Chapter 4

8 1 0
                                    

Nahilo na talaga ako ng sobra hindi ko matandaan kung saan yung unit ko. As in walang pumapasok sa isip ko kung anong nangyayari.

Nagising ako sa isang kwarto na medyo madilim. nakababa kasi yung blinds nung sa bintana nung kwarto.

Pumunta ako ng cr at napapaisip kung tama ba yung pwesto nung kwarto ko.

"Nag ayos na ba ako ng kwarto ko?tama ba na dito yung cr ko?" Napapaisip na tanong ko sa sarili ko. Pumunta nalang ako sa cr at inisip na baka hilo lang to baka di nag bago yung pwesto nung kwarto ko.

Pagkapasok ko ng cr hinahanap ko toothbrush ko. Saglet di gento design ng cr ko ang plain nito bakit gento.

Binasa ko lang mukha ko at lumabas na agad sa cr at ng kwarto. Pagkalabas ko nagulat ako ng hindi ko pala kwarto yun kahit sa kapatid ko hindi ito kanya.

"Kanino tong unit? Ang linis" napatingin naman ako sa paligid bigla naman may tumunog sa likod ko kaya napatingin ako.

"Ay gago ka" nagulat ako ng bigla ko nakita yung mukha nya

"Ikaw?!? Bakit ka andito?" Malamang unit nya to kaya sya nandito. Nadala lang talaga ko sa gulat ko pasensya

"Kasi unit ko to. Kumakin ka na may pagkain na nakahanda" plain nyang sabi at pumunta sa sala nya para manood

Kaugali nya si kuya pero makulit si kuya. Ito? Itong kasama ko? Ang boring nya for me tapos di pa marunong mag sorry hystt...

Nagbabalak na ako lumabas at wag nang kumain, kakahiya. Wala pa naman akong matandaan kagabi.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya sakin bago ako makalabas ng pinto. Ramdam kong nakatingin sya sakin kahit nakatalikod ako.

"Ah- uhmm... uuwi na?" Di ako makapagsalita ng maayos kasi nahihiya ako feeling ko ang kalat ko pa kagabi.

"Kumain ka na muna sayang yung pagkain walang kakain nan" nung pagkasabi nya tumayo naman sya at lumapit sakin pero di sobra. Tinuro nya yung upuan ng table niya.

Umiiling nalang ako na ibig sabihin non na ayaw ko kumain.

"I-ikaw nalang kumain nun, para hindi ka na mag luto"nag smile nalan para di awkward. Mama gusto ko na umalis dito.

"Hindi ko na din yan makakain mamaya kasi hindi na genan pang dinner ko" simpleng sabi nya  habang nag lakad pabalik sa sala

"Pati wala ka na ding oras para kumain ng breakfast kung di ka pa kakain ngayon" dagdag nyang sabi habang nag cecellphone sya.

Napatingin naman ako sa phone ko na 6:30 na tapos may assembly pa kami ng 7:20-7:40. Kaya kung mag luluto pa ako sa bahay malalate talaga ako.

Pumunta na ako dun sa table at kumain habang kumakain ako tumayo naman sya at pumunta sa table na kung saan ako kumakain ngayon.

"Masarap?" Bigla sya nag tanong at yun din yung dahilan para maputol yung katahimikan ng paligid.

Tumango nalang ako, pero masarap naman talaga yung pagkain. natahimik ulit kaming dalawa.

"Btw kumain ka na?" Pinag isipian ko pa ng mabuti yan bago ko sabihin buti nalang hindi ako nabulol habang nag sasalita. Tumango naman sya.

"May kapatid ka?" Bigla nalang ako nagulat dun sa sinabi ko.

"Meron" tipid nyang sagot habang nag huhugas sya ng pinggan siguro ayun yung pinggan na ginamit nya kanina.

Sabi ko nga tatahimik nalang ako. Ng matapos ako kumain nasa kwarto siya. hindi ko alam kung paano ako mag papaalam na aalis nako. Kaylangan ko ng umalis 6:40 na 20mins nalang.

Naghanap ako ng papel na pwede pag sulatan buti nalang nakakita ako tapos lumabas na ako hinugasan ko din yung plato na kinainan ko bago umalis.

Tumakbo ako ng mabilis papunta sa unit ko. Pagkarating ko sa unit ko bigla ako nag madali mag ayos ng sarili ko.

Wala pa akong suklay sa jeep nalang ako mag susuklay. nandito ako ngayon sa may labas ng condo namin. nag aantay ako ng jeep na dadaanan yung school namin pero walang dumadaan.

Bigla may tumigil na sasakyan kala ko sa kapatid ko pero di genon yung sasakyan pati kulay, kay kuya puti ito kasi black.

"Sumabay ka na" sabi nung lalaking nasaharapan ko. Sya parin naman naman yung lalaking nakatapon sakin ng kanyang bingsu. No choice na ako kundi sumabay walang jeep na dumadaan.

Napatingin ako sa orasan ko na 7:15 na shit 5-10mins nalang.

"Thank you"pagpapasalamat ko sakanya pero after nun hindi na ako nag salita pa.

"Btw your name is kalisa right?" Nagulat naman ako ng tawagin nya pangalan ko. Tumango nalang ako.

"Paano mo naman nalaman?" Humarap ako sakanya para alam nyang nag aantay ako ng sagot.

"nagiwan ka ng sulat kanina sa unit ko and nabasa ko yun, Btw I'm jake" nagulat naman ako nung pinakilala nya sarili nya. Hindi ko naman kasi ineexpect na magpapakilala sya.

"Nice to meet you"weird kong pagkakasabi. Paano ba kasi makipag usap sa hindi mo kakilala?siguro ang daming kong tanong sakanya kanina kasi lutang pa ako pero ngayon nde ko kaya humarap sakanya at makipag usap sa kakahiyan na nagawa ko.

Natahimik lang kami habang nag dadrive sya. Based sa itsura nya mukha syang 2 years older sakin para syang ka age lang ni kuya.

Nakarating kami sa school 3 min nalang malalate na kami 7:25 kasi talaga yung malilista na as late.

Nagpasalamat nalang ulit ako at umalis na din agad kasi lalo ako malalate.

Nag nakapasok na ako sa room namin wala pa naman yung teacher. Ng nakaupo na ako sa table ko bigla naman lumapit sakin sinda kolten.

"Oi may balita kami sayo" mukhang seryosong sabi ni joseph

"Uh?anong balita sakin? Ano meron?" Ang dami kong tanong sakaniya. Kasi naman bigla bigla naman to.

"Ano daw" sinasadyang hindi ituloy yung sasabihin nya para mangasar ng todo. Ako naman si tanga na cucurious parin sa sasabihin nya kahit may side sakin na nakikipagasaran lang to pero nag aantay ako ng kadugsong malay mo lang naman ih.

"Ano daw na tanga ka" pang mamadiin nya nung bandang huling words. Sabi na nga ba eh, hindi naman masamang mangarap na magiging maayos tong kausap ko.

"Geh nalang sabi mo ay" naiinis kong sabi pero hindi ko pinahalata, tumatawa parin ako kahit papaano habang sinasabi ko. Bigla naman bumalik sa upuan nya kasi darating na daw yung teacher.

caféWhere stories live. Discover now