Chapter 14

7.4K 156 23
                                    

"Happy birthday, Elly!"

Halos mapatalon ako pagkalabas ko ng room dahil nandito pala 'yung tatlo kong kaibigan, mga nagtatago. Napangiti kaagad ako nang makita sila. May hawak pa silang balloons lahat at cake naman si Nat. Magpapasalamat na sana ako pero lumabas na si Luke sa gilid na may dalang bouquet of roses.

"Happy birthday, bal." bati ni Luke bago bumeso sa akin.

"Huy, thank you," nahihiyang sabi ko sa kanilang lahat. Kinuha ko na 'yung bouquet kay Luke at inabot naman sa akin ni Nat 'yung cake.

Natawa si Luke. "Ako na rito," Kinuha niya 'yung cake sa akin dahil hirap na hirap na ako.

Hindi na rin kami lumabas dahil medyo late na. Binigay lang talaga nila 'yung cake sa akin. Ang sabi ni Luke ay may ipapakita siya sa akin kaya kami na lang 'yung nag-celebrate. Halos magdidilim na rin at nandito kami ngayon sa tapat ng isang malaking bakanteng lote. Kumunot 'yung noo ko at lumabas ng kotse nang lumabas si Luke.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" tanong ko kay Luke nang makalapit siya sa akin. Medyo mataas 'to kaya makikita rin 'yung ibang mga bahay sa bandang baba.

Hindi siya nagsalita at may kinuha lang sa backseat ng kotse. Sumilip ako sa kung ano 'yung kinukuha niya, may nilabas siyang isang picture frame sa bag niya at lumapit sa akin.

"Ano 'yan?" Tinuro ko 'yung frame na nakatalikod.

Hinarap niya 'yon sa akin pero hindi siya nagsalita.

"Ano 'yan?" tanong ko ulit nang ipakita niya sa akin 'yung drawing ng isang bahay. Maganda 'yung bahay, dalawa lang 'yung floor pero malaki.

"Magiging bahay natin," Umakbay siya. "Bibilhin natin 'yan, bal." Tumingin siya sa bakanteng lote.

"Huh?" parang tangang tanong ko. Seryoso ba siya? Ako na talaga ang iniisip niya sa pagbili ng bahay? Alam kong matagal pa 'yon pero hindi ko lang mapigilan maging masaya.

Tumingin siya sa 'kin. "Ayaw mo ba? Maganda naman 'yung view, ah."

Bahagya kong pinalo 'yung braso niya. "Bakit ka ba ganiyan?!" Nagtakip ako ng mukha dahil kinikilig ako.

"Bakit?" He chuckled.

Mabilis ko siyang niyakap at siniksik ko 'yung mukha ko sa dibdib niya. Napayakap na lang siya sa likuran ko. "Bakit mo 'ko pinapaasa?"

"Pinapaasa saan?" tanong niya.

"Na tayo na hanggang dulo," bulong ko.

Hinawakan niya 'yung pisngi ko at hinarap niya ako sa kaniya. "Hindi kita pinapaasa, tayo na talaga hanggang dulo." He smiled.

"Sure ba 'yan?" Nagpunas ako ng luha ko.

"Sure," He smiled before planting a soft kiss on my lips. Inabot niya sa akin 'yung frame. "Happy birthday."

"Asar," Padabog kong kinuha 'yung frame. "Thank you." Ngumiti ako at nagpunas ulit ng luha.

"May pirma at date 'yan sa baba. First client ka na." He chuckled.

Niyakap ko pa siya nang minsan. "Thank you talaga," bulong ko.

"Anything for you," he whispered back. Hinarap na niya ako sa kaniya. "Tara, kain na tayo. Mag-gagabi na rin."

Tumango-tango na lang ako. Hinalikan pa niya 'yung noo ko bago ako pagbuksan ng pinto. Hinintay ko lang siyang makapasok sa kabila. Yakap-yakap ko lang 'yung frame buong byahe.

"Hindi mawawala 'yan," He chuckled while driving.

"Bakit ba?" Napairap ako. "Mas gusto ko kaya 'yung ganitong gift." Nilayo ko nang bahagya 'yung frame at tinitigan.

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now