Chapter 43

8.5K 185 23
                                    

"BFF mo nga, eh."

Narinig ko si Jean na inaasar pa si Mylene. Ganito ba sila kapag wala ako? Kapag hindi ko sila naririnig? Sarkastiko akong natawa sa isip ko. Hindi mo nga naman alam kung kanino ka magtitiwala dahil marami talagang insecure sa mundo.

"Yuck?" sabi ni Mylene. "Nilalapitan ko lang 'yon para mapilit na huwag na ituloy ang kontrata niya. Sawang-sawa na nga ako sa mga drama niya sa ex niya tapos makikita mo naman na magkasama."

Hindi naman ako nagkukwento sa kaniya, ah? Kapag may tinatanong siya, sinasagot ko lang. Hindi ko ugali ang magkwento dahil nahihirapan nga ako sa bagay na 'yon.

"Ang gwapo nga ng ex, eh. Kanina ko lang nakita." sabi naman ni Rysa. "Akalain mo, nabingwit ni Elly 'yon? Ginayuma niya kaya 'yon?" Ang sumunod na narinig ko ay nagtatawanan na sila.

"Tapos gusto pa niyang makuha ang head ng Engineering at Architecture Department? Bakit ba sila nagkakagusto sa Elly na 'yon? Ang cheap kaya noon." Mylene laughed after she said that.

Wala na akong pakialam dahil lumabas na akong cubicle kahit nandoon pa sila. Nanlaki ang mata nilang tatlo pero dire-diretso lang akong lumakad palabas na parang hindi sila nakita.

Ayaw ko sanang sayangin ang lakas ko sa kanila pero pagpasok ko ng office ko, hindi ko na napigilan. Tuloy-tuloy na ang naging pag-iyak ko. My heart ache thinking about how Mylene betrayed me. Ang akala ko... kaibigan ko siya. May mga pagkakataon pa na pinipili kong sa kanila sumama kaysa kina Calynn dahil sila na ang bagong nakakasama ko.

Pero mali pala ako.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon. Tumalikod kaagad ako at nagpunas ng luha.

"Hello to you─" Natigilan si Margaux nang humarap ako sa kaniya. "What happened?" Nagmamadali siyang isara ang pinto at lumapit sa 'kin. Yumakap kaagad ako sa kaniya.

Umupo kami sa couch ng office ko. Sinabi ko kay Margaux ang lahat ng narinig ko para kung sakaling ganoon din siya sa 'kin, alam niya na nasasaktan ako.

"I knew it," she said as if she was right in what she's thinking. "Kaya ka iniwan noon sa bar noong nagkita kayo ni Luke. Wala man lang silang pakialam kahit umuwi ka ng late, to think na sila ang nag-aya sa 'yo roon?"

I sobbed. "Hindi ka naman ganoon, 'di ba?"

"Of course not," mabilis na sagot niya. "Totoo ako sa 'yo, Elly. Naiintindihan ko na nahihirapan ka magtiwala dahil sa mga nalaman mo but I'm telling you, hindi ako ganoon. My parents raised me better than that."

I nodded. "Salamat, Margaux."

She hugged me again. "Hayaan mo na lang sila."

I am so thankful to have Margaux with me. Kahit na lahat sila ayaw sa 'kin, basta nandito si Margaux, okay na ako.

She went back to the site, ipinatawag na raw siya ng Mommy niya. Ako naman, pinagpatuloy ko ang pagta-trabaho.

Mag-isa lang akong kumain ng lunch dahil sanay naman ako. Nakita ko pa sa kabilang table sina Mylene pero hindi ko sila pinansin kahit nakatingin sila sa 'kin. Ayaw ko ng gulo. Hindi ko rin naman sila pepersonalin sa trabaho dahil hindi ako ganoon.

After work, nakita ko na si Luke na nakatayo sa gilid ng sasakyan niya, nakatalikod siya at may kausap sa phone. Lumapit kaagad ako sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran niya.

Napaharap siya sa 'kin dahil sa gulat. Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kaniya at ngumiti lang sa kaniya.

"I need to go, let's talk about that tomorrow." he said before ending the call.

"Hi," I greeted.

"Hello." He smiled. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at pinasakay ako roon. Hinihintay ko lang siyang makapasok sa kotse.

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now