Chapter 6

11 1 0
                                    

Nakauwi na kami ni kuya na nanggaling naman sa cafe. pumunta naman agad ako sa kwarto ko para magpahinga.

Bigla nag ring phone ko at sinagot ko naman agad yun na habang inaantok.

"Ate... ate" tawag sakin nung kapatid kong si Ki

"Hmmm?" Tamad kong sagot sakanya

"Open cam ka daliii" excited nyang sabi. Inayos ko naman mukha ko at nag open cam.

"Hoi ang daya mo mag open cam ka din" utos ko din sakanya tapos sabi nya saglit lang daw may ginagawa lang daw sila.

"Ano yang ginagawa nyo? pinag open cam moko pero di mo naman pinapakita sakin yung ginagawa nyo" nagtatampong tono kong sabi sakanya.

"Ate saglit langg" naprapraning na sabi nya sakin. Napangiti naman ako kahit wala akong nakikita kasi nde nya parin binubuksan yun cam.

Nungbinuksan nya na yung cam pinakita niya sakin yung binake nila ni mommy na cookies at cake.

"Himala at tinulungan mo si mommy"

"Aba syempre ate masipag ako ih, Oo nga pala ate kaylan ka uuwi? Mag bibirthday na si lola sa saturday" pag papaalala nya sakin na mag bibirthday na si lola.

"Sa saturday na ba yun?" Tanong ko sakanya. Baka kasi nag loloko lang to kasi gusto nya na ako umuwi. Kaya kasi gusto nya ako lagi umuuwi kasi lagi ako may pasalubong sakanya kahit simple lang.

"Oo nga ate" naiinis nyang sagot kasi paulit ulit ako. Pasensya na nahihirapan ako mag tiwala dito sa batang to minsan.

"Siguraduhin mo lang, sige uuwi ako bukas diyan kasi friday nanaman, ano gusto mong pasalubong?" Tanong ko sakanya kasi baka may gusto sya.

"Donut nalang ate, kahit ano ok lang basta umuwi kayo ok na yun" ewan ko ba pero sa gentong paraan ang cute nya wala syang pakeelam kung anong ibigay sakanya. Sana sa pag laki niya kahit mag bago sya, wag lang sa paraan na makakatapak sya ng ibang tao or nasninira sya ng ibang tao at wag din yung sa paraang na magiging matigas ang ulo nya.

"Ate natahimik ka ata?magand ba? Ako nag design nung top si mommy lang yung sa icing atsa cake" pinapakita nya sakin yung design ng cake sa taas. Napapangiti lang ako kasi kahit di genon ka ayos ang cute parin.

"Oo bb ang cute nga ih" napapangiting reaksyon ko. Habang pinapakita nya parin sakin

"Ah ayan si mommy nag gawa nan wag na natin ipakita panget naman yun" pag aasar ni Ki kay mommy na nasa tabi nya lang. napatawa naman ako sa sinabi nya

"Aba ang ganda ganda nun ih. Pakita mo bili" natatawang sabi ni mommy

"Ayaw ko pangit nun ih" lakas talaga mag asar nitong batang to eh

"Mommy para sa birthday ba yan ni lola?" Tanong ko sakanya at nilipat naman ni Ki yung phone kay mommy

"Oo ate pupunta ka? Sa saturday?" Napaisip ako kasi baka may gagawin pa ako pero sabi ko kay Ki pupunta ako ih.

"Baka, nde ko pa sure pero try ko" hindi ko sigurado na sagot sakanya tumango naman sya.

Balak ko kasi isurprise sila kaya ko sinabi yun pero sa totoo lan wala naman akong gagawin bukas kasi ang alam ko club day bukas kasi mag aayos na ng requirements at half day lang.

naglinis muna ako bago pumunta naman agad ako sa kama para matulog agad naeexcite ako ih.

Pumunta ako sa club ko. Dance club kasi ako. ayun kasi hobby ko kahit di ako genon kagaling sumayaw. Tinatry ko lang kasi mukhang masaya.

Hindi naman genon kataas ang position ko para ipang laban sa ibang school kasi sobrang dami namin dito.

Naayos ko na ang mga kailangan kong ayusin dito kasi next week pwede ng hindi pumasok pag tapos na.

Pumunta ako sa basketball court para mag papaalam ako sa kapatid ko na pupunta lang ako sa sm para bumili ng regalo para kay lola.

Hinahanap ko si kuya dun sa may tabi ng court kasi baka nakaupo lang sya dun pero wala sya dun. Napatingin naman ako sa mismong court at nandun si kuya nag lalaro kasama team nila. May laro ata sila.

Pumunta nalang ako dun sa tabi para hintayin sya matapos. Nung natapos naman sya nakita nya din naman agad ako.

"Magpunas ka nga"naiinis kong saad sakanya, kinuha ko yung towel nya at pinunasan ko sya sa mukha, habang umiinom sya. Alam kong ayaw nya ng ginegenon sya pero sobrang pawis na sya.

"Bakit ka nga pala andito?" Tanong nya nung natapos syang uminom.

"Mag bibirthday daw si lola bukas, pinapauwi tayo, icecelebrate daw kasi" pag eexplain ko sakanya

"Oo nga edi ano ginagawa mo dito?"

"Mag papaalam ako na pupuntang sm baka may gusto kang ipabili?" Tanong ko sakanya kasabay nung binigay ko sakanya nung towel

"Ikaw na bahala bigyan nilag kita ng pera sa gcash. Di na kita masasamahan ha may laro kami labanan ng bawat section" napatango naman ako para sabihin na ok lang.

Naglakad ako palabas ng court at nakita ko dun si Gia

Si Gia katropa din namin sya pero ibang room nya kaya nde masyado nagkakasabay yung oras namin. Pati iba kinukuha nyang kurso. Ang pagkakatanda ko eh pang hapon pa pasok nila haggang gabi.

"Hi Gia" pagbati ko sakanya winawave ko naman kamay ko habang lumalapit ako sakanya.

"Hello,long time no see" sabi nya naman tapos hinug nya ako. Hinug ko din naman sya pabalik kasi matagal na din kaming hindi nagkasama.

"Nandun yung iba sa club nila may inaasyos pa sila" sabi ko sakanya at bumitaw na sa pagkakahug.

"Ahh sige sige, sino nga pala kasama mo ngayon?" Tanong nya sakin nung pagkatanggal nung hug

"Wala, actually aalis na nga ako kasi may pupuntahan pa ako" tumango tango naman sya.

"Eh ikaw sino kasama mo?" Biglang tanong ko sakanya.

"Ahh si Fia nag papaantay sya sakin dito" sabi nya habang nag tatype sa phone nya siguro chinahat nya si Fia.

Si Fia katropa din namin yun hindi ko nga lang din lagi nakikita kasi iba parin oras niya. Parehas sila ni gia na hapon to gabi.

"Eh sya una na ako may kaylangan pa akong bilhin mahirap pa naman maghanap ng jeep ng gentong oras" pagpapaalam ko sakanya at nag lakad na palabas ng school.

Buti nalang hindi ko pa nakikita si Jake ngayon. Buti nalang talaga kasi may sumpa na talaga yung cafe na yun pero gusto ko paring puntahan, maganda ih.

caféTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon