Chapter 16

7.2K 171 53
                                    

"Si Eugo..."

Iyon pa lang 'yung nasasabi ko ay umiyak na ako ulit. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Luke at nagpunas ako ng luha ko. Napatingin ako kina Calynn at Steve na kasama pala ni Luke. Mabilis akong niyakap ni Calynn habang umiiyak at hinaplos-haplos 'yung likod ko. Bumitaw rin siya kaagad sa 'kin kaya bumalik 'yung tingin ko kay Luke.

"I'm sorry, Elly. Sorry sa lahat." malambing na sabi ni Luke.

"Bakit kasama sila?" Tinuro ko sina Calynn.

Niyakap ako ni Luke gamit 'yung kaliwang braso niya. "Sila kasi 'yung may alam nito." sagot niya habang hinahaplos-haplos 'yung buhok ko.

"Dito rin kasi ako..." Bigla na lang humikbi si Calynn. "Dito rin ako dinala ni Eugo." Tinakpan niya 'yung bibig niya, mabilis siyang inakbayan ni Steve at hinaplos-haplos 'yung braso. Alam kong may trauma si Calynn pero pinuntahan niya pa rin ako.

"Thank you," halos pabulong na sabi ko kay Calynn.

Napatingin kami nang marinig namin 'yung yapak ng tumatakbo. Nakita namin si Eugo na tumatakbo papunta sa 'min, nagmamadali akong magtago sa likod ni Luke, ganoon din si Calynn kay Steve. Parang hindi na tao si Eugo, para na siyang hayop na kinakatakutan namin.

Napaatras si Eugo nang makita sina Steve at Luke, tumakbo siya pabalik sa kotse niya at nagmamadaling umalis.

Humarap sa 'kin si Luke. "I'm sorry, Elly." Niyakap niya ako nang sobrang higpit. "Sorry. Sorry. Sobrang sorry."

Humarap ako sa kaniya. "Alam ko na 'yung sinabi sa 'yo ni Eugo." Napahikbi ako.

"Sshh, wala na 'yon. Tanggap kita kahit ano'ng mangyari, Elly. Nagulat lang talaga ko."

"Bro, pasok na muna kami sa sasakyan." pagpapaalam ni Steve at tinapik 'yung braso ni Luke. Tumango sa kaniya si Luke kaya umalis na sila ni Calynn, nakaakbay siya kay Calynn na ngayon ay naluluha pa rin.

Bumalik 'yung tingin ko kay Luke. "Hindi totoo 'yung sinabi ni Eugo. Oo, may nangyari sa 'min pero isang beses lang 'yon, iyong sinabi niyang pinagpasa-pasahan." Napatakip ako ng bibig at sumandal sa dibdib ni Luke. "Hindi totoo 'yon, hindi ko gagawin 'yon, hinding hindi." I sobbed.

"Tangina!" sigaw niya. "Bakit ba ako naniwala kay Eugo?" hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili niya habang hinahaplos 'yung likod ko.

Humarap ako sa kaniya. "Sorry, Luke. I'm so sorry."

He cupped my face and wiped my tears. "Ako 'yung dapat mag-sorry. Sorry, Elly."

Tumango-tango na lang ako habang umiiyak. Inakbayan ako ni Luke at masuyong inakay papunta sa kotse niya. Para akong baso na mababasag sa paraan ng paghawak niya sa 'kin. His touch was telling me that he will take care of me, that he will never break me. Binuksan niya 'yung pinto ng kotse kaya pumasok na ako roon. Pumasok na rin siya sa kabila. Binusinahan niya si Steve, bumusina rin si Steve bago umalis.

"Gusto mo munang magpahinga sa condo ko?" tanong ni Luke. Ngumiti ako at tumango sa kaniya. Sumandal ako sa sandalan at ipinikit ang mga mata.

Hindi ko inakalang kaya kong lumaban kay Eugo, hindi ko alam na kaya ko... pero nagawa ko. Nagawa ko para sa sarili ko.

"Bal..."

Napadilat 'yung mata ko nang bahagya akong tapikin ni Luke, nandito na pala kami sa parking ng condo niya. Umayos ako ng upo at dumilat-dilat para magising ako. Lumabas ako ng kotse at ganoon din si Luke. Nakangiti siyang lumapit sa 'kin habang may hawak na paper bag ng Burger King.

"Tara na," Inakbyan niya ako. Tahimik lang ako habang paakyat kami sa condo niya. Nang makapasok kami ay umupo ako kaagad sa couch. Naiwan ko 'yung bag ko sa kotse ni Eugo pero wala na akong pakialam, gagawa na lang ako ng bagong notes at bibili na lang ako ng bagong libro.

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now