Chapter 4

9K 223 60
                                    

"Baliw ka talaga."

Natawa ako nang bahagya bago kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. Hindi ko alam kung ano!ng mayroon kay Luke pero ang gaan ng loob ko kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko ay safe ako, pakiramdam ko ay may kaibigan ako.

Noong unang kita pa lang namin ay nakapagsabi na kaagad ako ng problema ko kahit hindi ko pa siya kilala. Mayroon lang talagang something sa kaniya na hindi ko maipaliwanag kaya komportable ako kapag kasama ko siya.

"Aba, gwapo best friend mo, ayaw mo pa?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Oh," Pinunasan niya 'yung luha ko gamit 'yung hawak niya na panyo.

"Thank you." Kinuha ko 'yung panyo sa kaniya at ako na ang nagpunas ng luha ko.

"Halika na, ice cream tayo." Hinila niya 'yung kamay ko papasok sa mall.

"Wala bang naghihintay sa 'yo? Pasensiya na talaga sa abala, ah. Ikaw kasi, eh. Tumawag ka. Sa 'yo tuloy ako nagsabi." Natawa ako nang bahagya habang naglalakad kami rito sa mall.

"Aba, mabuti pala tumawag ako." Humarap siya sa akin at inayos 'yung buhok ko. "Tignan mo, mukha ka ng bruha. Paano ka maliligawan niyan." pagbibiro niya.

"Bwisit na 'to," Hinampas ko 'yung braso niya kaya natawa siya. "Nanlait pa!"

"Ano 'yan?" Hinawakan niya 'yung labi ko pero napalayo kaagad ako dahil sa sakit. "Ay, sorry." Nilayo niya 'yung kamay niya. Hindi ako nagsalita kaya hindi na siya nagtanong. "Dito!" Hinila niya ako papunta sa Dairy Queen.

"Elly," Umupo siya sa tapat ko at tinatago pa sa likod niya 'yung ice cream. "Magic!" Binaligtad niya 'yung dalawang ice cream. "Hindi tumatapon, 'no? Galing 'no?" parang proud na proud siya habang inaabot sa akin 'yung isa.

"Ano akala mo sa akin pinanganak kahapon? Alam ko rin 'yan." Natawa ako bago kumain ng ice cream.

"Ay ganoon? Sayang, akala ko pa naman mamamangha ka." napailing-iling pa siya.

"Luke, bakit wala kang girlfriend?" biglang tanong ko sa kaniya. Gwapo naman siya, matangkad, basketball player, mabait at mapapatawa ka pa. Bakit kaya wala siyang girlfriend?

"Sino may sabing wala?" ngumisi siya.

"Huy, mayroon? Bakit hindi mo kinukwento." bulong ko.

"Mayroon, ikaw. Babaeng kaibigan. Iyong iba ko pang babae na kaibigan." sagot niya kaya napairap ako.

"Ibig kong sabihin, iyong girlfriend. Jowa ganoon." sagot ko bago kumain ulit ng ice cream.

"Siguro dahil inaayos ko muna 'yung sarili ko." seryosong sagot niya.

"Sira ka ba?" natawa ako.

Inambaan niya akong kukutusan sa noo bago sumagot. "Ikaw talaga." Umilag ako habang natatawa pero hindi naman niya tinuloy 'yung amba niya.

"Ano nga?"

"Grabe, alaman na ba ng buhay?" He chuckled.

"Mayroon bang best friend na walang alam tungkol sa best friend niya?"

"Okay," Umayos siya ng upo at pinatong 'yung dalawang siko niya sa lamesa. "Magkukwento ako pero magkwento ka rin." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Deal." sagot ko.

Panahon na siguro para may mapagsabihan ako ng mga hinanakit ko sa mundo. Hindi ko alam kung magkakamali na naman ako kapag nagtiwala ako kay Luke pero willing akong mag-take ng risk. Mabait naman siyang kaibigan kaya gusto kong suklian 'yon.

"Huwag kang maawa sa akin, ah." he chuckled. "Basta, walang magbabago? Promise?" tinaas pa niya 'yung pinky finger niya.

"Promise." Pinagtiklop ko 'yung pinky finger namin.

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now