Chapter 12

6 1 0
                                    

Nung nakumpleto na kami kwentuhan lang, iinom, maghahanap yung mga kaibigan ko pag napagtripan nila. Maglolokohan,magtatawanan

"Tara gawin natin yung whisper game dun sa nevertheless, pero hindi ko sure kung tama yung rules basta ito lang yung alam ko" sabi ni Cadence

"Ihh daliian mo na ang bagal mo ay" pag rereklamo ni Anthony

"Saglet lang kasi lolo Anthony" pang aasar ni Cadence kay Anthony

"Sige sige tara" sabi ko naman habang na eexcite gustong gusto ko kasi laruin yun pero ako lang magisa sa bahay buti nalang nag yaya tong si Cadence

"Paano yun?nde namin alam kung pano yun" sabi naman nung iba naming kaibigan

"Eexplain nalang daw ni Cadence" sabi ko sabay turo sakanya

"Gento kasi yun, mag spin the bottle nalang tayo kung sino mauuna. basta, kung wari sakin tumutok yung bote edi ako yung mag tatanong kahit kanino pwede, tapos dun sa binulungan ko ng tanong ko sya dapat ang sasagot pero pangalan lang dapat tapos pag merong curious dun sa question dapat mag shoshot ng alak,gets ba?" Paninigurado nya kung naiintindihan ba

"Yup" sabi naman nila

"Daliaan nyo,eh eh" natatarantang sabi ni Anthony pero pabiro lang

"Edi start na natin yung game" sabi ko habang na eexcite

"Spin the bottle, spin the bottle" sigaw naming lahat habang ipinaiikot ni Cadence yung bottle napatingin naman ako dun sa katabi kong si Jake na kahit isa wala pang naiinom at nakikitawa lang at nakikipag sabayan lang sa trip

"Ikaw,ikaw unaa" sigaw namin lahat kay Liah

"Ano gagawin ko?"tanong ni Liah saming lahat

"Ayy hindi nakikinig, panget ka bonding" sigaw naman namin na may halong pang aasar

"Pasensya pasenya nakinig naman ako"sagot ni Liah

"Ah ah Ika'y lutang na, umuwi ka na kung inaantok ka na" pang aasar ni Nikolas

"Ika'y tanga"malutong na pag mumura ni Liah pero biruan lang

Nung inexplain ulit namin yung gagawin bumulong na din naman sya ang binulungan nya ay ako

"Si Isaac" biglang sabi ko nung pagkarinig ko dun sa tanong nya

"Anong ako?" Gulat na sabi ni Isaac nung narinig nya bigla pangalan nya

"Nako!!!" Sabay sabay na sigaw nilang lahat

"Hindi ba kayo tatahimik masyado na kayong maingay" nagulat nalang kami ng biglang may nag salita sa may harapan ng table namin kaya natahimik kami. Kala namin pinapagalitan na kami nung mga staff kasi maingay talaga kami tapos nung pakatingin namin si kuya lang pala

"Epal ka talaga" pang aasar kong sabi sakanya

"Ano bang ginagawa nyo?" Tanong ni Kuya samin sabay upo sa tabi ni Cadence

"Nag lalaro lang ng whisper game"sagot ko sakanya sabay bigay sakanya ng inumin

"Tagal nyo naman mag meeting? ilang oras na kami nag lalaro, inaantay ka namin"pang rereklamo ko sa kapatid ko

"Pasensya"sabay inom dun sa binigay ko

"Ayaw ko mag laro manonood lang ako sainyo" sabi ni kuya

"Wala namang nag tanong" sabi naman ni Joseph

"Sinasabi ko lang" sabi naman ni kuya

"Oh away away" sigaw naming lahat

"Ang tahimik mo ata Jake?"tanong ko dun sa katabi ko pero pabulong lanh

"Ah wala lang, sarap nyo lang kasi panoorin" nakangiting sabi nya habang nakatingin sa mga kaibigan ko, kaya side profile lanh yung nakikita ko

"Wag kang genan ako'y kinikilig"

"Sumali ka para lalong masaya"pagyayaya ko sakanya kasi ang tahimik nya

"Mamaya" sabi nya sakin tapos sumandal sya ng ayos dun sa sandalan ng upuan at sindundan ko yun ng tingin

Binigyan ko sya ng inumin para naman makainom sya.

"Mag dadrive ako" simpleng sabi nya sabay kuha ng juice sa tabi nung alak na habang pinag mamasdan ko lang sya

"Ok"tanging sabi ko at biglang iwas ng tigin nung nakaayos na sya ng upo, ok aaminin ko ang gwapo nya dun

Sinampal ko ng konti yung sarili ko para magising sa katotohanan na bawal

"Ok ka lang?bat mo sinampal sarili mo?" Nagaalalang tanong ni Jake

"Geh pabayaan mo yan, tanga lang yan" nangaasar na sabi ni Anthony kay Jake na simaan ko lang sya ng tingin pati kay Jake sinaaman ko rin sya ng tingin kasi natatawa sya dun sa sinabi ni Anthony

"Ah sorry sorry" natatawang sabi ni Anthony sabay inom

Maya maya lang mga nagsisilasingan na, kanina kasi habang nag kwekwentuhan kami nde kami masyado pang umiinom si Cedric lang ang umiinom habang nag kwekwento sya kasi matindi ang kanyang pinag dadaanan

Si Ryan at si Riah naman nasa isang tabi lang kanina pero nakikisali sila samin syempre magkatabi ang lovebirds paano naman kaming mga single?hyystt. Si River din kasma nya din yung jowa nya.

"Tapusin na natin tong game" sabi ko sakanila nahihilo na din kasi ako

Yung iba naming kaibigan nandun na sa dance floor sa labas nung pagkasabi naming tapusin na yung game, yung iba naman tulog na, ah kung di ko nga pala nababanggit private naman yung kinuha naming room kaya safe naman at kami kami lang nandito. pinag ipunan kasi namin to. Ngayon na din namin cinelebrate kasi sa grade 12 mahirap nang gumala ng gumala kapag graduating.

Ako naman ang ginawa ko lang umupo lang ako ng ayos at sumandal kasi nahihilo na ako, konti lang kasi ininom ko kasi delikado nga

Bigla naman akong tinapik ni Jake kaya napalingon ako sakanya, malapit na pala mukha nya sakin kaya nagulat ako, mejo namula ata ako. nagiinit pisngi ko ih, napaiwas nalang ako ng tingin sakanya.

"Hmm"nahihilong saad ko sakanya

"Labas lang ako" sabi niya sabay tapik sa braso ko nung pagkatayo nya.

Nakita ko lang hawak nya yung phone nya tapos may tinawagan sya tapos lumabas na. ako kasi nakapikit na at nakatulog na.

Nagising nalang ako na nasa aking kwarto ako. Nagising ako na mejo nahihilo parin. Pagkalabas ko nakita ko naman si Jake dun na nag luluto.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya na habang kinakamot pa yung mata ko kasi kakagising ko lang

"Sabi ng kapatid mo dito daw muna ako matulog kasi hindi ka nya daw mababantayan, at kaylangan nya na din magpahinga" bakit sakanya pa? Nakakahiya na masyado si kuya. Pero ang gwapo ni Jake habang nag luluto.

Umupo ako sa may countertop at pinapanood ko lang syang magluto.

"Mukhang masarap ata yan" habang tinatanaw ko yung pagkain na niluluto nya kasi tinatamad akong tumayo. Alam kong hindi ko kita yung niluluto nya pero amoy ko.

caféWhere stories live. Discover now