Chapter 34

7.9K 160 63
                                    

"Huy, may umiiyak."

Napatingin ako sa tinuturo ni John, kaklase ko at teammate ko sa basketball 'tong si John. Mas madalas kaming magkasama pero si Steve talaga 'yung nakasundo ko kaya si Steve 'yung naging best friend ko.

"Gago, oo nga!" Tinapik ko si John nang makita ko 'yung babae sa dulo ng bench sa building namin na umiiyak. Hindi ko naman siya nakikita rito sa department namin, eh.

"Maganda." bulong ni John.

"Gago! Umiiyak na, ganda pa rin 'yung napansin mo. Sandali nga." Iniwan ko roon si John at nilapitan ko 'yung babae, kinuha ko 'yung panyo ko para maiabot sa kaniya.

"Miss," Inabot ko 'yung panyo nang nasa harapan na niya ako. "Okay lang ba?" Tinuro ko 'yung upuan sa tabi niya. Tumango siya kaya tumabi ako pero hindi siya nagsasalita, iyak lang siya nang iyak.

"Gusto ko lang naman maramdaman na mahalin, pero bakit parang ang hirap? Hindi ba ako karapat-dapat na mahalin?"

Parang naawa ako sa kaniya, nakikita ko 'yung sarili ko sa kaniya noon. Kung gaano ako nagmakaawa kay Celine na huwag niya akong hiwalayan, okay lang naman sa akin kahit na sa ibang bansa siya mag-aral pero ayaw niya.

Kulang siya sa pagmamahal sa sarili niya, kailangan niyang matutunan mahalin 'yung sarili niya para hindi siya masaktan nang ganito.

"May nakita akong babae, basta... gusto ko siyang makilala, gusto ko siyang i-comfort." pagkukwento ko kay Steve habang nandito kami sa sa isang resto-bar.

"What's her name?" Steve asked before sipping his beer.

"Ewan, hindi ko natanong." Napakamot ako sa ulo ko habang umiinom.

"Stupid," pagkokomento ni Steve.

"Arte nito," I told Steve. I am holding a damn yellow bouquet and a box.

"Support, bro!" Tinapik niya 'yung likod ko at bahagyang natawa.

Nagulat ako nang dumating 'yung babae na inabutan ko noon ng panyo. Parang pumakat sa kaniya 'yung mata ko.

"Siya 'yung sinasabi ko sa 'yo!" bulong ko kay Steve habang nakatingin kay Elly.

Hindi ko rin alam kung bakit parang pumapabor sa akin ang mundo dahil bigla akong inaya ni Calynn na sumama sa kanila.

"Sumama ka na. Wag kang pabebe, gago!" bulong din ni Steve.

"Nagawa mo na ba?" tanong ko nang kaming dalawa na lang 'yung nasa kotse.

"Ang alin?"

"Mahalin 'yung sarili mo."

"Umh, oo. Pinipilit."

Ayokong manligaw sa kaniya, gusto ko muna siyang makilala. I want to know her more, I want to know her pain and struggles so I offered to be her friend instead. Iyon 'yung mas kailangan niya sa ngayon.

"Bro, number naman ni Elly." pangungulit ko kay Steve habang naglalakad kami ngayon dito sa mall.

"Tatanong ko kay Calynn." sagot niya habang tumitingin ng bagong sapatos.

"Thank you." Tinapik ko siya sa braso. Napalakas pa kaya tinignan niya ako nang masama.

"Oh," Inabot sa akin ni Steve 'yung isang note habang nandito kami sa gym. Napangiti ako nang makita kong number 'to ni Elly. May nakalagay pang note, si Calynn talaga.

'Don't hurt Elly in any way. I swear, I can commit murder, Luke.'

"Girlfriend mo, jusko!" Napailing ako habang nakatingin kay Steve.

"Well, at least, alam mo na." He shrugged.

"Wala akong balak saktan 'yon." sagot ko kay Steve.

Nilagay ko na sa bulsa ko 'yung note pero hindi ko malaman kung bakit hindi ko makita pagdating ko rito sa condo.

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now