EPILOGUE

14.7K 333 151
                                    

"Are you sure? Pwede pang umatras."

Umiling ako sa sinabi ni Steve. Nandito na kami ngayon sa labas ng airport dahil ngayong araw ang flight ko papuntang Spain. Ilang araw akong hindi nakakain at hindi nakatulog simula nang umalis si Elly. Ayaw ko siyang mawala pero wala naman akong choice dahil nagdesisyon na siya.

"Sure na ako." I gave Steve a small smile.

Steve tapped my shoulder. "Mag-iingat ka roon."

I nodded. "Sige, I have to go." I said before pulling my luggage with me. I was waiting for Elly since earlier... pero wala, hindi siya dumating.

Pumasok ako sa loob ng airport at iniwan na roon si Steve. Panibagong buhay na naman ang haharapin ko sa Spain. Sigurado akong mahihirapan ako dahil wala na si Elly sa tabi ko.

Pagkapasok ko sa loob, hindi kaagad ako makalakad dahil parang ayaw kong umalis. My feet are betraying me. Parang mas gusto na lang niyang pumunta kay Elly at magmakaawa na balikan na lang niya ako.

I was about to walk away when I decided to look outside first. My heart ache in pain and happiness at the same time when I saw the girl that I love the most. She's talking to Steve and Calynn.

I longed for another touch by her, gusto ko siyang lapitan. Gustong-gusto kong lumabas para yakapin siya.

But I chose not to. Alam ko sa sarili ko na kapag lumabas ako, mahihirapan na akong umalis. Magmamakaawa lang ako sa kaniya na bumalik siya sa akin... kahit alam ko naman na nandito lang siya para magpaalam.

I shook my head and immediately wiped the tears that fell in my eyes. Hinawakan ko na ang maleta ko.

It's better this way.

-

"Wow," I whispered to myself when I saw the results of Elly's exam. "Top 1 'yung mahal ko," I smiled while looking at her name. Naka-upo ako rito sa office table ko sa kwarto at nakapatong ang laptop ko sa table. Kanina ko pa inaabangan ang result.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Naghanap ako ng mga videos niya dahil ito lang naman ang ginagawa ko kapag miss na miss ko na siya.

I clicked her video, the one I took when we were in the car, noong Inter-University namin. Ito 'yung time na vinideo ko siya dahil gusto kong naririnig ang I love you niya. Sobrang bihira niya kasing sabihin sa 'kin 'yon noon.

"I love you, Taylor Ellery, love mo ba ako?" I said in the video. Nakatapat ang camera kay Elly na mukhang nahihiya.

"Tanggalin mo nga 'yan, Luke." She laughed. I swear, her laughs are music to my ears.

"One lang, bal."

She looked at the camera. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. "I love you, Luke Greyson Valdez. Mahal na mahal kita... sobra." Binitawan niya ako kamay ko. "Okay na ba?" tanong niya bago hawiin ang camera and then the video ended.

Napangiti ako at nagpunas ng luha nang mapanood ko 'yon. Hindi naman ako iyakin dati pero pagdating kay Elly... wala, eh. Siya talaga ang kahinaan ko.

"I'm so proud of you, mahal," I whispered, looking at our picture in the picture frame. Iyong bago kami mag-zipline, 'yung unang beses kaming nag-Baguio dahil gusto ko siyang ilayo sa pamilya niya noong sinasaktan siya. Nakalagay 'yung frame na 'yon sa office table ko rito sa kwarto.

"Proud na proud ako sa 'yo," I whispered, feeling happiness and sadness at the same time.

-

"Congratulations, Architect Valdez!" Mom hugged me. It's so weird that she's good to me now. After kong makulong, nagbago na siya. Parang bumabawi siya sa 'kin.

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now