Chapter 22

6.9K 181 33
                                    

"Mahal..."

Boses kaagad ni Luke ang narinig ko pagbukas ko ng mga mata ko. Napangiti ako nang makita ko siya pagdilat ko. Nakaupo siya sa upuan sa tabi ko at nakahiga ako sa kama. Hinahaplos-haplos niya 'yung noo ko habang nakatitig sa 'kin. Hindi ko na maalala ang nangyari, basta ang alam ko na lang ay hilong-hilo ako at nawalan ako ng malay.

"Hi, mahal." pagtawag ko rin sa kaniya, nakangiti pa rin ako.

Hinalikan niya 'yung noo ko. "Magpahinga ka muna."

Napatingin ako sa paligid. "Bal, nasaan ako? Ano'ng nangyari? Bakit?" Nasa isang private room ako ng isang ospital at naka-labgown na ako.

"Bakit ka biglang hinimatay? Anong ba'ng ginagawa mo, hmm?" malambing na tanong ni Luke habang hinahaplos ang noo ko.

"Sino nagdala sa 'kin dito? Ikaw ba? Paano mo ako nakita?" dire-diretsong tanong ko.

"May isang babaeng nakakita sa 'yo. Tumawag ka sa 'kin pero hindi ko nasagot kaya tinawagan kita pero siya 'yung sumagot at sinabi niya 'yung nangyari sa 'yo. Elly, ano ba? Ano ba'ng ginagawa mo? hinawakan niya 'yung labi ko. "Ano 'to? Bakit ka may pasa?"

"Sorry nag-alala ka pa." Umupo ako sa kama. "Tara na, wala akong pangbayad dito."

"Sshh," Tumayo si Luke at pilit ako pinapahiga. "Huwag mong isipin 'yon, ako na ang bahala."

"Huh? Hindi. Magagalit 'yung Ate mo kapag⎯" Napahinto ako nang marealize ko ang sinasabi ko.

Umupo si Luke sa upuan. "Anong magagalit si Ate?"

Nag-iwas ako ng tingin at humiga na lang ulit dahil medyo nahihilo pa ako. "Wala."

Umigting 'yung panga ni Luke. "Kinausap ka ni Ate?"

I held his cheek. "Hindi,"

"Elly," seryosong pagtawag niya.

"Uwi na 'ko,"

Uupo na sana ako pero biglang dumating sina Addie. Kumpleto silang apat kaya nagtaka ako. Nakakahiya naman na naabala ko pa sila, okay lang naman ako, eh.

Nakahiga lang ako sa kama habang nakatingin sa kanila. "Huy, ano'ng ginagawa niyo rito?"

Lumapit sa 'kin si Addie at hinaplos 'yung noo ko. "Pwede na akong magprito riyan, Elly. Napakainit mo! Ano ba'ng pinag-gagagawa mo sa buhay mo?!" galit na tanong ni Addie at saka tinuro 'yung labi ko. "Ano 'yang pasa sa labi mo? At iyang braso mo, ano 'yan?"

"Okay lang ako," nanghihinang sagot ko.

"Tangina naman!" sigaw ni Addie na ikinagulat naming lahat. "Ano bang okay? Nakaratay ka sa hospital bed na 'yan at napakataas ng lagnat mo, puro ka pasa, pati 'yung kamay mo puro sugat tapos sasabihin mo, okay ka lang?!"

Tumayo si Luke sa upuan at pumunta sa isang gilid para makalapit sila sa 'kin. Umupo sa tabi ko si Addie habang nakatayo sa likod niya 'yung tatlo.

"Pasensya na naabala pa kayo, anong oras na ba?" tanong ko.

"Ano bang abala, Elly?" tanong ni Lian. "Hanggang kailan mo ba iisiping abala ka sa ibang tao? Kaibigan mo kami baka nakakalimutan mo."

I bowed a bit. "Sorry,"

"Elly, for once, think about yourself. It's okay not be okay." dagdag ni Calynn.

Hinawakan ni Nat 'yung kamay ko. "You know, we're here."

Tumingin ako kay Luke. "Luke, pwede na ba akong lumabas?"

Hindi sumagot si Luke at may pumasok lang na Doctor. "Sino po ang pwedeng kausapin?" tanong ng Doctor.

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now