Chapter 23

7.5K 195 15
                                    

"Ako ang maghuhugas, maglalaba, magluluto, okay?"

Pumasok na kami ni Luke sa condo. Dala niya sa isang kamay niya 'yung dalawang bag ko at hawak naman niya sa kabila 'yung pagkain namin. Pagdating namin sa salas ay nilapag ko na 'yung dalawang ecobag ko sa lapag. Tinanggal ko na rin muna 'yung bag ko at nilapag sa couch, tinabi ko na rin sa bag 'yung teddy bear.

"Kaya nga kita gusto rito para hindi mo na gawin 'yung mga 'yon," reklamo ni Luke sa sinabi ko habang inaayos 'yung pagkain namin sa dining table.

Lumapit ako sa kaniya. "Basta ako ang gagawa noon, kahit iyon man lang 'yung mai-ambag ko. Hindi ko pa kasi kayang magdagdag sa bayad at sa kuryente⎯"

Niyakap ako ni Luke kaya hindi ko na natapos 'yung sinasabi ko. "Wala kang dapat ipag-alala. Hindi mo kailangang gawin 'yung mga 'yon dahil lang iniisip mo na wala kang ambag. Sapat na sa 'kin na sa 'yo ako uuwi araw-araw."

I broke the hug and tiptoed to give him a soft kiss. "Basta aalagaan kita, iyon siguro pwede na?" Nilagay ko 'yung kamay ko sa baywang niya. "Okay lang po ba 'yon, Mr. Valdez?"

Luke chuckled and caressed my cheeks. "Iyon, papayag naman ako roon."

Umorder ng kanin at chicken si Luke, may spaghetti pa dahil kailangan ko raw bumawi ng lakas. Sinusubuan pa niya ako paminsan-minsan kaya natatawa ako.

"Ako na," Tumayo ako para ayusin 'yung pinagkainan namin.

Hinawakan ni Luke 'yung dalawang braso ko at masuyo akong tinutulak papunta sa couch. Inupo niya ako sa couch. "Ayan, diyan ka lang."

Wala na akong nagawa at napailing na lang. Pinapanood ko lang siyang linisin 'yung pinagkainan namin. Wala naman na siyang huhugasan dahil sa box lang kami kumain. Pagkatapos niyang magligpit ay lumapit na siya sa 'kin at tumabi sa couch.

Umakbay sa 'kin si Luke. "Pahinga ka muna o ayusin na natin 'yung mga gamit mo?"

Sumandal ako sa kaniya. "Pahinga muna, bukas na lang."

"Okay," Tumayo siya kaya napaalis ako sa pagkakasandal. Nagulat ako nang kargahin niya ako in a bridal way. Napakapit na lang ako sa leeg niya. Dinala niya ako sa CR at inupo sa countertop ng lababo.

"Huy, kaya ko naman," Pilit kong kinukuha sa kaniya 'yung toothbrush.

"Kakagaling mo lang sa ospital kaya ako na. Ngi!" Ngumiti siya para gayahin ko at ma-toothbrush-an niya ako. Nasa harap ko lang siya at nakatayo.

"Oker na," sabi ko dahil lumalamig na 'yung bibig ko sa tagal ng pag-t'toothbrush niya sa akin.

Natawa siya at bahagya akong binuhat pababa sa countertop. Nagmumog na ako at naghilamos na rin pagkatapos ay inupo niya ako ulit sa countertop, hintayin ko raw siya dahil mag-t'toothbrush lang siya.

"Ang clingy naman," Bahagya akong natawa dahil nasa harap ko siya at nakayakap pa 'yung kaliwang kamay niya sa baywang ko habang nagt'toothbrush 'yung kanan na kamay niya. Nakaupo lang ako sa countertop at nakatayo siya sa harapan ko.

Hindi niya ako pinansin at nagmumog na, naghilamos na rin siya pagkatapos ay nagpunas ng mukha. Halos mapasigaw ako nang buhatin na naman niya ako. Natawa na lang ako at napayakap ulit sa leeg niya. Dinala niya ako sa kwarto at hiniga sa kama.

Umupo siya sa kama sa tabi ko. "Bihis ka muna." Inabutan niya ako ng pajama niya.

Umupo ako mula sa kama. "May damit na ako." I chuckled.

Tumayo siya at pumunta na sa cabinet niya. "Mas gusto kong damit ko 'yung suot mo." sabi niya habang nagpapalit ng damit. Napaiwas ako ng tingin at tumayo para magbihis na. Sa kwarto na lang din ako nagbihis kahit nandoon si Luke, tumalikod na lang ako sa kaniya. Pagkatapos kong magbihis ay humiga na ako sa kama, nakahiga na pala siya.

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now