"Bakit?lilibre moko?" Makapal nyang tanong sakin

"Hindi, bakit kita ililibre? May nagawa ka bang mabuti sakin?"

"Oo madami, kung wala ako hindi ka mag kaka unit ng condo ng sayo lng, kung wala ako hindi ka magiging masaya kitang happy pill moko ih. Pati kung wala ako wala kang poging kapatid" jusme bat gento kapatid ko kala ko matino isasagot nya. Sabagay bakit nga naman ako nag expect kitang hindi rin naman to matino kausap.

"Ang hangin naman dito pwede bang pabawas yung kapal ng mukha mo?" Asaran lang kami ng asaran sa loob sanggang makarating kami.

Pumunta na ako sa cashier para umorder. Nung nag order na ako pumunta na ako sa upuan namin.

Bigla din naman dumating yung order namin. Nagulat nga ako ng nakita ko si Jake yung nag serve samin nginitian ko nalang sya. Kakilala nya pala kapatid ko.

"Musta?" Tanong ni kuya kay Jake, napaka feeling close talaga ni kuya ay.

"Ok lang naman, ikaw?" Nagkausap sila ng konti at kumain na si kuya pati na din ako pagkatapos nila magusap.

"Kakilala mo yun?" Na curious ako bigla kaya ko natanong

"Ah kaibigan sya nung tropa ko and nakakasama ko sya sa team, kayalang nag iba sya ng team ngayon kaya magkaiba time namin sa basketball" tumango nalang ako para malaman nya na naintindihan ko yung sinasabi nya after nun umalis na kami at umuwi.

caféWhere stories live. Discover now