Chapter 2

5.4K 283 41
                                    

South

"And one more time South!"

Narinig kong sigaw ni Madam Viktoria. Ang fashion designer na kung saan ito rin ang may ari sa Vitorios Clothing line at ako ang isa sa kanyang mga modelo.

Isang summer fashion show ang gaganapin sa isang resort next month at ngayon nga ay sinasanay na kami para sa magiging event.

I inhale before I go out and show her kung anong gusto nitong mangyari. Rumampa ako kagaya ng gusto nitong makita. Paghanga ang nakikita ko sa mukha nito. She's a dear friend-like a Mom to me. Siya ang isa sa mga tumulong sa akin noong mga panahong lugmok ako. Ninang ito ng matalik kong kaibigan na si Paige.

After the incident five years ago. Nag-dropped ako sa school pagkatapos sumabog ang balitang inakit ko ang isang Denver Riggs. I didn't know na sikat pala ang foreigner na iyon dahil sa mga hawak nitong negosyo at napag-alaman kong ang asawa nitong si Gwyneth Del Prado ay kapatid ng babaeng nabangga ko noon. The ever sophisticated beautiful fierce Craven Athena Del Prado.

Sikat ito sa industriyang ginagalawan nito. She's a businesswoman at hindi lingid ang pagiging mataray at masungit nito. From the moment I saw her, I admired her. Who wouldn't? Pero pagkatapos kong makita ang pagkasuklam sa mga mata nito ay hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Sa totoo lang ay natatakot akong mag-krus ang landas namin ng mga Del Prado. Kahit inosente ako noon ay matatalo pa rin ako. Mapera ang mga ito at makapangyarihan samantalang isa lang akong hamak na modelo at mal-edukada. Hindi ko natapos ang pag-aaral ko noon at nagpukos sa iba't ibang trabaho. Hindi ko kasi agad tinanggap ang inaalok ni Paige sa akin noon na maging modelo ng ninang nito until I met Madam Viktoria personally. Ito ang isa sa mga taong naniwala sa kakayahan ko but we never told her about what happened to me at nagpapasalamat ako dahil nirespeto iyon ni Paige.

At naging modelo nga ako ni Madam Viktoria. I was being paid for my hardwork and for doing a good job. Ako rin kasi ang naipapadala sa iba't ibang bansa kung saan ako ang nagmomodel sa mga new collections nito at mabilis namang nakilala ang clothing line nito sa Asia. Marami ang nag-alok na mag-invest at dahil doon ay natutuwa akong natutulongan ko si Madam Viktoria sa lahat ng nagawa nito sa akin. And now, masasabi kong sobra na ang kinikita ko at naiipon lang iyon sa aking bangko.

Pagkatapos kong umikot ay napatigil ako ng makita ang pumasok.

It was her, Craven Athena Del Prado.

Bumilis ang tibok ng puso ko pero hindi ko ipinahalatang kinakabahan ako. I compose myself na parang normal lang ang lahat. I just hope na hindi ako nito maalala.

And what is she doing here?

"Oh goodness! It was you!" Masayang sinalubong ito ni Madam Viktoria. Naririnig ko ang bulongan ng mga kasamahan kong modelo pero parang nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Welcome Miss Del Prado! Please have a seat." Alok dito ni Madam Viktoria pero imbes na umupo pagkatapos nitong makipagkamay ay nanatili itong nakatayo.

Bumaling sa akin si Madam Viktoria saka ngumiti. Hindi ko alam kung ngingitian ko rin ito.

"Come here South. Let me introduce you to Miss Del Prado."

Para akong natuod sa aking kinatatayuan at nabingi ng husto. But this is a business so I have to act like a professional. Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay sumunod ako. Bumaba ako sa entablado saka lumapit sa dalawa.

I know Miss Del Prado's staring intently at me kaya hindi ko magawang tumingin rito.

"Madam." Mabuti ay hindi ako nautal. Ngumiti pa ito sa akin.

"I want you to meet Miss Craven Athena Del Prado. She will be our biggest investor hopefully kapag pumayag siyang pirmahan ang kontrata." Natawa pa ito. "And this is my main angel South Del Frio. Ang modelong magdadala sa brand sa next fashion show."

Lihim akong napalunok. D*mn, this is so hard. Bakit ngayon pa? Iyon pa naman ang inaasam ni Madam Viktoria na makuha. Ito pala ang sinasabi nito sa akin na pinakamalaking investor ng Vitorios kung sakali. Bakit naman hindi? With the Del Prado. Siguradong all support ang line namin at hindi na lang sa Asia kundi sasakupin nito international at iyon ang pangarap ni Madam Viktoria and I suppose na ang Del Prado Companies ang makakapagbigay ng bagay na iyon sa pirma lang ng isang Craven Athena.

I gave a simple smile and reach out my hand. "Hi Miss Del Prado. It was nice to meet you." Nagulat ako ng kamayan niya ako kahit hindi ako siguradong tatanggapin nito pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang nang-uuyam nitong tingin.

She knows! Sigaw ng isipan ko.

"It was nice to finally meet you, South Del Frio." Marahan pa nitong pinisil ang kamay ko kaya agad ko itong binawi. Mabuti na lang at hindi iyon napansin ni Madam Viktoria dahil nakatutok ang tingin nito kay Miss Del Prado. Naiilang talaga ako lalo na noong pasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa kaya napatitig rin ako dito.

She's gorgeous and too sexy to be a businesswoman.

What am I thinking?

"So you're Vitorios precious possession." Hindi ko alam kung may halong insulto ang pagkakasabi nito pero hindi ko rin naman sigurado kung tama iyon sa pagkakadinig ko.

Natutuwang tumango tango si Madam Viktoria. "She's going to be my successor in this line, Miss Del Prado. Our future successor. She's young, intelligent, gorgeous, and she got that body that everyone would ever dreamed to have. In short, she's perfect."

Napangisi ito and this time kitang kita ko kung paano maglaro ang apoy sa mga mata nito.

"Oo nga Viktoria. With that face and body she have. Lahat ng lalaki kahit pa may asawa na ay mahuhumaling pa rin. I assume na sana hindi ka papatol sa ganun Del Frio."

Para akong sinampal sa sinabi nito. Pinipilit kong ipagsawalang bahala ang mga pang-iinsulto nito pero bumabalik ako sa panahon na ipinahiya ako ng kapatid nito. Parang deja vu. Ang kaibahan lang ay ito ang nagpapahiya sa akin ngayon at walang alam si Madam Viktoria tungkol sa nangyari sa amin noon.

Miss Del Prado knew I was that young woman five years ago. Nababahala lang ako ngayon na baka hindi ito pumayag na mag-invest sa clothing line ni Madam Viktoria. The middle age woman doesn't deserve it. Hindi ako papayag na isabotahe ni Miss Del Prado ang kasunduan nila kung sakali dahil lang sa akin. If I have to walk away ay gagawin ko.

"I agree Miss Del Prado and of course hindi papatol si South sa mga ganun. She's wise. So what do you think after the signing of contract ay siya ang ipadala natin sa London para sa next fashion show na magaganap."

Ngumiti rito si Miss Del Prado.

"About that. I will think about it Viktoria. I'll give you my final answer after three days. Tatawag na lang ako sa iyo kapag nakapagdesisyon na ako."

Kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi nito. I was right. Paglalaruan nito si Madam Viktoria sa mga palad nito dahil lang sa akin kaya hindi ko maiwasang mainis rito. Bakit kailangan nitong mandamay ng ibang tao? Bakit hindi na lang ako? I am ready to take all the responsibilities and all the blame sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Biktima ako sa nangyari pero bakit?

Nakita kong nabura ang saya ni Madam Viktoria kasunod ng panlulumo nito pero mabilis din itong ngumiti. Hindi nga lang ganun kalawak kagaya kanina.

"I will wait then Miss Del Prado."

"I have to go Viktoria." Saka na ito tumalikod pero tumigil din sa paglalakad saka ito sumulyap sa akin. Ngumiti ito ng nakakainsulto. "And about you being the model na magre-represent sa London kung sakali Del Frio. The white dress will suit you. Because white means purity and innocence."

D*mn you Craven Athena!




____

Beshie kong marupok @shakiara17. Mag.iingat palagi and sana magustohan mo na ito. Limot limot din pag may time kay Cohen. haha !

Sa baby love ko. Baby love pa rin kita ❤

***
Let me know your thoughts about this guys..

_KeiRos

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon